FirstHow often do we come across someone who can make our table turn?
Was it fate?
In what chances that a stranger could mean more than anything?
Those thoughts immediately spring to my mind whenever I recall our first encounter.
"Lory!"
Imbis na lumingon ay mas inuna kong inayos ang salaming unti-onting nahuhulog at pinagpatuloy ang pagsusulat.
Halos namumula na ang kamay ko at ramdam ko na ang hapdi dahil sa pagsusulat ngunit hindi ko pa ring magawang tumigil.
Ilang pangungusap nalang ay maipapasa ko na ang papel.
"Ano ba yan! Kakasimula palang ng klase ay may pa essay na si Ms. Gomez!" rinig kong reklamo ng isa kong kaklase.
Muli kong inayos ang salamin at pinikit ang mata. Kailangan ko pang magisip ng mga makabuluhang pangyayari noong bakasyon.
Isip-isip ko ay madali lamang sana ito kung totoong may magandang karanasan. Ngunit wala!
Wala namang makabuluhang kaganapan noong bakasyon, maliban sa minsang pagsama sa pamamasyal nila Tita Amanda sa pamimili.
Iyon lang ang makabuluhan, dahil halos kabuoan ng bakasyon ay inubos ko ang oras sa pagpapart-time bilang tagahugas sa karinderya malapit sa amin.
"Lauriana!" nagulat ako dahil ang simpleng patawag kanina ngayon ay may kasama ng sipa sa likod na bahagi ng aking upuan. Suminghap ako at nilingon ito.
"Hay nako salamat! Kanina pa kita tinatawag ha! May mali ba sa tainga mo?" Umirap ito at ipinagcross ang kamay.
Shane Amalia Morales, ang muse ng klase. May katangkaran ito kumpara sa mga kaedad namin, katamtaman lamang din ang katawan nito. Mahaba ang buhok, bilog ang mata, makapal ang labi at matangos ang ilong— sa mga katangian na ito ay 'di maitatanggi kung bakit siya ang muse ng klase.
Si Shane rin ang nagiisang anak ni Tita Amanda. Silang dalawa ang tinuring kong pamilya matapos akong kupkupin ni Tita galing sa orphanage noong limang taong gulang pa lamang ako.
Si Tita Amanda ang matalik na kaibigan ni mama, isa sa dahilan bakit niya ako kinupkop.
"Bakit?" tanong ko.
"Sabay tayo umuwi!" saad nito at tinaas ang dalawang kilay.
Tinignan ko siya saglit bago binalik ang atensyon sa ginagawa. "Hindi pwede."
"I refuse to accept your no. I didn't ask you. It was a sentence. May tuldok yon noh!"
Binaliwala ko lang ang tugon nito at tinapos na ang ginagawa. Napahugot ako ng malalim na hininga nang matapos ang ginagawang sanaysay.
Pinagmasdan ko ang klase at napansin iba-iba ang pinagkakaabalahan ng lahat. Si Shane ay mukhang nagiisip habang kagatkagat ang dulo ng ballpen.
Ang iba naman ay nagtatawanan at nagk-kwentuhan. Samantalang ang mesa ni Ms. Gomez ay nanatiling malinis.
Tumingin ako sa orasan at nakitang maaari ng umalis ng klase. Inayos ko ang aking mga gamit at inilapag ang papel sa lamesa.
Nagpanic si Shane ng makitang tapos na ako at biglang bumilis ang pagsulat sa papel.
"Saglit lang! Wait, hintayin mo 'ko!" sigaw nito at nagmadaling magsulat.
"Mauna na ako!" paalam ko rito at hindi na ito nilingon pa.
Gusto ko man siyang hintayin pero kailangan ko ng umalis. Kundi ay mahuhuli ako. Ngayon ang ikalimang araw ko bilang student assistant sa library ng school.
BINABASA MO ANG
Reliving Regrets
Teen FictionLauriana was raised by her mom's best friend. Growing up with her adoptive family builds determination in her heart to strive and work harder for her future, so she can give back. Having a strong will to succeed in life had always been her top consi...