CH02

105 15 22
                                    


Helpless

"Your book..."  sabi ko at mabilis na itinulak siya palayo.

Great. Ngayon ay basang basa na ako dahil nawala sa silong ng payong. Nabalik agad ako sa realidad nang marealize na basa na ang aking damit.

I check myself and immediately cover the  chest part of my uniform when I realize it has become see-through.

Lalo akong nagpanic ng mapansin na naglalabasan na ang mga estudyante galing sa campus. I was about to run when he suddenly grab my hand and stand in front to cover me.  He then grab his bag and offer it to me.

"Huh?" Gusto niyang buhatin ko bag niya kapalit nang ginawa niya? Ganon? Eh hindi naman ako mababasa at aabot sa sitwasyon na ito kung 'di ko inihabol ang libro niya. 

Imbis na tanggapin ay tinignan ko lamang siya ng masama. Hindi niya naman ito napansin dahil malayo ang tingin niya.

"Ano gagawin ko sa bag mo? Bubuhatin ko? Aba sobra naman ata yan, ikaw na nga 'tong naka-

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil siya na ang kusang nagsuot ng bag sa braso ko. Hindi na ako nakapalag dahil sobrang bilis ng pangyayari. Natuptop ang dila ko when I realize what he was trying to do.

"Wala akong jacket eh. Kaya siguro pwede mo munang pagtyagaan bag ko para ipangharang sa ano.." Sabi nito at napansin kong namumula na ang tenga niya.

"Ahh" hindi ko alam anong sasabihin ko dahil nahiya rin ako sa unang nasabi.

He grabs the book in my hand and looks at me. "Babalik ka sa library?"

"Ahh oo, may pamalit ako sa bag ko" I said and sumenyas upang magsimula na kaming maglakad. Tumango lamang ito at sinundan ako.

"Kala ko nakauwi nakauwi ka na." I said trying to break the ice. I look at him pero seryoso pa rin ang mukha nito.

"Papauwi na sana, kaso umulan ng malakas." saad nito.

"Pero 'di ka naman na mababasa kapag nakasakay ka na sa jeep." huminto ako ng marating ang gate at hinarap siya.

He then walked beside me and closed his umbrella. "Naglalakad lang ako."

Tipid akong ngumiti at tumango. I swipe my ID so I can enter the campus and wait for his turn.

Sa totoo lang ay hindi ako ganon kagaling makipagusap kaya naubusan na rin ako nang sasabihin. Mukhang hindi rin naman siya interasado, base sa mga tugon niya. He simply followed me down the corridor till we arrived at the library.

"Thank you." sabay abot sa bag niya.

Nakapagpalit na ako ng damit at mukhang maayos na ulit. Buti nalang talaga ay bitbit ko ang white t-shirt para sana sa P.E. class. Hindi man nagklase ay napakinabangan ko naman ito ngayon.

Kinuha niya ang bag at sinukbit ito.

"Salamat din." saad niya at itinaas ang hawak na libro.

Tumango lang ako at nginitian siya. He then flashes a smile, turns his back, and walks away. Ako naman ay babalik na sa library upang magduty. Papasok na sana ako sa loob nang mapahinto ako dahil sa naisip.

"Mr. Zalvero!" Tawag ko rito dahilan upang lumingon siya.

"Lory! Ako si Lory!" I shouted. He initially appears perplexed by my actions but quickly recovers and smiles at me.

"Theo! I'm Theo. Nice to meet you, Lory." He muttered and waved his hands, so I waved back.

In what chances that a stranger could mean more than anything? I mentally asked myself and took a sip from a glass of champagne.

Reliving RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon