SONG OF MY KYLE'S HEART

76 1 0
                                    

CHAPTER 3[Song of His Heart]

Mali pala. Hindi pala linggo.

BUWAN.

Oo. Pagkatapos nun, ni hindi niya ko kinausap. Ni hindi nga siya nagpasalamat ulit. Hindi niya sinauli yungpayong ko.Hinintay ko yun hanggang dulo ng second year. Pwede ko naman siyang puntahan para bawiin yung payongko.

Dugdug. Dugdug.

Pero kada magtatangka akong pumunta, bumibilis yung tibok ng puso ko.

Nakakaasar.

Hanggang sa susukoako at sasabihin na lang sa sarili ko na ako mismo yung nagbigay nung payong at siguro akala ni Kyle nabinigay ko na nga yun.Sigh.Ayon.

Wala namang asenso. Akala ko second year na ako magkakaroon kahit man lang lantad na love life pero hanggang pangarap na lang yun. Sabagay... nangangarap nanaman ako eh ang daming babaeng masmaganda sa akin sa batch.Ang hirap naman maging simpleng tao.

Nangarap ako hanggang third year. Tama.

Ang bilis ng panahon at third year high school na ko. Halos ilangbuwan na ba ang nakalipas? Pero di ko ba alam. Sa tuwing naaalala ko yung una kaming nagusap at yungtungkol sa payong...

Dugdug. Dugdug.

Lumalakas ang pintig ng puso ko na parang di ako makahinga. Minsan nga nagdaday dream ako habangnagkaklase eh... 

mga tipong pwede kong ikutin ang panahon para bumalik sa dalawang alaala na yon.

Tama na nga yan Xei.

Pumunta ka na sa choir. 

May first Friday mass pa mamaya.Pagpunta ko sa MAPEH room, doon ko nalaman na nagabsent yung gitarista namin.

Nagpanic kami dahil dun. Pano ba ito? Magisip ka Xei... secretary ka pa naman...

Oo marunong ako maggitara pero sa tuwing malalaman kong tutugtog ako sa maraming tao...

kinakabahanako. Kaya tinago ko yung talent ko. Sino bang marunong maggitara?

 "Xei, si Kyle magaling maggitara yun.

Try mo tawagin... baka pumayag."

  "Ikaw na lang Raiza."

  "Ano ka ba dali na! wala na tayong oras oh.

Tsaka magaayos pa ko ng kanta."

 Naglakad na ko.

Nag umpisa na akong kabahan. 

Ano bang sasabihin ko?

'pwede ka bang maggitara saamin?" o 'marunong ka ba maggitara? Absent kasi yung gitarista namin'. Sigh.

Dugdug. Dugdug.

eto... nasa harap na ko ng section V. hanggang ngayong third year, andito parin siya sa section na to. Haay. Iaannounce ko na...

 "Si Kyle po?" 

 "Kyle!" 

 "Wag ka ngang manggulo dito Chris! Kita mong naglalaro ako ng gameboy."  

"Si Ms. Umbrella of your life mo."

 H.. H... Huh?! Pano nalaman ni Chris ang tungkol dun?Well... alam kong siguro... bukod kay Browny na bestfriend niyang aso na namatay, si Chris yung best palniya. Lagi silang magkasama.Pero... pano nalaman yun ni Chris? 

Sinabi ba ni Kyle... o nakita niya?Sa pagmumuni ko... di ko namalayan na ang nasa harap ko na pala ay si Kyle. Ayan... nasa harap monanaman ang pinaka angelic face na nakita mo sa tanang buhay mo. Ang sarap haplusin ng mukha niya.Gusto ko sana tanungin kung pano nalaman ni Chris kaso parang napaka papansin pag tinanong ko yun.Hindi naman pwedeng yun ang pinunta ko diba?

548 heartbeats (share)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon