MR.HEART

501 7 0
                                    

HI EVERYONE

BEFORE YOU READ

ako muna hihihi i mean basahin nio muna tong author's note

para di kayo magtaka

..shinare ko lng po tong storyng to.

kasi nakakarelate. tsaka sa hindi pa nakakapagbasa nitong

548 heartbeats.. edi basahin nio na rin po hihihih lalab <3

MR.HEART

Dugdug. Dugdug.Tumitibok nanaman si Mr. Heart.

Ewan ko ba. Bat kaya ganon

? Bakit kaya para mabuhay, kailangan tumibok ang puso?

Labo ng tanong kono?

Ang batayan kasi kung buhay pa ang isang tao ay kung tumitibok parin ang puso niya.

Pero bakit may naririnig ako na… ‘nung nawala siya, tumigil na ang tibok ng puso ko’ or ‘tumigil yung pintigng puso ko nung una ko siyang nakita’?

parang ewan no? ganon ang mga taong sobrang healthy ng lovelife.

Sana ako rin

.Ako si Peach Xeira Anderson.

Cute ng pangalan ko no? kakaiba.

One of the few things I’m proud of. Kilalaako bilang Xei-xei o Xeira o Xei lang mismo.

Pano ko ba idedescribe ang sarili ko?

Mm…Physically, hanggang kalahati ng likod ko ang wavy kong buhok.

Sort of kulot. May pagkachubby pero okaylang naman yun kasi hindi naman gaano halata… malalaman mo lang na chubby ako pag kinapa mo na yungchan ko. Maliit lang ako, 5 lang po ako. Mm… the greatest thing about me is my eye lashes. Mahaba kasi

.Emotionally? Mahina akong tao. I mean… mahiyain ako. Di ako gaano friendly. I’m one of the geeks inschool. Haha. Hindi naman sa ganon ka geek. Grade conscious kung tawagin. Matalino ako sabi ng ibangtao.

Pero tingin ko di totoo yun. Masipag lang talaga ako magaral. May pag ka kabisote at palabasa. Wouldyou believe that my hobby is studying? Oo… studying at hindi lang basta reading…So…

yun ako.

Kahit naman mahiyain ako and stuff, nagkakaroon parin ako ng secret love life. Paano yun? Eh dinagkakagusto ako ng patahimik. Wala pa kasing nakakaalam kung sino yung mga gusto ko. Actually,marami na kong crush pero I always keep it to myself. Haha… hipokrita ba? Ganon ako eh. ayokongmalaman ng ibang tao na nagkakagusto na ko. Bale every year meron ata akong bagong crush…That is…

before he came.

Second year high school pa lang ako.

Sabi nga nila, life starts in high school. Kung ako yun, icocontradict koyun at sasabihing, life starts when your heart beats.Ayon.

May bagong transfer mula sa isang private boys high school. Hindi ko naman alam kung bakit sa lahatng pinili niya, dito pa siya sa isang science high school.

Eh cute nga sa school nila kasi his school is knownfor rich, popular and handsome guys…At oo… well… isa siya dun.Ang pangalan niya?

Kyle I. Solomon. Nung dumating siya sa school na to, no wonder kung bakit mula saanit hanggang kuko sa paa niya eh crush siya ng maraming babae. Gwapo kasi at mayaman. Mejo wala ngalang utak. Uh… hindi naman. Di ko nga alam kung bakit siya trinansfer dito eh… Section V siya.So yun. Secret crush ko nanaman siya.

Well, I bet… di to tatagal kasi alam kong hanggang pangarap na langsiya. First three months ng taong ito eh naging girlfriend na niya yung pinaka magandang kabatch ko, Nungnagbreak sila of I don’t care reason, naging girlfriend na niya yung pinaka magaling na dancer ng batchnamin… galing no? parang may magnet…Compared sa mga girls niya, natural wala akong panlaban sa kanila. Bukod sa hindi ako friendly at tahimik,simple lang ako. Ni hindi nga ako nagbuburloloy. Relo lang. yun lang. di ko naman alam kung maynagkakagusto sa kin dahil wala akong tinatanungan at hindi naman kasi ako malisyosang tao…

Dugdug. Dugdug.

Ayan nanaman si Mr. Heart. Tumitibok nanaman ng sobrang lakas…

dumaan kasi si Kyle… kahit hanggangpangarap lang… sana maabot ko siya.Pero kahit ata sa pangarap eh pinagkakait siya sa kin.Haay.

Tama na ng ayan. Nung isang araw pa yun nangyari. Kunin mo na yung ballpen mo na naiwan salocker mo. Marami pa namang magnanakaw ng ballpen ngayon.Dito na lang ako sa likod dadaan para mas mabilis papuntang room…Huh? Sino to? Para siyang tuta na nakapulupot ang katawan. Bakit naman siya andito? Wait… matingnannga ng malapitan…

Dugdug. Dugdug.

OMG.

Si Kyle.

Ano namang ginagawa niya dito?Uh… kakausapin ko ba siya?!

Lalapitan ko ba siya?! Shocks naman…

ang bilis ng tibok ng puso ko. Hihilainko na tong mga veins nito para tumigil…I hope na marinig niya mula sa pwesto niya kung gano kalakas yung tibok ng puso ko ngayon…

“Anong ginagawa mo dito?”

Ugh. Lumunok ako ng laway. Hindi ako makaandar sa pwesto ko. Talaga bang… kinausap niya ko?

!Gumising ka Xeira.

Baka naman talagang panaginip yan?

“Hoi. Anong ginagawa mo dito?”

Aww. Too bad hindi siya panaginip. Naririnig ko talaga ang boses niya at kinakausap nga niya ako ngayon…so ano pang hinihintay mo Xeira?! Maglabas ka kahit letter A man lang mula sa bibig mo.

“May babalikan lang. Ikaw?”

Narinig ko siyang nag sniff. Nung nakaharap na ng totally yung mukha niya, nakita kong kakaiyak langniya…Sa kailalim-ilaliman ng kaluluwa ko, napabuntong hininga ako. Para siyang alamat. Ang gwapo pala talaganiya. Ngayon ko lang siya nakita ng ganitong kalapit…

“Namatay kasi bestfriend ko.”

 “Oh my gosh…”

Gusto ko siyang puntahan pero parang naninigas yung paa ko sa kinatatayuan ko… Di ko alam kung bakit.Ang sakit ata mawalan ng bestfriend…

“P… p… pwede ba kong l… l… lumapit?”

 “Ano ka ba. Magkabatch naman tayo. Di naman ako aswang o kung ano. Lumapit ka kung gusto mo.”

So yun. Kailangan ko paluin yung legs ko para kumilos. Kinakabahan ako at ang bilis ng pintig ng puso ko.Sobra. Tingin ko any minute, pwede siyang sumabog.

“Ano nga pala ulit ang pinunta mo dito?”

 “Naiwan ko kasi yung ballpen ko sa room.”

 “Para ballpen lang nagawa mong pumunta ulit dito sa school? Nasisiraan ka ba ng bait?” Wow. I can’t believe this. Kinakausap ako ni Kyle… at sinabihan niya ako na nasisiraan daw ako ng bait! Anggaling… thank You po Lord… 

Naglalakad kami. Di parin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Andun siya… nauuna sa paglalakad. Pero lumilingon parin siya just to make sure na sumusunod parin ako…Nung nasa bahay na ko, nagbabay na ko sa kanya. Ngumiti lang siya tapos umalis na. Andun parin ako sagate ng bahay namin. Pinagmasdan ko siya habang sumasakay siya sa jeep.

Dugdug. Dugdug.

Sabi na nga ba. Kahit sa pagalis niya, titibok parin tong puso ko…

Sana di na to matapos...

SPREAD THE LOVE

548 heartbeats (share)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon