Macky's POV
Krrrriiiinnnnnggggg!
"Huuwwwaaahhh! Inaantok pa ako. Haaayyy."
Hmmm. Bakit parang may matigas akong nayayakap? *dilat* Ayy oo nga pala hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na magkasama na kami ng Boyfriend ko sa iisang bahay. Yiiiieee! Para na tuloy kaming mag asawa, How sweet diba? HIHIHI
Dahan- dahan kong inalis ang pagkakayakap ko sa aking OH SO GWAPOng boyfriend para maghanda ng almusal namin. Dumiretso muna ako sa banyo para maghilamos at mag toothbrush then diretso na sa kusina.
"hmmm. Ano kayang pwedeng lutuin? Hmm. Eton a lang, tsaka eto and eto."
Habang nagluluto ako hayaan niyong magpakilala ang pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa! BWAHAHAH! Ako nga pala si Macky Mateos, isang gay/bakla/bading. Yup! You heard/read it right. IM GAY! Pero hindi ako cross dresser. Ayoko kasi ng ganun. Mas okay sakin ang simple lang. Mas nakakaakit! HAHAH JOKE! Mayaman ang pamilya namin and masaya kami. Ako ay may Boyfriend na gwapo and very yummy! HAHA Ang pangalan niya ay Xavier Lopez, mayaman di sila, pero hindi ko yun pinapansin, siya lang naman kasi ang mahalaga sa akin eh. HAHA Corny ba? Ganyan daw kapag nagmamahal eh. 2 years na kami ni Xavier. Pareho kaming 2nd year college sa Marcial University (MU) dito sa Bicol.Journalism ang course niya samantalang Education naman sa akin. 4th year high school nung naging kami. HIHI.
Actually malungkot ako ngayon. Pansin ko kasi this past few days, mas malamig pa sa tubig ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit. Nasasaktan ako pero hindi ko pinapahalata. Pasimple na lang akong umiiyak, tulad ngayon. Minsan sumasagi sa isip ko nab aka meron na siyang iba or nagsasawa na siya sakin.
"Haaaayyy! Buhay para talagang life!"
After ko magluto naghanda na ako para sa pagpasok sa school. Ginising ko na din si Boyfriend.
"Moo? Gising na Moo! 8:00 na! Diba 8:30 ang pasok mo?"
"Nak ng! Bakit ngayon mo lang ako ginising? Banaman yan Macky!" sabi niya sabay tayo and punta sa banyo. Naluha na lang ako ng kaunti dahil 3 weeks na siyang ganyan sa akin. Nung narinig ko na ang lagaslas ng tubig sa banyo, dumiretso na ako sa kusina para iready ang niluto ko.
Nagsimula na akong kumain ng marinig kong pababa na siya ng hagdan.
"Moo! Kain ka na ng breakfast!" ako sabay smile.
Tinignan niya lang ako then dumiretso siya sa pinto pero bago siya makalabas..
"Sa school na lang." sabay sara ng pinto. And as usual may tumulo na naming luha sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Hopes and Chances (boyxboy/gayxboy)
RomanceFirst time ko pong gumawa ng ganito so sana po suportahan niyo. :) Maguupdate po ako lagi. ;)