Macky's POV
Sa mga nagdaang araw ganun ang ginagawa ko. Iiwas sa kanya, lalayo, at magtatago. Alam ko kasing yun lang ang tanging paraan para mawala na yung sakit na idinulot niya sa akin.
Sa mga nagdaang araw na yun si Leonard ang laging nandyan sa tabi ko. Pinapasaya ako, pinapatawa at linilibang. Hindi mahirap mahalin si Leonard. Siya yung lalaki na hahanap hanapin mo kapag nawala.Nandito kami ngayon ni Leonard sa MCdo. Ewan ko nga dito eh. Ano kayang nakain nito at naglibre?
"Hoy! Ba't moko dinala dito hah? Mapera ka ngayon ah. Infairness." biro ko dito.
"Masama bang ilibre ko ang kaibigan kong malapit ng makamove on?!"
"Kaloka! Kailangan talagang icelebrate yun? HAHA"
"Oo naman kasi sa wakas graduate ka na sa pagiging martyr! BWAHAHAHA"
Binatukan ko naman siya dahil sa pang aasar niya. Tss."Eto naman di na mabiro. Ubusin mo na yan para makaalis na tayo." Utos nito.
"Saan tayo next pupunta? Diba wala na tayong klase? Ayoko pang umuwi."
"Problema ba yun? Eh di gagala tayo, bilisan mo dali!"Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami at pumunta ng Wildlife sunod sa Embarcadero.
Naging masaya ang pamamasyal namin ni Leonard. Ang saya niyang kasama.NAndito kami ngayon sa seawall at pinapanood ang paglubog ng araw.
"Alam mo sabi nila yung mga sakit daw na naratamdaman mo isipin mo habang lumulubog ang araw kasi sa paglubog nito dafalhin niya yung mga sakit na nararamdaman mo." Kwento niya sakin.
"Sana nga. Sana nga dalhin ng araw sa paglubog niya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko ng maging masaya Leonard. Ayoko ng umiyak. Nakakapagod na."
"Magiging masaya ka din. Hindi kita iiwan. Handa akong maging clown mo."
" HAHA baliw ka talaga! TAra na nga uwi na tayo. Magluluto pa ako."
"Sige hatid na kita."Hinatid ako ni Leonard sa bahay.
"Paano ba yan. Kita na lang tayo bukas." pamamaalam niya.
"Sige. Ingat sa pag uwi."
"Salamat" sabi niya with matching kindat pa. Kinilig naman ako dun.Pagkaalis niya ay nagluto ako ng kakainin ko. Pagkatapos ay nag half bath then I drifted off to sleep.
BINABASA MO ANG
Hopes and Chances (boyxboy/gayxboy)
RomanceFirst time ko pong gumawa ng ganito so sana po suportahan niyo. :) Maguupdate po ako lagi. ;)