CHAPTER 5 IT'S OVER

92 3 0
                                    


Macky's POV

            Nakarating ako sa bahay at nadatnan ko si Xavier na nakaupo sa sofa at katabi niya yung babaeng nagngangalang Shiela. Naramdaman nila ang aking presensya kaya napunta sa akin ang kanilang atensyon. Nakita kong magkahawak kamay sila kaya mas lalo lamang akong nasaktan.

            "Macky." Tawag sa akin ni Xavier kaya napatingin ako sa kanya.

Natatakot ako sa mga sasabihin niya. Alam kong hindi niya na ako mahal. Pero tama si Leonard. Kailangan kong harapin ito. Para to sa tuluyang ikaliligaya ko.

            "Hmmmm?"

            "I'm sorry. Tama si Shiela. Kailangan kong pumili sa inyong dalawa dahil hangga't wala akong napipili patuloy na may masasaktan. Haaaaayyy. I'm sorry. Si Shiela ang pinipili ko. Wala kang kasalanan Macky. Naging mabuti ka sa akin. Ginawa mo ang lahat para mapasaya ako.Ako ang may kasalan. I fell out of love. Bigla na lang kay Shiela napunta ang atensyon ko. Sorry Macky. We need to go." Tugon sa akin ni Xavier at agad nilang tinungo ang pinto para lumisan.

Masakit talaga. Pero alam kong sa una lang to. Kakayanin ko to.

Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakatitig pa rin sa pintuan habang umiiyak. Nang matauhan ako ay patakbo kong tinungo ang aking kwarto at dun patuloy na umiyak habang inaalala ko ang ala-ala naming nung kami pa. Masaya naman talaga kami dati eh.

*Flashback*

 Pagkalabas ko ng CR ay agad akong nagtalukbong ng kumot. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng CR at maya-maya pa'y naramdaman kong may umupo sa kama.

            "Asan kaya ang asawa ko? Hmmmm. Ayy may unan pala rito?! Makahiga nga. Ahhhhh" sabi ni Xavier at bigla ko na lang naramdaman na may dumagan sa akin.

            "Huli ka! Nandyan ka pala eh! Lagot ka sa akin!"

            "HAHAHA! Tama- HAHA! Xavi- HAHAHA! Tama na ! Tama na! HAHAH!"

Wala akong tigil sa pagtawa dahil sa pagkiliti sa akin ng mahal ko. Nang mapagod na kami ay nahiga na kaming magkayakap. Narinig kong bumuntong hininga siya.

            "Oh ang lalim nun ah! Bakit?" –ako

            "Wala naman. Naisip ko lang, sana tayo na habang buhay no? Mahal na mahal kasi kita. Hindi ko ma- imagine ang buhay ko na wala ka sa tabi ko. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita!" sagot niya sa akin na akin namang ikinakilig.

            *^_^*

            "Ehhh! Ano ka ba naman! Pinapakilig moko eh! Mahal na mahal na mahal din naman kita eh!" sagot ko naman na ikinahagikhik niya.

            "I love you!" sabay halik sa aking labi.

            "I love you too" at nakatulog kami na magkayakap.

*End of Flashback*

            Walang tigil sa pagdaloy ang aking luha habang inaalala ko ang aming nakaraan. Maaaring hanggang dito na lang kami.

Tama na Macky! It's over! Hindi ka na niya mahal.

Siguro dahil sa walang tigil na pag iyak, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. 

Hopes and Chances (boyxboy/gayxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon