CHAPTER 2 LEONARD

85 3 0
                                    


Macky's POV

Habang naglalakad papuntang school, hindi ko maiwasang hindi maluha kapag naaalala ko ang pagiging cold sa akin ng mahal ko. Kinuha ko na lang ang Ipod at earphone ko sa aking bag at nagsimulang makinig sa Music. Nagulat na lamang ako ng Makita ko sa gilid ng mata ko na may tumigil na sasakyan.

Wow! Ang ganda ng kotse! Sabi ko sa isip.

Tumigil ako dahil unti unti bumababa ang salamin ng kotse. Ilang sandali pa ng nakababa na ang salamin at makita ang may ari nito..

*O_O* - ako

^_^- siya

MayyyyyyGhhhaaaddd! Patay na ba ako? Bakit may anghel dito? Napatitig na lamang ako sa kanyang makakapal na kilay, maputing mukha, itim na mata, mahahabang pilikmata, matangos na ilong and ang lips niyang pinkish na manipish. HAHA Natigil ang pagpapantasya ko sa kanya ng...

"PEEEEEEEEPPPPPPPPPP!"

"Ayy kabayong nabuntis ni Vice! Bakit ka bigla biglang bumubusina ha?!" asik ko dito

"Masyado mo na kasi akong tinititigan! Alam kong gwapo ako, pero wag mo naman masyadong ipahalatang isa ka sa mga naglalaway sakin." Mahabang litany niya sabay kindat. ^_-

"aa.. Hah? Ang kapal naman ng mukah mo! May iniisip lang ako at saktong sayo nakatutok ang mata ko noh?!" sagot ko sa kanya.

"HAHAHA! Okay! Okay CHILL! Gusto lang sana kitang yayain sumabay sa akin papasok ng school. Alam ko naman kasing same University lang tayo nag- aaral base sa uniform mo. And napansin kong mag- isa ka lang kaya, Tara! Sabay ka na sa akin!" mahabang sabi niya sa akin. Nagulat ako sa biglaan niyang pagyaya sa akin na sumabay dahil hindi pa naman kami magkakilala.

"HAH?! Ayoko! Hindi nga kita kilala eh! Malay ko ba kung killer ka!"

"HAHAH! Mukha ba akong killer? Hah? Miss.....ter? HAHAH!" pang aasar niya sakin!

"CHE! Bahala ka diyan!" at iniwan ko na siya at ang kotse niya. Pero hindi pa ako nakakalayo ng may humila sa braso ko at iniharap ako.

"Hey! Nagbibiro lang naman ako eh! By the way, EHERM! Ako nga pala si Leonard Santillan, and you are?"

"Hmm. Macky. Macky Mateos." Sagot ko at nakipag kamay sa kanya. Agad ko naming hinila ang aking kamay dahil may naramdaman akong electrons na dumaloy dito.

"Nice meeting you. So, kilala mo na ako? Pwede ka na bang sumabay sa akin?"

"Okay!" sagot ko na kanya naming ikinangiti. Wala naman sigurong masamang sumabay sa kanya diba? Late na rin naman ako eh.

Lihim na lamang ako napangiti habang tinititigan ko ang kanyang mukha. Nagkatitigan kami and ako ang unang umiwas at ibinaling ang tingin sa labas ng kotse sabay bulong sa hangin ng pangalan ng taong unang nagpangiti sa akin sa araw na ito.

"Leonard."

Hopes and Chances (boyxboy/gayxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon