Chapter 6

11 0 0
                                    

Chapter 6

"Carry this one, this one and this one." utos ni Cole.

"Aba! Sobra naman ata yan." reklamo ko.

"One of the rules is No Complaining!" sabi niya.

"Wait. May rules na ngayon?" tanong ko.

"Yup. Now carry," demand niya sabay tapon sakin nung bag. Buti nalang ipinaglihi ako kay wonder woman at mabilis kong nasalo kung hindi, hirap na hirap nanaman ako kumuha nun sa baba.

Siya na nagdala ng bola niya pang basketball baka hirap na hirap na daw ako. Naawa pa siya talaga ha? Apat na bag ang nasa akin at bola lang ang kukunin niya? Thank you nalang. Nahiya pa siya.

Kelalaking tao sobrang daming dala mas sobra pa saakin. Isa nga lang dala kong bag at siya tatlo?! Magcacamping ata dito yan eh or sinasadya niya lang para mahirapan ako.

"Bat ba ang dami mong dala? May plano ka bang magcamping dito? Kung meron sama naman ako oh!" sabi ko with matching banga sa braso niya.

Joke lang yung huli kong sinabi. Sino ba namang tao ang gustong sumama sa demanding gorilla. Well, ako dati pero dati yun.

Sinamaan ako ng tingin chaka inirapan.

"For your information that's for my basketball and soccer practice. You asked a lot of question, can you shut up?" inirapan ko nalang siya.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na hirap na hirap magbuhat ng gamit nila Mason at Philips sila Dessy at Serenna. Naguiguilty tuloy ako. Kasalanan ko nanaman to kung bakit sila nadamay.

"Cole Black. Pwede bang labas nalang dito ang mga kaibigan ko? Tutal wala naman silang kasalanan eh."

"You really can't shut up can you? And to answer your question. No. They are your friends right? Like they said friends stick together. So if it's your fault then it's their fault also. And look, they look like really having fun," tapos tumawa siya ng malakas. Now I'm starting to question why I like this guy.

Tinuro niya saakin ang hirap na hirap na si George, Dessy at Serenna. Having fun? Having fun ba yan na halos mahimatay na sila sa kakabuhat ng mga bags. Arrggh. Jusko po tulong!

Binilisan pa ni gorilla ang lakad niya habang tumatawa parin na parang baliw. Anung nakakatawa dun? Demonyo ata mga to. Sarap iloblob sa bowl ng CR ang mga mukha nila tapos iflush.

Tinignan ko nalang ng masama ang likod ng ulo niya. Silently cursing him. Iniimagine ko nalang na may hole ang batok niya at ang mga dugo ay umaagos ng tuloy tuloy! Rejection nga naabot ko dito pero ito ako ngayon nakasunod sakanya na parang aso lang. Dapat ko nga to kamuhian at iwasan kasi pinagtawanan niya ako sa harap ng maraming tao. But I can't bring myself into. Mas may lalong humahatak saakin palapit sakanya.

Hindi ko napansin na huminto na pala siya tuloy nasubsob ko mukha ko sa likod niya.

"Aray!" ang tigas talaga ng likod nito panu puro abs ang nakadisplay sa katawan. Masarap sigurong tikman!

Nilingon ako chaka inirapan. Aba!

"Lilingon chaka iirap? Anu ka bakla?" bulong ko sa sarili habang naglalakad. "Naku, kung hindi ka lang gwapo kanina ko pa yan tinusok mata mo. Sayang naman kasi diba pagtinusok ko mata mo hindi kana magiging si Cole Black magiging Black ka nalang kasi-"

"Hoy! Babae! This way!" sigaw ni gorilla sa kabilang hallway.

Inirapan ko nalang siya chaka sinundan. Inirapan din ako pabalik. Oh! Sige! Magirapan tayo dito Cole Black.

"You know you look like Tito Erwan. You have a same eyes, nose, lips, everything."

Sino kausap nito? Tumingin ako sa gilid niya at gilid ko. Wala namang tao. Hmmp. Bahala siya magmukhang siyang tanga.

It All Started With An AppleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon