Chapter 9

5 0 0
                                    

Chapter 9

Pinapanood namin sila Mason, Philips at Grayson na naglilinis at nagluluto sa bahay nila Dessy at George. Yun ang parusa ng tatlo. Hindi ko nga alam bat nadamay pa yang tatlo.

"Hindi ko alam na magaling palang magluto jowa mo Alli. Dapat nandito yan palagi para makakatikim tayo ng mga culturang pagkain nila." sabi ni Serenna habang nilulublob ang mukha niya sa pasta na ginawa ni Grayson.

Hindi madedeny na masarap talaga ang luto ni Grayson. Swerte nga ni Alli dito. Sweet, caring at mapagmahal na boyfriend ang meron siya at magaling magluto. Minsan nga makikita mo sila ni Alli sobrang sweet. Pagtinitignan ko sila para akong isang bitter. Sarap mangsaksak ng langgam, bakit hindi ako binigyan ng isang ganayang boyfriend o bakit hindi naging ganyan si Gorilla.

Sana kung may chance kahit konti lang, maging ganyan sana kami ni Cole.

"Hoy!"

"Ay butiking palaka!" sa gulat nahulog ako sa inuupuan ko.

Tinignan ko ng masama si Dessy. "Bat ka ba nang gugulat?!"

"Aalis na tayo pero ikaw nakatunganga parin." sabi niya.

Kumunot naman noo ko. "Aalis? Saan? Bakit?"

"Magswiswimming daw tayo kila Cole."

"Kila Cole? Bakit?" nagtataka kong tanong.

"Hays, kung nakikinig ka lang sana kanina." bulong niya sa sarili. "Tara na maiiwan na tayo." hinila niya na ako.

"Wait. Wala akong pangswimming." sabi ko sakanya.

"Nagprepare na sila George." sabi niya sakin.

Nung nakarating kami sa labas nasa sasakyan na silang lahat. At lahat din ata ng boys may sasariling kotse.

"San ako?" tanong ko kay Dessy nang sumakay na siya sa kotse ni Mason.

"Kay Cole." turo niya sa itim na Lamborghini tapos pumasok na sa kotse ni Mason.

Ako lang magisa na iwan sa labas. Nagaalangan ako kung papasok ba ako sa kotse ni Cole or makikisakay nalang. Tama! Makikisakay nalang ako.

Kumatok ako sa malapit na kotse na makita ko. Bumaba naman ang window ng kotse.

"Pwede makisakay?" tanong ko kay Philips.

"Oh. Sorry Pax my car is full." rason niya. My car is full eh sila lang dalawa ni Serenna ang nasa loob.

"Oo Pax. Dun ka nalang kay Fafa Cole mo." sabi ni Serenna bruha. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Umalis na sila pagkatapos nun. Bagay nga talaga silang dalawa.

Binaba ko na ang lahat ng pride meron ako at pumasok na sa sasakyan ni Cole.

"Ah. Pax hindi ka uupo jan." sabi ni Cole.

"Bakit?"

"May ininbita akong kaibigan ko." sabi niya sabay smirk.

"Okay." umalis na ako sa harap at umupo sa likod.

Sino naman kaya yun?

Mga ilang minuto nagstop by kami tapos lumabas siya sa kotse at kumatok sa isang bahay tapos may isang babae lumabas. At hindi lang isang babae, si Stephanie pala ang bisita niya.

I felt like my heart pulled out my chest and stomp it with one foot.

"Oh. Hi! Pax!" ang nakakairitang boses ni bruha pumasok sa tenga ko.

I didn't trust my voice so I just nodded.

Buong byahe ay nakatingin lang ako sa labas ng kotse. Hindi ko kayang tumingin sa harap na kung saan naglalandian ang dalawa. Hindi pa nakakasimula ang swimming pero parang gusto ko nang umuwi.

It All Started With An AppleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon