"Rest Room lang ako." Sabi ko kay Shio at tumayo para pumuntang restroom. Pag labas ko ng restroom nagulat ako dahil nag hihintay pala si Kalix sa labas.
"Mag restroom ka din?" tanong ko.
"No." Paalis na sana ako nang hawakan nya ang kamay ko at nilapag ang phone nya sa palad ko.
"Would you mind giving me your number?" Pag tatanong nya sakin.
"For what reasons?"
"For my sister." Well i guess his sister likes me? I give my number and left the hallway. Umupo ako pag balik at nag phone nalang para hintayin matapos yung dalawa kumain.
"Tara na." Aya na samin ni Kalix at nag si tayuan naman kami. Nag gala gala kami dito at namili na din. We went to the shoe shop where i saw Kalix. Namili don sa Avi atsaka kami nag punta sa bilihan ng pabango.
I'm thinking if i should buy this chanel perfume. It costs 10,485 pesos and i can't afford it. Sobrang mahal nya at baka maubusan ako ng pera pang grocery kada week.
"You want that?" Kalix suddenly appeard next to me looking at Chance Eau Tendre Perfume.
"No. It's expensive." Sabi ko at sumunod nalang kay Shio sa labas habang kumakain ng icecream.
"Ano? may napili kang perfume?" Tanong nya sakin bago ako umupo sa bench.
"Hindi e, sobrang mahal nung napili ko. 10k" Sagot ko sakanya at sinandal nalang ang ulo sa glass fence.
"Awit sobrang mahal nga nun. Next time nalang" Tumango ako sakanya at nilabas ang phone para tignan kung anong oras na.
7:30 pm na at namimili parin si Avi ng perfume sa loob.