Naka upo ako sa office chair ko at hinihintay si Shio dala ang mga drinks at foods na pinabili ko. Dito na kami mag llunch since ayaw ni Shio ng crowded, nag archi kapa hahaha.''Oh mga kape mo.'' Bungad nya sakin tsaka nilapag iyon sa coffee table.
''Mag kano lahat?''
''550, kasama na yung spag at pancake.''
Di naman ako nagulat sa presyo at kinain nalang ang pancake bago ang spaghetti. Hinihintay namin yung client na nag papagawa ng bahay sa Antipolo dahil sabi nya 3:00 pm daw nandito na sya, 3:20 na wala pa rin.
''Bakit ka nakatulala dyan?'' sinira ni Shio ang katahimikan.
Napapaisip ako kung pano ako bibili ng sasakyan dahil 25k lang ang ipon ko. Bulok na kase yung sasakyan ko apat na taon na sakin yon.
''May kilala ka bang nag bebenta ng 25k na sasakyan? Kahit second hand lang.'' kailangan ko pa mag tipid dahil may gastusin pako sa condo ko lalo na sa gas ngayon.
''Ang alam ko madaming sasakyan si Avi, meron syang Ford na luma, di nya na nagagamit. Kailangan mo na ba? Pwede ko naman sya tanungin para sayo...''
Alam ni Shio ang past namin ng kuya ni Avi pero wala namang kaso yon kung si Avi ang makikipag kita hindi ang kuya nya diba?
''Okay lang, ako na mag tatanong, may number kaba nya?''
''Wait check ko lang sa contacts ko.'' Inubos ko lang ang iced coffee na binili ni Shio kanina.
''Here'' Pinakita nya sakin ang cellphone number ni Avi at kinuka ko naman iyon. ''Kaya lang baka iniba nya nayan ngayon. that number was 3 years ago.''
''Okay lang. I'll try contacting it if sumagot sabihan nalang kita.''
Tumawag ang client ko at sinabing di daw sya makakapunta ngayon dahil may emergency daw na nangyari. Halos tatlong oras ko sya hinintay buti nalang dinaan ko sa kain. Ngayon dapat ang kita namin at pupunta kaming site kaya lang may emergency daw. sayang. Gusto ko pa naman makita yung napagawa ni Ma'am.
I still tried to drive my stupid car and it's still working. Thankful dahil hindi pa kailangan palitan bukas.
[Hello?]
sagot ng babae sa telepono. It was Avi. Tinawagan ko na sya ngayon para makausap ko na sya next week if maibebenta nya ba sa akin ang Ford nya for 25k. Luma na yung Ford na naipakita nya sakin it's from 2016 style pa pero okay lang hanggat okay pa yung sasakyan.
Mga ilang araw din ang nakalipas bago ko naalalang mag kikita nga pala kami ni Avi.
May mga nadagdag sa ipon ko kaya kampante ako na di ako mauubusan nang pang grocery. Sabi ni Avi e sa StarBucks nalang daw kami mag kita at trip nya daw mag kape.
Nag taxi nalang ako at di na dinala ang sasakyan ko dahil may sasakyan na man ako pag uwi.
Nauna ako sa StarBucks dahil 7 am palang umalis nako ng bahay. Nag order nalang ako ng Caramel Java Chip dahil di naman kami mag tatagal dito.
I tried finding Avi here pero wala talagang sumusulpot dito kaya nag hintay nalang ako uli. I tried contacting Avi narin if makakapunta pa ba sya and sabi nya hindi na daw kaya napasapo ako sa ulo ko.
''Di ako makakapunta pero yung kuya ko ang makikipag kita sayo dyan.''
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. HA?? anong kuya?? makikita ko si Kalixto??
Alam kong past na yon pero pano ko naman ileletgo kung sampong taon ko sya hinihintay diba? tas ganto pa pagkikita namin e di naman ako ready.
Bumukas ang front door ng StarBucks at nagulat ako dahil si Kalixto nga ang narito.
Pano yan e ayaw nya naman ako makita uli bakit sya narito?
No. i'm not ready to face him again yet. Next time.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------;))))