Kumain lang kami at nag kwentuhan bago kami umalis.
"Ano nangyari sayo don? halos tulala kana buong oras." sabi ni Shio saakin habang nag mamaneho.Hindi ko nga din alam e, diko alam kung gumagana pa utak ko kanina habang nandoon kami. Tatlong oras kaming naroon kila Avrianna pero tulala lang ako.
"Wala napapaisip lang ako kung kaya ko ba makapag tapos this year." Pag eexcuse ko. Kaya ko naman talaga kung pag sisipagin ko mag review sa magaganap na exam namin e.
"Kaya yan, tulungan kita mag review para sa exam mag hhire si papa ng tutor para satin."
Sobrang bait ng papa ni Shio. Yung parents ko nasa abroad at di na nakakauwi dito kaya pag malungkot ako e napunta ako kila Shio at doon nakikisabay kumain. Si tito ay parang tatay ko narin. Kaya lang naman ako nakabili ng condo dahil pinilit ako ni mommy. Sya din nag bibigay ng allowance ko everyday dahil may sarili akong card.
"Pwede naman."sabi ko. "Sabihan mo nalang ako kung kelan ha" Nakababa nako ng sasakyan dahil nandito na ako sa condo building ko. Nag u-turn na si Shio at umalis. Sumakay na ako ng elevator. Pag pasok ko naman sa condo ko e bagsak agad ako.
"Hoy gaga! gising tanghali na, mamamalengke kapa dibaa??" Nagising ako sa ingay ng katabi ko. Nagulat ng si Shio ang bungad.
"Gago? ginagawa mo rito aga aga." "Nasayo na ba susi ng condo ko??" pag tatanong ko sakanya.
"Tanga! Naiwan mo yung duplicate sa bahay." tsaka sya nag punta ng kusina at uminom ng tubig.
"Ano sasabay kaba sakin? pinamamalengke ako ni papa."
"Wait tignan ko lang mga dapat bilhin." Di naman ako pala luto kaya di na kailangan ng sobrang daming napamalengke.
Nag punta kami sa palengke at nag hiwalay na ng direction. Ako naman e namili muna ng Hipon, Baboy at Manok tsaka ako nag punta sa Gulay at Prutas. Sabi ni Shio e dun nalang kami mag kita sa harap ng Jollibee para kakain nalang kami don.
Pag tapos kong mamalengke e nauna nako sa Jollibee dahil sobrang init sa palengke.
Nag hanap ako ng upuan para sa dalawa. Hinintay ko muna dumating si Shio bago ako mag order.
"Ano sa'yo?" tanong ko.
"Spicy Chicken Joy, Bff Fries, Sunday tsaka CokeFloat."
Parehas nalang din yung akin sa order nya dahil yun din naman balak kong iorder kanina. Dumating na ang pag kain at kumain na kami. Pag tapos naming kumain hinatid nya nako sa bahay tsaka sya umuwi.
Walang pasok ngayon kaya nanood nood lang ako ng netflix sa sala at pakain kain ng popcorn. Napatalon ako sa sofa ng biglang mag ring ang phone ko.
[Hello?] narinig ko ang boses ni Shio sa telepono.
[Hello? Bakit ka napatawag?]
[May kikitain tayo bukas wala namang pasok diba?]
naneto may kikitain nanaman kami. Sabagay friendly talaga si Shio madami na syang kaibigan. Kahit nga celeb may connections sakanya e. Yung ate nya kase isang model tas nung bata sya lagi syang dala sa shoots kaya ganon.
[Wala naman. Sino ba kikitain natin?]
[Basta! Ano G kaba?]
[Sige. Bahala na si batman.]
tsaka nya pinatay ang call.
Natapos na ang pinapanood ko kaya naligo nalang ako dahil init na init nako sa suot ko. Naka Pajamas at T-shirt kase ako kaya sobrang init.
Pagtapos ko maligo e nahiga nalang ako at natulog. Nagising nalang ako ng 7:00 pm at gutom na gutom nako. Grabe ang tulog ko 5 Hrs. Nag luto nalang ako ng Sinigang at itinabi ang natira sa ref.
Nanood nood nalang uli ako ng tv tsaka natulog nang mabored na.
"Goodmorning hampas lupa." Bungad uli sakin ni Shio nang pag buksan ko sya ng pinto.
"Ano nanaman ba pakay mo?"
"May kikitain tayo shunga."
Nagising ang diwa ko at nag hilamos sa lababo.
"Sino ba yung kikitain natin at ganyan lang ang suot mo?"
he's just wearing brown jacket opened, white top, dark blue long pants, blue headset, high shoes and necklace."Basta! Kasama mo naman ako e maligo kana!!"
Agad akong naligo at nag bihis ng maayos.
i'm wearing my new high shoes, dark blue polo shirt and black long pants. Nag pulbos nalang din ako para di mukhang sinagasaan ng sampung mabibigat na truck.We hop in his car and he drove it to mall. I was surprised that Avrianna's car was here too or baka coincidence lang? we continued walking and walk inside the uncommon restaurant here.
It was dark and the theme is romantic. The room was full of hearts and flowers. I don't know what's happening here but i continued walking with Shio.
Nagulat ako nang lumabas si Avi and Kalixto sa likod ng kahoy na pader.
"Ano to? Blind date?" Sarkastikong sabi ko.
"I settled you on a blind date sir." pang aasar sakin ni Shio at tumawa lang sya.
Kumain kaming apat dito. Kaming apat ang nag date dahil di nila akong mapipilit na kami lang ni Avrianna ang mag ddate dito.
"The steak is good." pabulong ni Kalix kay Avi ngunit narinig ko ito.
"Talaga? Iba kase yung akin e Fried Rice At Siomai lang. Pero masarap din!"
"Would you like to try mine Uno?" pag aalok sakin ni Kalixto. Tinikman ko naman yung steak nya at ang sarap nga! may taste ang Kalixto na to ha!
"How's the taste?" pag tatanong nya sakin.
"Masarap nga!"
"You want to switch?"
"No, Okay lang masarap din naman yung akin e." Pag hihindi ko sa alok nya. Jusko steak yon dapat sya ang umubos non hindi ako.
"Here." Kinuha nya ang plato ko tsaka pinagpalit ang kanya. Grabe pinagpalit nya talaga??? Sobrang di naman sulit yung Siomai Rice e.
"T-Thankyou Kalixto." Pagpapasalamat ko nalang. Naipag palit nya na e ano pang magagawa ko?
"Just call me Kalix or Xav whatever you wants okay lang sakin."
--------------------------------------------------------------------------------------:)).