Pag pasok ko ng kwarto unang bumungad sakin ay si Shio. Ang bestfriend ko simula elem. We made a promise na kapag nag 3 yrs of friendship kami e iisang school nalang ang papasukan namin hanggang collage. Kaya ngayong SHS e nasa ADMU kami. Parehas naming kinuha ang architecture dahil simula grade 8 yon ang napupusuan namin.
''Kamusta ang plates sis?'' Bungad ni Shio pag pasok ng kwarto ko.
''Kung ayan ang pag-uusapan natin umuwi ka nalang.'' Syempre nakakastress ang mga plates diba? sino ba naman ang hindi masstress.
''May nakita akong gwapo sa UST hehe'' nanetong malanding to napapadpad nalang bigla sa UST at nakakahanap ng gwapo.
''Bakit naman napapadpad ka don ha?'' pag tatakang tanong ko.
''Si Avrianna don nag aaral, miss nako e''
''Jowa mo?''
''Bestfriend.'' Akala ko jowa nya dahil ngayon lang naman sya nakapag banggit ng babae sakin.
''17 yrs old, SHS student din, medic, matalino, mabait at mayaman ano type moba?"nagulat ako dahil parang nirereto na nya yung Avrianna sa akin.
"Try mo ipakilala sakin next time.'' Tsaka ako tumalikod sakanya at nag hilamos na. 10:30 na at napapadpad pa sya dito habang ako patulog na. Gawain nya naman yung tumambay dito e kaya lang minsan dapat nag dadala syang chix HAHAHA.
Nagising ako ng 5:00 am ng umaga kaya bumaba nalang ako ng condo ko at nag jogging sa daan. Nakabalik ako sa building namin ng 5:45 am kaya naligo nalang ako at kumain. Tanghali pa ang pasok ko kaya nag punta nalang akong mall para mamili ng sapatos at bagong cellphone dahil basag na yung luma ko.
Naka upo ako sa couch ng biglang may tumabi saking lalaki. He's wearing a blue and green short and blue, green and white beach polo. He's taller than me and smells good kaya sakanya napunta attention ko.
It's like he's 6 ft and 6 in. my height was 6'3.''Sir eto na po yung size na hinihingi nyo. Would you like to try it here sir?'' napatalon ako nang biglang nagsalita yung salesman, hawak hawak ang sapatos na napili ko kanina. The color was white and light green. ganon ang tipo ko yung may colors pero plain lang.
Tinry ko ngang suotin ang sapatos habang nakaupo sa couch. Napapatingin parin don sa lalaking nakita ko kanina. Hanggang ngayon e namimili parin sya ng sapatos, feel ko mayaman to dahil yung mga sessions na napupuntahan nya e yung latest at most expensive.
Pinabayaan ko nalang yung lalaking yon at umalis na doon. Nagpunta naman ako sa Mang Inasal para kumain. Umorder lang ako ng Chicken Spicy Paa, Halo-Halo at Iced Tea. Hindi na ako nag unli rice dahil busog nako sa binili ko.
After ko naman kumain e umuwi nako tsaka naligo at nag palit ng damit. Hindi naman ako late pero parang sobrang tagal ko sa mall dahil nag gala gala pako at namili ng groceries.
''Hoy teh wala ka sa condo mo kanina?'' Bungad ni Shio sakin pag pasok ko ng classroom.
''Nag punta akong mall. Namili-mili lang, bakit?''
''Kanina pako katok nang katok wala namang nag bubukas ng pinto. Wala ka pala don.''
''Matakot ka pag may nag bukas ng pinto.''Hinampas naman ako neto at tinawanan ko lang dahil alam kong natakot sya HAHAHHAHHA.