Kabanata 19 : Pagbaliktad

524 41 16
                                    


Kabanata 19 : Pagbaliktad

Heather Island

Hours Later


Kanina pa nakatayo si Wine sa labas ng pintuan ng guest room. Natapos na ang party at natutulog na ang iba sa guest room at ang iba naman ay sa bahay nila Autumn at Fox nanuluyan.

Napahingang malalim si Wine sinubukan niya kanina tingnan kung nakalock ang pinto pero hindi naman kaya hindi naman siya mahihirapan na pumasok, iyon nga lang baka sumigaw si Elle sa oras na iyon na madaling araw.

"Papa."

Napatingin si Wine ng may narinig na boses, alas tres na ng madaling araw kaya tulog na ang lahat kaya napakunot ang noo niya sa tawag na iyon.

"Pa." muling usal ng tumatawag kay Wine.

Napatingin si Wine sa paligid wala siyang makita kahit sino kaya hindi niya inintindi ang tumatawag.

"Papa." malamyos na tawag muli ng tinig.

Tumingin sa paligid si Wine, pero wala siya makita.

"Asar. May multo nga yata sa bahay na ito." sabi ni Wine sa isip.

"Papa." muling sabi ng tinig.

"Hindi ako natatakot kung sino ka man." sabi ni Wine pero nagulat ito ng may kumalampag sa likuran niya.

"Ay pusang gala." gulat na reaksyon ni Wine at sa gulat nito napapasok ito sa loob ng kuwarto ni Elle at mabilis na naisara ang pintuan ng kuwarto.

"Grabe, may multo nga yata dito." naiiling na sabi ni Wine habang nakasandal pa sa pintuan. Nakuha pa ni Wine ikandado ang pintuan.

"Huwag ka lang papasok dito at baka ikaw ang nakikita ng asawa ko." sabi ni Wine sa isip.

Samantalang mula sa labas ng kuwarto nagtawanan ng mahina ang sixtuplets sa ginawa.

"Hahahaha. Di pumasok din siya." natawang sabi ni Laszlo.

"Ang tagal pumasok biruin niyo isang oras siyang nakatayo lang sa harap ng pintuan." sabi ni Otto.

"Kaya nga, ano siya poste." sabi ni Viggo.

"Baka akala ni Papa rebulto siya." sabi ni Ezio

"Baka may balak magpatuyo ng rebulto niya kasi di ba kapag patay na ang isang tao ginagawan ng rebulto para maalala siya." sabi ni Rollo.

"Rebulto?" sabi ni Shiloh

"Oo." sabi ni Rollo.

"Alam ko na." sabi ni Shiloh.

"Ang ano?" sabi ni Laszlo.

"Ang alin?" sabi ni Otto

"Pagawan natin ng rebulto si Papa tutal sa isip ni Mama patay na siya. At ang sabi nga ni Rollo ginagawan ng rebulto para maalala ang isang tao." sabi ni Shiloh na ikinatingin ng limang kapatid nito sa isa't isa.

"Oo nga 'no." sabi ni Viggo

"Puwede." sabi ni Ezio.

"Tapos damihan natin ilagay natin sa sala, dito sa second floor, sa garden at kung saan pa na mahilig tambayan ni Mama dito sa Glass House." sabi ni Rollo.

H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon