"Sometimes you need to know the truth first before it leads to a misunderstanding."
-------
Chris' POV
Nandito na kami ni Kuya sa Starbucks. Aba't hindi nga siya nalate eh. Well hindi ko alam ang gagawin ko pag nalate siya. Dumiretsyo nako kung saan siya nakaupo.
"Hi Chris" bati niya sa akin at inabot yung inorder niya sakin. At tinanggap.
"Hello Luke. Hindi ko na patatagalin pa ito. Bakit kailangan mong makipagbreak sakanya agad agad? Alam mo ba na na-giguilty ako sa ginawa mo sakanya. Nagusap kami kagabi at sinabi niya na wala na kayo at umiyak siya alam ko. Please tigilan mo na ako. Pwede naman tayo maging magkaibigan nalang eh. Kaso ito ikaw pinagpipilitan ako na mahalin ka. Alam mo ba na kaya ayoko magkaroon ng boyfriend kasi alam kong masasaktan lang ako."
"May magagawa ba ako sa nararamdaman ko. Minahal ko rin naman si Sam kaso ng makita kita naging iba ang takbo ng tibok ng puso ko. Nung una nga sabi ko sa sarili ko na si Sam ang mahal ko at hindi ikaw kaso kahit ilang beses ko ideny sa sarili ko hindi eh maslalo pa lumalala ang pagmamahal ko sayo. Kahit bigyan mo lang ako ng pagkakataon. Kahit isa lang maipakita ko lang sayo na mahal talaga kita at hindi kita sasaktan."
Bigla akong yumuko at nagsalita. "I'm sorry Luke. Hanggang magkaibigan lang talaga ang pwede." Tatayo na dapat ako kaso bigla niya ako pinigilan. Napalingon naman ako sakanya at bahagya naman siya napangiti. Bumalik na ulit ako sa inuupuan ko.
"Okay, if that's what you want. So friends?" Tanong nya habang ang kamay niya ay nakalahad sa unahan ko.
Tinanggap ko naman ito, tumango at bahagyang ngumiti.
"Yes, friends."
"So she's the reason that's why you need to end our relationship huh?"
Napatungo naman ako ng marinig ko ang boses nya. Hindi ko kayang tuminggin sa mga mata niya. Alam kong nakita na niya na ako ang kausap ni Luke.
"Oh bakit hindi kayo makaimik ngayon? Na-tameme lang ganoon?" Halata na sa boses niya ang pagkaiyamot
"It's not what you think cous. Sasabi---" sabi ko sakanya ng makahugot ako ng lakas para makapagsalita kaso isang masakit na sampal lang ang natanggap ko. Ang sakit. Grabe.
"Kaya ba ganyan ka kapag magkasama kami ni Luke ang cold cold mo sakanya? Ha?!"
Umiiyak nako di ko alam ang gagawin ko. Wala akong paki kung pinagtitinginan kami ng tao dito. Inawat ni Luke si Sam at umimik.
"Yes she's the reason pero hindi din naman siya pumayag kahit kulit kulitin ko siya. Oo naging gago ako sayo pero hindi mo naman masisisi ang puso ko. Minahal kita pero habang tumatagal noon nawawalan ka ng oras sakin at pilit iniintindi ang lahat. Habang marami kang ginagawa nakilala ko naman itong pinsan mo. Namis understood mo ang lahat Sam, kaya siya cold kapag magkasama tayo kasi iyamot na iyamot na siya sa akin. Iyamot na iyamot sa punto na minu mura na niya ako sa text. Yung kanina, yung nakita mo na magkahawak kami ng kamay, that's the sign of our friendship. Kasi ayaw na ayaw na pumatol sa lalaki na ex pa ng pinsan niya at ayaw niya na pag-awayan niyo yun. You should know the truth first before you did everything."
Umalis na ako. Ang sakit sa pakiramdam ng ganito ako ang naiipit sa gulo. Lumabas na ako ng mall at nagtaxi. Bumaba ako sa may park malapit sa simbahan. Doon ako naglabas ng galit. Galit sa sarili ko dahil hinayaan ko na magsinungaling sa pinsan ko.
"Handkerchief."
Jaydon's POV
Bigla na lang nawala si Chris after ng nangyari nakita ko naman si Kuya Nathan halata sa kanya na hinabol niya si Sam ng makita nito sina Chris at Luke na magkasama. Hindi ako nakalapit kasi alam kong aakusahan din ako ni Sam na kasabwat ako, Oo kasabwat ako, alam ko lahat pero hindi ko naman masisisi si Chris kung hindi niya nasabi kay Sam. Naipit lang siya sa sitwasyong ito. Tinetext ko si Chris at tinatawagan kaso hindi naman ito sumasagot. Nag-aalala na ako. Sakin ito pinagkatiwala kapag napahamak ito lagot ako kay Tita. Pinaka-ayaw ko sa lahat ay may napapahamak.
Sabay namin nilapitan ni Kuya Nathan si Sam para umalis na, sinabihan ko na lang si Luke na saka na muna magpakita.
"Sam dapat hindi ka nagpadalos dalos tingnan mo ang nangyare hindi ko na alam kung nasan si Chris ngayon?!" Hindi ko na napigilan ang galit ko at napagtaasan ko rin siya ng boses habang si kuya pinapakalma siya.
"K-kuya ang s-sakit grabe. Paano nagawa sakin ni Chris iyon. Pwede naman niya iyon sabihin sa akin diba. Diba? Pero naglihim siya." Umiiyak pa din siya.
Hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa babaeng ito.
"Alam mo ba ang dahilan niya kung bakit ayaw niya iyon sabihin sayo? Ayaw lang naman niya ikaw masaktan eh. Mas ginusto niya na siya na lang ang masaktan kaysa ikaw. Alam naman natin na may kasalanan din siya pero ginawa niya lang yun upang wag ka masaktan. Mahal ka nung pinsan natin Sam. Kaso anong ginawa mo sinigaw sigawan mo! Sinigaw sigawan mo sa harap ng maraming tao! Alam mo bang sariling pinsan mo ipinahiya mo. Tsk!" Ginulo gulo ko na buhok ko dahil sa iyamot. Akala ko pa naman magiging maayos yung mangyayare kaso wala eh nahuli sila at na MISUNDERSTOOD PA.
Alam kong kahit napaka kalma ng aura ni Kuya Nathan alam kong disappointed siya kay Sam dahil sa ginawa niya kay Chris. Alam naman natin na magka-edad kaming tatlo matanda lang ako ng isang taon pero mas pinapahalagahan namin si Chris kasi masyado itong emosyonal pag dating sa family lalo na kapag kay Sam. Ayaw niya na nagkakaaway sila.
"S-sorry K-kuya Jay." Nakatungo nitong sabi sa akin.
"Huwag ka sa akin magsorry. Hindi naman ako ang nasaktan mo eh, yung pinsan mo. Pinsan mo na tinuring ka na kapatid."
BINABASA MO ANG
Between You and Me (ON HOLD)
Teen FictionLove? Friendship? Sabi ng Dictionary LOVE is an Intense feeling of deep affection. Sabi ng Iba naman ang Love daw ay nagdadala satin ng saya sa una at sa huli naman ang luha. Minsan ang luha ay sa saya, minsan naman ay sa lungkot. Sabi ng Dictionary...