CHAPTER 9

8 0 0
                                    

Chris' POV

Nakarating na kami ni Ate Karen sa bahay nila. Okay lang naman kasi ano bang gagawin ko sa bahay kung ako lang mag-isa.

"Ate, sino kasama mo dito? Bakit parang magisa ka lang?" Tanong ko kay Ate Karen ng mapansin ko na parang ang linis ng bahay.

"Ako lang umalis kasi sina mommy kasama sina Ken at Kiersten na lumuwas at magpapacheck - up. Ako naman galing lang sa bayan para bumili ng mga ingredients." sabi ni ate sabay pakita ng bitbit niyang mga supot.

Di ko napansin kanina kasi wala naman siyang bitbit eh.

"Ganun ba ate, pero uuwi din sila?"

"Yep, uuwi din sila mamaya. Nga pala bakit mo naisipan na umuwi dito sa Batangas na magisa? Nasan sina Tita?"

Naalala ko na naman ang nangyare kanina. Naiiyak na naman ako. Bigla akong napayuko kasi ayaw ko naman na makita ako ni Ate Karen na naiyak. Bigla ko naman naramdaman na may humahaplos sa likodan ko.

"It's okay to cry. Sabi nga ni Baymax, ' Crying is a natural response of pain' kung talagang nasasaktan ka ngayon ilabas mo lang. If you want to share it, you may naman."

Napatunghay ako nang umimik si ate. Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti.

"Ate, ano mararamdaman mo kapag yung isa sa mga importanteng tao sa buhay mo ay nagalit sayo?"

"Bakit may boyfriend ka na?! Ikaw Christal ha, bawal muna magboyfriend bata pa."

Napatawa naman ako sa inasta ni Ate Karen.

"Hahaha, no ate. I don't have. It's just that yung cousin ko, she thought that inagaw ko boyfriend niya, nageexplain ako sakanya pero nasampal niya ako. Kasi nakita niya kami na magkausap. But the truth is that her boyfriend and I were just talking dahil palagi na nangungulit sakin. Kaya i talked to him and told him na tigilan na ako."

"Ahhh ganun ba, akala ko naman may boyfriend ka na. You just did your part and that's right. Pero yung pagsampal niya sayo, that's wrong. Dapat nakinig muna siya sa'yo bago siya gumawa ng isang bagay." napatango na lang ako kay ate at nanahimik.

Tumayo na si Ate at tumungo na sa kusina bitbit yung pinamili niya. Tumayo na ako para magpaalam.

"Ate Karen, I'll be going na." aalis na sana ako ng biglang sumulpot si Ate galing kusina.

"Hephephep!! Diba ikaw lang ang tao sa inyo?" napatango naman ako.

"What if dito ka na muna magstay. Delikado kung ikaw lang ang nasa inyo. And nang makapagbonding naman tayo. It's been a long time since nakapagbonding tayo." she said while smiling at me widely. Matatanggihan ko ba naman siya. Hahaha

"Makakatangi ba naman ako sa'yo ate. Sige basta kwekwentuhan mo ako about nung bata pa tayo ha." I answered back at her and leave the house.

Sam's POV

"Huwag ka sa akin magsorry. Hindi naman ako ang nasaktan mo eh, yung pinsan mo. Pinsan mo na tinuring ka na kapatid."

yan ang huli kong narinig kay Kuya Jay. Masyado siyang maalaga kay Chris. Halos lahat kami, masyado kasing sensitive pagdating sa family. Masyado ko siyang nasaktan. Hindi ko muna pinakinggan ang kanya dahilan. Si Kuya Nathan alam kong disappointed siya sakin. Masyado akong nagpadalos dalos.

Tinext ko si Chris, I asked for forgiveness pero wala akong natanggap na reply from her. And I don't know also where she went after what happen.

Kakaisip ko sa mga nangyayare, nakatulog na ako. Nagising na lang ako dahil ni Dustine na nangungulit sakin at tumabi pa sa kama ko. Napangiti naman ako at minsan lang siya manlambing sakin.

"How are you Dustine?"

"I'm fine, ate. You? I just heard from Kuya Nico that Kuya Luke broke your heart. Does it bleed ate?" napa awang ang bibig ko. Ang bata pa niya para malamang ang mga bagay na iyon.

"It did not bleed literally baby, it only hurt. Don't worry ate will be fine." I answered back and gave him an assuring smile.

After namin magusap ni Dustine, lumabas na siya. Nanatili akong nakahiga at nakatingin lang sa ceiling. Naalala ko naman na ang nangyare kanina.

Napabangon ako at parang gusto ko muna magpahangin. I want to think about my action.

Pagbukas ko ng pinto unang bumungad sakin ay kapatid kong si Nico.

"Oh, may problema ba tayo bro?" Tanong ko sakanya. Di naman yan pupunta sa may tapat ng room ko kung walang problema eh.

"Ah, eh..."

"Ah eh ih oh uh? Ano bibigkasin lang ang vowels Nico?"

"Ah sige ate haha wala lang napadaan lang ako." Sabi niya sabay lakad pababa sa sala.

"If I know alam niya ang nangyare kanina." nasabi ko na lang sa sarili iyon.

Bumababa na ako, nakita ko si Nico na nanunuod kasama si Dustine. Pinasabi ko na lang sakanya na sabihin kay Mommy na lumabas ako ng bahay, baka hanapin ako eh.

Habang naglalakad ako nagheadset na lang din ako. Nagpunta ako sa park at naupo sa swing.

while sitting di ko na mamalayan na napakalungkot pala ng tugtog, kaya I change it to something na medyo pang pa cheer up ng konti.

¤ Now playing: Perfect Strangers ¤

napatawa ako, parang mas okay lang na maging strangers na lamang eh. Habang nakikinig ako ay may kumulbit sakin, pero paglingon ko wala naman. Tapos wala na ulit.

Maya maya ay tinanggal ko na ang aking headset at may narinig ako na natawag sakin.

"Hey loner!!"

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Between You and Me (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon