CHAPTER 3

33 3 0
                                    

January 01

Sam's POV

Hay nako nakakaiyamot naman itong si Mark kala ko magiging ayos na kami. Hawakan ba naman ang aking kamay alam ng may BOYFRIEND ang tao eh. -.-"

"Ano ba naman yan alam ng may Boyfriend eh!!" Pagdadabog ko sa loob ng bahay namin.

***Bucket full of tears

Babe you know I'm here

I'm here waiting

Close your prec..***

Basta ko na lang hinablot ang phone ko sa akin bulsa at sinagot ang tawag di ko na tiningnan kung sino.

"Hello?!" Pagsigaw ko wala eh wala talaga sa mood.

[Hoy bansot chill lang aba.] Patay si Kuya Jaydon.

"Sorry." Pagiging kalma ko habang kausap siya.

[Ayos lang Bansot by the way Happy New year pakisabi na rin kina tita ha.]

"Happy New Year din kuya. sige makakarating iyon. Sorry ulit ha BV lang talaga."

"Nga pala kuya makikita kami ni Luke bukas." Halata naman sa boses ko eh na masaya. Hahahaha

[Jaydon punta ka na dito. Medya Noche na kasama si..] di ko na narinig yung sinabi eh si Tita Cristy yun mommy ni Kuya Jaydon.

"Sige kuya tawag ka na ni Tita eh. See you soon." Sabi ko and hung it up at nagdive na ako ulit sa kama ko hay... I can't wait na magkikita kami.

Jaydon's POV

Hi Baby. Jaydon Mendoza here A.K.A. Jay. New year na! It's 2015 guys! Malapit na birthday ng kabarkada ko at sweet sixteen naman ng pinsan ko. Sino kaya escort nito? Hmmm. By the way andito si Jimin and his Family dito na sila nagcelebrate eh. Tapos tumawag ako kay bansot si Sam kilala nyo naman siya diba. Sigawan ba naman ako sa telepono. Kasi nga BV DAW SIYA. AT BAKIT KAYA. Tapos si Mark naman nagreply sa tweet ko sino daw yung girl na pinicturan ko na ka video call ko. Hindi ko na sinabi at may magagalit.

"Hoy lalim ah! Iniisip mo?" Asar ni Jimin sakin.

"Wala. Maka-HOY ka naman dyan bro! May pangalan ako! " pagsusungit ko dito. Tapos sumubo na ulit ako.

"Bro kamusta naman kayo ni Trish?" Ako naman ang nang asar. Ano ka ngayon ha. Hahahaha

"Ewan ko sayo Jay. Wala na kami nun noh. Pati tanda mo nun nung nasa airport tayo yung kinokwento ko yung Chris, simple sya, mabait at palangiti syempre maganda din." Kwento ni Jimin. Kapangalan ng pinsan ko ah. Hahaha.

"Ahhh... Pero may gusto pa din sayo si Trish di ba?" Sarap talaga asarin. Bwahaha

"Pssh!" Tanging sagot niya.

"Kuya Jimin. Kuya Jay tawag na kayo. Tagal nyo naman dyan kumain mga PG!" Sabi naman ni Ynna. Grabe naman PG agad pwede naman gutom lang.

Pumunta na kami dun sa garden. Saya ng new year pero mas masaya kung kami ng mga pinsan ko ang kasama ko it's been years na kami di nagkikita.

Hay buhay talaga.

Sam's POV

Kanina tumawag si Kuya Jaydon. Salamat naman at umalis na din sina Mark. Si Chris naman umuwi muna at mamaya kasi aalis sina Tita babalik na uli sa Korea tapos sa States naman pero syempre iwan si Cous. Sawa na siya dun sa Korea sila lang tatlo nina Lainne ang naiiwan dun plus their maids, tapos sina tita puro business naman.

F A S T F O R W A R D

1 hour na lang magkikita na kami ni Luke. I'm so Exciteeeed! Maya maya aalis na din ako. But before ako umalis syempre twitter muna.

"@samxperez: gonna meet him in an hour."

Tweet Send

Nakita ko sa interactions ko si Cous nagreply.

"@MendozaC: @samxperez good luck girl!"

Napaka-supportive naman ng Pinsan ko.

May isa pa. Hulaan nyo kung sino. Si Cookie Monster!

Haha si Kuya Jaydon.

"@Jaydonmendoza: @samxperez babae good luck!"

Oo alam ng public na pinsan ako ni Kuya except kay Chris ayaw kasi nun ipaalam at ayaw ng kung ano anong chismis. Pero di magtatagal malalaman din ng fans nina Kuya yun.

Nireplyan ko sila.

"@samxperez: @MendozaC thanks girl. :*"

Send

"@samxperez: @Jaydonmendoza makababae ka kuya!! Haha sige salamat bro! :*"

Yeah may kiss mark para sweet syempre pinsan ko eh. Hahahaha.

Umaalis na ako ng bahay baka andun na eh. Nagpahatid nako kay Kuya Nathan kahit alam kong puyat pa si Kuya nagpahatid talaga ako pati no choice sya eh ayaw nila kami payagan magbyahe.

"Sam goodluck ha." Sabi nya..

Dala ko nga pala yung gift na binili ko from korea.

Sa totoo lang di gano kalayo ang bahay namin sa lugar ng tagpuan namin ni Luke.

Malapit na kami wala pang ten minutes ang byahe. Ayaw kasi nina Kuya na maglakad ako mag isa ganyan sila ka protective samin pati kay Cous.

"Sam ayun na siya oh puntahan mo na. Good Luck ulit bansot." Sabi ni Kuya with matching kiss sa forehead.

"Sige kuya bye! Fighting!" Sabi ko sabay hug sakanya.

Tanaw na tanaw ko siya mula dito sa kinatatayuan ko. Mejo naka porma siya. Gwapo niya talaga di ako nagsisisi na sagutin siya.

Kinulbit ko siya then sabay abot nung gift.

"Hi Babe!" Bati ko sakanya sabay kiss sa cheeks

"Oh Hi."

Bakit parang ang cold niya? Nagkwentuhan lang kami tapos nilibre nya akong food. Tawa ako ng tawa kinuwento ko sa kanya yung nangyare sa korea.

"Nga pala babe bakit nagyon ka lang nagpakita. Alam mo miss na miss kita ng sobra." Sabi ko sa kanya with a smile on my face.

"Nga pa.."

"Let's End this relationship."

Pagkarinig ko nun para akong binagsakan ng langit at lupa. Ang sakit, ang saya saya ko kanina tapos ngayon..

"Ano?!" Napatayo na lang ako at napasigaw halos makuha ko lahat ng atensyon ng tao dito. Wala akong pakialam kung pagtingginan nila ako. Sana nananaginip lang ako.

"Pero bakit Luke?! Bakit?! Alam mo bang mahal na mahal kita! Bakit mo ito ginagawa sakin? Magwo-one year na tayo tapos makikipagbreak ka lang sakin! Sana panaginip lang ito! Sana Luke nananaginip lang ako at hindi ito tunay! For petes sake!" Pinaghahampas ko siya at humagulhol na ako sa iyak.

Niyakap nya ako pero pilit kong kumakalas sa yakap nya.

"I Hate you! I hate You Luke Madrigal!"

Paaaaaaak!

Oo sinampal ko siya malakas yan ang pinakamalakas na sampal na nagawa ko.

"You deserve that slap! And that gift you don't deserve it!" Sabi ko sabay takbo wala na ako paki alam kung san ako dadalhin ng mga paa ko.

Napatigil ako sa may fountain.

"Bakit?! Bakit kailangan nyang gawin ito sakin dapat sinabi niya agad na may iba ng nagpapatibok ng p*t@ng*n@ng puso! Waaaah. T________T"

"Miss panyo oh?"

~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤

Sino kaya ang nagbigay ng panyo kay Sam? At ano kaya ang dahilan kung bakit sila nagbreak ni Luke?

Vote.Comment.Spread.

Follow me guys on twitter: @SamaritaAC

Between You and Me (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon