CHAPTER 8

40 0 0
                                    

"It pains alot when the person who hurt you is one of the important person in your life."

---------

Chris' POV

"Handkerchief." Napatinggin ako sa batang nag abot sa akin ng panyo. Tinanggap ko naman yung alok niya.

"Bakit po kayo umiiyak? Sabi po ng Kuya ko ang umiiyak daw po pangit. Ganda mo pa naman ate." Nakakatuwa naman ang batang ito ang daming alam. Kahit papaano napagaan niya ang loob ko.

"May Ate ka ba?" Tumango naman siya habang nakangiti. Ang cute niya.

"Nag-aaway ba kayo?" Tumango ulit siya.

"Nasasaktan ka ba kapag nag aaway kayo? Gusto mo ba na nag-aaway kayo ni Ate mo?"

"Opo nasasaktan po ako. Kahit na si ate ay mataray mahal ko pa din yun. Ayoko ko nga po na nag aaway kami kasi walang magpupuyod sa akin. Walang magtuturo sa kin ng assignments ko. Bakit po nag away po ba kayo ng ate nyo?" Ang sarap pala na kumausap sa isang batang di mo kakilala. Kahit alam mong harmless naman sila.

Umiling na lang ako sa tanong niya..

"NIEL!!!!!" Napalingon naman yung batang kausap ko.

"Sige ate ganda una na po ako." Akmang aalis na siya ng pigilan ko para ibigay ang panyo niya.

"Sayo na lang po yan ate. Ingatan mo ha." Sabi niya sabay yakap ng mabilis sakin. Nagwave na lang ako sakanya.

"Ikaw talagang bata ka kung saan san ka napunta..." Rinig kong sabi nung ate niya. Kakatuwa naman sila tingnan halata naman na close sila.

-----------

Ilang oras na rin ako nakapagisip. At napagisipan ko na hindi muna sa amin umuwi. Hindi ko kaya na makita sila. Gusto ko muna mapagisa. Sa resthouse muna namin ako uuwi. Isang beses palang kami nagbakasyon doon nina mommy. Napatingin ako sa phone ko. Hindi na ako nagitla ng may mga text si Kuya Jay sa akin. Alam kong nag aalala siya.

Nagbyahe nalang ako pauwi ng Batangas. Resthouse na resthouse ang dating nito mahangin. Malapit sa dagat. Pwede nga'ng di na mag aircon eh sa sarap ng simoy nito.

Pagdating ko doon agad ko kinuha ang susi sa ilalim ng basahan. Nakakatawang isipin pero doon inilalagay ni mommy in case of emergency. Tulad ngayon.

Agad akong nagreply kay Kuya na okay lang ako. Alam kong isang reply ko lang doon na okay lang ako ay di na ulit yun magrereply. Nagtext sa akin si Sam. At humihingi ito ng tawad sa akin. Handa na ba ako? Masakit pa eh. Maarte na kung maarte. Kung ikaw ang maipit sa isang sitwasyon na katulad ng akin diba magiging ganito ka din naman. Si Luke din humihingi ng tawad sa nangyare. Di ko na din nireplyan. Okay ng si kuya lang ang replyan ko.

Pumunta na muna ako sa may dalampasigan at naglakad lakad. May nakita akong isang family ang saya saya nila. Hindi ko tuloy maiwasan na mamiss sina Mommy. Lalo na sina Alainne at Adriel yung mga kulitan namin. Kamusta na kaya sila. Tatawagan ko na lang sila mamaya pagkadating ko sa bahay.

"Christal?" Huh? Pangalan ko yun ah. Pero walang natawag sakin noon ah. Napalingon ako sa tumawag sa akin. Hindi ko siya kilala pero bakit niya ako kilala

"Sino ka po? At paano nyo po nalaman pangalan ko?" Wala ako kilala dito. Hindi naman ako lumabas noon nung pumunta kami dito eh.

"Si Ate Karen mo ito. Hindi mo ba ako na aalala?"

"Pasensya na po. Wala po ako ma alala eh. Na-aksidente po kasi ako noon. Pero pwede naman po tayo magsimula ulit eh." Sabi ko sakanya. Nginitian ko siya at nginitian din naman niya ako.

"Onga no. I'm Karen Santiago. You are?" Napatawa naman ako kay Ate Karen. Naging energetic siya. Haha. Inilahad pa nga ni ate ang kamay niya. Tinanggap ko naman.

"Christal Mendoza. But you can call me Chris nalang ate. Di na po ako sanay ng Christal eh. Wala na ring natawag nun."

"Oh? Bakit ayaw mo na ng Christal ganda noon eh. Pati gumanda ka lalo. Gusto mo kwentuhan kita noong mga bata pa tayo nina Kenneth." Masasabi ko na ang bait ni Ate Karen.

"Kenneth po?"

"Ahh oo kapatid ko. Madalas ka nga asarin nun nung mga bata pa tayo eh. Best friends pa nga turingan niyo. Haha. What will be Ken's reaction when he sees you? Hahahaha. Can't imagine. Pati wag ka nga magpo nagmumukha akong matanda eh." Nagitla ako kay ate bigla naging hyper grabe. At ang ganda niya kahit naka-nerdy glass siya. (O.o) Haha

"Hahaha. Talaga po... I mean talaga ate, best friend ko kapatid mo? Simula po kasi nung maaksidente ako eh wala pong kinukwento sina mommy sa akin na may kaibigan pala ako dito sa Batangas." Sagot ko sakanya. Napa-pout pa tuloy ako. Biglang pinisil ni ate ang ilong ko.

"Wala ka pa ring pinagbago Christal. Ganyang ganyan ka din dati. Gusto mo makita yung best friend mo. I'm sure matutuwa yun. Hihihi" bigla akong hinatak ni Ate Karen patayo at hinawakan sa kamay. Para tuloy akong may yaya.

Sabi niya malapit lang daw yung bahay nila sa amin. Pero parang dalwang kanto pa ang madadaanan namin makarating lang sa kanila. Ang amin kasi paglabas mo ng beach tapos liko sa kanan yun na eh kina Ate Karen nakadalawang kanto na kami tapos pumasok sa isang eskenita. Daming paliko liko. Teka.. Hindi ba iyon yung bahay namin. Wag niyang sabihin na...

"Ate 'wag mo sabihin na inyo..."

"Yup tama ka ng iniisip kapitbahay lang tayo. Haha pasensya ka na ha. Gusto ko lang gawin yun para may thrill. So tara. Pasok na tayo."

~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤~❤

A/N: Akala niyo si Jimin? Well si Jimin dapat yun kaso masyadong cliché na kaya batang babae nalang. Yung mga quotes before magstart yung chapter ako mismo ang nagiisip. Comment kayo kung gusto niyo wag kayo mahihiya. So guys stay tuned sa story. Take care and God Bless!

Between You and Me (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon