Chapter 1

16.3K 414 139
                                    

Nakatingala ako sa malaking hotel na malapit sa gawing karagatan. Malaki pag pinasok mo iyon sa loob at maraming mga foreigner at mga ibang taga manila.

Suot ang gaya ng kasuotan ng aking ina, assigned ako sa house keeping department. Marami kami roon, taga probinsya ang karamihan. Habang ang nanay ko naman nasa tinatawag na first batch. Siya ang naunang employee habang kami, katulad ko ay nasa 1st semester palang at nag aaral palang.

May locker ang mga house keeping department, kaniya-kaniyang locker at makakapunta lang sa hotel room number upang mag linis kapag naiutos na ng head department namin. Hindi kami gagawa ng action kapag walang utos.

Hindi ako mag lilinis sa labas ng hotel room maliban nalang sa room na paglilinisan ko, tanging mag liligpit lang at mag lilinis sa isang room hotel ang gagawin ko. Iba na ang gagawa sa pag lalaba ng mga nagamit ng guest.

Pumasok ako at ngumiti sa mga naroroon, kanina pa ako nakapag palit lumabas lang ako upang mag pahangin dahil sa dami ng tao sa labas, nasisilaw naman ako upang maligo. Hayts, hindi na iyon mauulit pa. Hanggat kaya ko hindi, malabo ang aking mata kaya may salamin ako. Hindi 'rin ako nag aayos pero hindi ko alam bakit nagugustuhan ako ng mga tao 'rito lalo na sa manila.

Malinis ako sa katawan at hindi balahura, marunong ako mag linis ng bahay at mga kalat. Makinis ang aking balat dahil inalagaan talaga ito ni mama simula noong bata ako. Noong naligo lang ako na walang salamin, dahil maliligo ako at gusto ko mag enjoy ng walang nakakasagabal.

Kahit may salamin ako, maganda pa rin ako. Mas bagay nga eh sabi ni Christian ang mayaman kong kaibigan sa manila.

Call time na namin at kahit unang araw ko alam ko ang gagawin. Ngumiti sakin si mama ng magkasalubong kami. Gumagalaw na 'rin pala sila. Unang room ang nilinisan ko maraming kalat at nong una nagulat ako dahil may condom, hindi na iyon bago sa manila pero nagugulat pa rin ako.

Second room naman ay malinis, pero kailangan parin linisin ang window, sahig, palitan ang sheet at mga kagamitan sa loob ng banyo para fresh ang room.

Limang room ang natapos ko sa loob ng 5 hours, nag pahinga ako at may pumalit. Masamang makatingin sakin ang ka workmate kong si Karen, hindi manlang ngumiti ng umalis.

"Inirapan ka rin?" Tanong ng aking katabi. Maganda siya at morena. Tumango ako at nahihiyang kumain na ulit.

"Ako 'rin at akala mo sa kaniya 'no, hindi naman maganda."

"Maganda naman siya," iyon ang totoo, maganda iyong Karen ang name, walang halong biro para nga siyang anak mayaman.

"Anak 'yan ng punong bayan satin, kaya parang mataray talaga."

"Ah," tumango tango ako. Natapos kaming kumain ng maaga at nag pahinga lang. Sa kwarto ng mga house keeper nag punta si mama upang mag marites.

"Nandito ang anak ng may ari ng hotel, mag bigay galang kayo at mag silinya mamaya."

"Ay, kailangan 'yon?" Binatukan ako ni mama.

"Aray naman ma, ang sakit ha!" Nguso ko.

"Masyado ka dyan madaldal pag may makarinig sayo baka isumbong ka hindi lang ako ang mawawalan ng hanap buhay pati 'yang pag aaral mo."

"Nag rarap ka ba ma? Ang bilis mo mag salita nakaka hilo. Chill hindi mo kalaban si Abra."

"Batang 'to-" babatukan na sana niya ako kaso pumasok ang head department namin na si Madam Kilay, dahil kasi sa kilay nitong pak na pak.

"Nandyan na si Senyorito E. Mag silinya na kayo."

"Okie," bulong ko. Nagsilabasan ang ibang workmates ko, hindi pa ako lumabas pero nakita ko sa bintana mula rito si E, may kabayong dala.

Alligators 5: Pleasure Of Lies ( COMPLETED IN VIP GROUP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon