Chapter 8

19 0 0
                                        

Argument

"Kung hindi mo mamasamain, Ma'am. Ano mo ang anak ko?"

I wasn't able to answer his question because I didn't expect that, hindi ko naman kasi alam na may pagkachismoso rin pala si Manong Gabo, I've known him for long time at hindi naman siya gaanong madaldal. Now I know kung kanino nagmana si Finn.

"H-he's..." I paused for a moment. "I just know him since he's your son, Manong." Pilit akong ngumiti sakanya at tumingin nalang sa labas.

Nahalata niya siguro na ayoko ng pag-usapan si Finn kaya hindi na siya nagtanong pa at nagfocus nalang sa pagdadrive.

"Where's Kuya Owen, Manong?" tanong ko habang nakatingin parin sa labas ng bintana.

"Nagkaemergency, Ma'am. Nanganak na 'yung misis niya kaya ako muna ang driver ninyong magkakapatid pansamantala, bilin sa'kin ni Sir Yutaka."

I nodded. "So, who's gonna drive for dad?"

"Siya muna siguro, Ma'am. Kapag bumalik din kaagad si Owen, ako na ulit ang magdadrive kay Sir Yutaka," sagot niya na ikinatango ko lang.

Tahimik lang kami pagkatapos noon nang bigla kong maisip si Finn. He told me that he's on his way to his workplace. Doon ba siya sa café or sa gasoline station magwowork? Pero nagsasara ang mga 'yon kapag eight pm na. So, baka iba naman? Hindi ba siya napapagod pagsabay-sabayin ang school at trabaho niya?

Not to mention that he's taking pre-law which is sobrang hirap na course. Tapos apat pa na part time job? Grabe, pinapatay niya na ang sarili niya.

"Is it okay if I ask about personal questions, Manong Gabo?" I asked, cautiously.

"Ay oo naman, Ma'am," sabi niya habang nakangiti.

Napalunok naman ako dahil tila may bumabara sa lalamunan ko. Alam ko naman na dapat ay hindi ako nanghihimasok sa pamilya nila, but I can't help it. Masyado talaga akong curious sa mga bagay-bagay to the point na hindi ako makakatulog sa gabi kapag hindi nasagot ang mga questions ko.

"Si Finn ba ang panganay ninyong anak? Is he the breadwinner in your family?" nag-aalangan kong tanong.

Ilang segundo bago siya nakasagot. "Pang-apat siya sa magkakapatid, Ma'am. Lahat silang magkakapatid ay nasa bahay, 'yung iba ay may pamilya na at may mga anak na. Ayoko mang aminin, pero sinasalo ng anak ko ang lahat ng responsibilidad sa bahay. Ultimo gastusin ng iba kong anak ay sinasalo niya na," malungkot na sabi niya.

"Pinagsabihan na namin ng asawa ko si Finn na tutukan niya nalang ang pag-aaral niya at kami na ang bahala sa lahat, pero likas talagang matigas ang ulo ng anak kong 'yan kaya hindi kami pinakinggan at pinagsabay na ang pag-aaral at pagtatrabaho. Wala na kaming nagawa ng asawa ko kaya sinuportahan nalang namin siya," nakangiting sabi nito pero nahalata ko sa mata niya na malungkot parin siya.

"Masipag 'yang anak kong 'yan. Sa lahat ng anak ko, siya talaga ang makikita mong nagsusumikap para makapagtapos at makatulong sa pamilya, kahit na nakakatulong narin siya sa bahay sa edad niyang 'yan. Noong bata pa siya, tumutulong na talaga 'yan sa pamilya"

Tila sumikip ang dibdib ko sa mga narinig ko tungkol sakanya. Now I can't blame him why he always acts like that. Kung bakit lagi niyang tinatama ang pagkakamali ko. He was exposed in this world at the very young age. Maaga siyang nagmature dahil narin sa estado ng kanilang pamilya.

I can't imagine how hard is it for him.

"I'll talk to my dad to raise your salary, Manong. Papayag naman 'yon dahil isa ka sa mga matagal na naming tauhan," sabi ko.

Umiling naman ito. "Wag na, Ma'am. Malaki na ang sweldo ko kumpara sa ibang family driver. Malaki na rin ang naitulong ng magulang mo sa amin. Tsaka binigyan nila ng scholarship ang anak ko kaya nakakapag-aral na iyon sa maganda at prestihiyosong paaralan. Malaki talaga ag utang na loob namin sa pamilya mo, kaya wag ka ng magabala pa, Ma'am."

Warmth of Summer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon