Chapter 13

46 4 1
                                        

Exception

"Hey..." He chuckled annoyingly. "I'm sorry, okay? Can we talk now?" His voice lowered while his right hand was at the back of me.

Pagalit kong inalis ang kamay niya sa likod ko at masama siyang tiningnan. "We're done months ago, Draco. After you cheated on me with my friend, you still have the audacity to show yourself in front of me? You thick-faced bastard," I gritted my teeth as I said that.

"I already said sorry, Summer. I told you I was drunk—"

"Letche ka, I don't need your bullshit excuses. You know what, it's actually a blessing in disguise. It's a blessing to cut off my relationship with a bastard like you. Pinatulan lang naman kita because of your wealth and reputation. Aside from your average looking face, wala ka naman ng ipagmamalaki. With your arrogance walang magkakagusto sa'yo. You ugly bastard. Hindi ka naman kagwapohan pero ang lakas mong mangbabae. Just go back to your mom's womb, you don't have ambag naman sa lipunan kundi kayabangan," mahaba kong sabi at parang hiningal pa ako kaya napainom ako ng tubig.

Pagkatapos kong ilapag ang baso ay masama ko ulit siyang tiningnan. Nakita ko itong natameme lang kaya napangisi ako.

I'm pretty sure I hit his fucking ego. Well, he should be. Lahat naman ng sinabi ko ay totoo. I only dated him for two weeks. Sinagot ko lang naman siya kasi noong una ang gwapo pa niya, pero noong tumagal. Ang pangit niya na sa paningin ko. I can't believe na pinatulan ko ang siya eh ang pangit-pangit pala niya.

"Summer—"

Hindi niya na natapos ang sinasabi niya nang bigla nalang tumayo si Favian kaya nausog nang malakas ang upuan nito na nakaagaw ng atensyon namin. His eyes doesn't have any emotion while staring at Draco. He started to walk towards him until he's already in front of Draco.

Tumingkayad naman si Draco because Favian is taller than him. See, in every aspect, Favian can overshadow him. In fact, Favian shouldn't be compared to him because it's disrespectful to compare a king to a trash like him.

"And who are you? Can't you see that we're talking here? Umalis ka muna nga, you're disturbing us, pare," mayabang na sabi nito kahit na ang liit-liit niya sa paningin ko kasi nasa harap niya ang kapre.

"You're the one who's disturbing us. Ako ang kakausap sa'yo, tara sa labas," malamig pa sa yelong sabi ni Favian at mariing hinawakan ang balikat ni Draco.

Pati ako ay napangiwi dahil alam kong masakit na ang balikat ni Draco dahil nakita kong tumagos ang kuko ni Favian sa balikat nito. Ngiwing inalis ni Draco ang kamay ni Favian at bahagyang lumayo dito.

"What's your problem, pare? Sino ka ba ha?" Tumingin siya sa'kin. "Babe, you know this guy?"

Tumayo na ako at akmang magsasalita na nang naunahan ako ni Favian.

"Tara na sabi sa labas." Ramdam ko ang gigil sa boses ni Favian kaya agad na akong kinabahan.

I roamed my eyes around and I let out a relief sigh when I saw that no one's looking at us dahil nasa malayo kami o dahil kakaunti lang ang tao ngayon sa café.

"Bakit mo ba ako gustong ilabas ha? Bakla ka ba?" singhal nito.

I gasped exaggeratedly. How can he say that eh mas mukhang gay pa siya kaysa kay Favian, eh ang laki-laking tao ng nasa harap niya? And Favian can't be gay, mas mawawalan ako ng pag-asa sakanya. Hindi pa nga ako pinagpapawisan sa pangungulit kay Favian.

Favian sarcastically laugh but he looked hot when he did that. "Iseseminar lang kita kung paano maging lalaki. Mukhang kailangan mo kasi ng training, isang daan lang naman ang singil ko sa'yo, mayaman ka diba?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Warmth of Summer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon