XXX: Answer

2.1K 108 11
                                    

Peia's POV:

Napuno ng katahimikan ang buong bilyaran sa nangyari.

Tahimik na binalik ko ang cue stick at sinalubong si Kenji na puntahan si Tadashi na di makapaniwala sa nangyari.

"Good job" sabi ni Kenji at tinapik tapik ako sa likod bago mayabang na tumingin kay Tadashi.

"Now, give me Jessie"

"Ha" tumingin samin si Tadashi bago natawa.

"HAHAHAHAH!"

Tinignan ko siya na parang nasiraan na ng bait.

Okay pa ba to?

Nang mahimasmasan ay kumalma siya.

"She won because I let her won, sinuwerte lang siya" aroganteng sabi niya na nagpaingay sa paligid.

"Oo nga, pinagbigyan lang naman talaga siya ni boss"

"Sinuwerte lang naman talaga siya kanina"

"Napakagentleman kasi ni boss eh! Kung di lang siya babae, pinulbos na siya kanina"

Ngumisi si Tadashi.

"It's an unfair fight. Therefore, she didn't w-"

Sasagot na sana ako nang pinutol ni Kenji ang sinasabi ni Tadashi.

"But she won, right?" Tinignan niya sa mata si Tadashi para iparating na seryoso siya kaya naman, naging seryoso rin si Tadashi.

"It doesn't matter if she won by luck or not, SHE won" pag-eemphasize niya.

Natahimik ang lahat kasama na ako sa sinabi ni Kenji. Natahimik sila dahil may narealize nila na tama si Kenji pero natahimik naman ako kasi di ko ine-expect na ipagtatanggol niya ko. Di siya yung tipo ng tao na makikipagsagutan sa argumento. Kadalasan pag makikipag-away siya, nauuwi sa suntukan ang lahat eh. Pero ngayon? Di ko alam kung san siya natuto ng away na puro bars.

Character development na ba this?

Wala namang nagawa si Tadashi kundi tanggapin ang katotohanan. Kung hindi niya tatanggapin, edi mawawalan ng respeto sa kanya ang mga alagad niya.

Ang tunay na leader, may isang salita!

"Alright. My bad. You can get your motorcycle now"

Pinakuha niya sa mga alagad niya ang motor ni Kenji. Pagkakuha ni Kenji ng motor, chineck niya agad kung nagasgasan ba o hindi. Nang masiguradong walang gasgas naghintay na ko ng susunod na ibibigay ni Tadashi.

Tumingin naman siya sakin at tinaasan ako ng kilay.

"Yung M29B?" Tanong ko at nilahad ko ang kamay ko para tanggapin ang napag-usapang cue stick.

Ngumiti siya kaya napangiti rin ako. Inintay kong iabot sakin ang mamahaling cue stick.

"Ibibigay ko sayo ang cue stick pag nanalo ka diba?"

Tumango ako.

"Tama"

"And that's our deal, right?"

"Tama ka ulit"

The Extra Protagonist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon