XXVI: Never Let You Go

2.3K 116 34
                                    

Peia's POV:

"Anyare?" Tanong ko kay Akihiro.

Andito parin kami, nakatambay sa Karinderya ni Aling Bebay kasi kakatapos lang namin kumain.

"I feel so full" sagot niya at mukhang di maganda ang hilatsa ng mukha niya.

Napakunot ang noo ko. Siguro di siya natunawan kasi naman anak mayaman eh! Mga mayayaman kasi maselan ang tiyan lalo na sa mga masasarap pero abot kayang pagkain. Pero nung narinig ko yung sagot niyang 'feel so full' nasobrahan ata to. Siguro, di makadighay.

"Aling Bebang! Pabilan nga po ng isang sprayt na mismo" tawag ko kay Aling Bebang kaya kumuha siya ng sprite na mismo at binigay sa table namin.

Inabot ko yung sprayt kay Akihiro para inumin niya.

"Oh, inumin mo yan. Para makadighay ka" sabi ko sa kanya. Akala ko nga aapela pa eh, pero binuksan niya yun at kinalahati ng inom.

"Mararamdaman mo maya-maya, makakadighay ka na" sabi ko sa kanya.

Maya-maya pa nga, nakadighay na siya. Namula pa nga ang tenga kasi sabagay, ang turo eh bawal dumighay sa harap ng mga tao.

"Excuse me-"

*BURPPP!!!*

Napatigil siya sa page-excuse me ng dumighay ako ng malakas. Medyo lumaki rin ang mata niya sa katapangan ko.

Patay malisya akong nagtanong.

"Bakit? Ikaw ba di dumidighay?" Tanong ko at inabot ang nakabukas na kamay ko sa harap niya.

Tumaas ng bahagya ang mga kilay niya at tinignan ang kamay ko sa harap niya.

"What are you doing?"

Tinaas-baba ko pa ang kamay ko.

"Bayad sa kinain natin? 130 pesos na kasi pati pa yung sa sprayt" sabi ko kaya kinuha niya ang wallet sa may bulsa niya. Nakita ko ang mga libo-libong laman at mga credit card doon. Dumukot siya ng limang libo at inabot sakin.

Lumaki ang mata ko at binalik ang pera sa kanya. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at tumingin tingin sa paligid.

"Baliw ka ba?! Itago mo nga yan, baka manakawan ka dito! Tsaka 130 lang ang hinihingi ko? Bakit mo ko bibigyan ng limang libo?"

Ang order ko ay bulalo,bakit ako bibigyan ng cup noodles?!

"Oh. That delicious foods really cost that low? I thought you're joking" sabi niya at binalik ang apat na libo sa wallet niya.

Tumayo siya at nakita kong binayad yung isang libo kay Aling Bebang.

"Naku iho! Wala kaming barya"

"No. Keep the change" sabi niya kaya napatayo ako at pinuntahan siya sa counter.

"Ay iho di ko matatanggap yan" tanggi parin ni Aling Bebang.

Tumabi ako kay Akihiro.

"Di niya yan tatangga-"

"I insist" putol niya sa sasabihin ko.

"Pero-"

"I got it, okay?" Pinutol na naman niya ang sinasabi ko at inabot kay Aling Bebang yung isang libo kaya napabuntong-hininga ako at humarap kay Aling Bebang.

"Sige na po, tanggapin niyo na. Nasarapan kasi tsaka first time niyang kumain dito kaya ganyan. Sa susunod po, di na mauulit" sabi ko kaya walang nagawa si Aling Bebang kundi tanggapin ang pera.

The Extra Protagonist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon