XLII: Be As One

1.9K 111 23
                                    

Peia's POV:

Nagugutom ako.

Hinimas ko ang nagugutom kong tiyan at naghanap ng pagkain.

Di kasi ako pinayagan ng mga teachers na magkaroon ng dagdag na kanin kasi magkukulang daw sa lahat.

Ayun no choice! Pinag-diet ako sa bundok.

Masama ang loob at gutom akong naghanap ng pagkain hanggang sa may nakita akong puno ng bayabas.

Medyo may kataasan ang puno pero hinog na ang mga bayabas kaya ano pa nga ba gagawin ko? Edi aakyatin.

Tinupi ko ang pantalon ko sa binti at hinubad ang tsinelas. Pagkatapos ang ilang try, naakyat ko rin ang taas ng puno at naupo sa may sanga. Sakto rin na madami-daming bayabas na malapit sakin.

Pumitas ako ng isa at sumandal sa puno. Dinutdot ko ang bayabas kung may uod pero pagkakagat ko naman wala, kaya kinain ko ng kinain.

Mga ilang minuto rin akong na nananahimik dito habang tinitignan ang magandang tanawin at pakain-kain nalang ng bayabas.

"Peia!" Tumingin ako sa tumawag ng pangalan ko. At pagtingin ko sa baba, andun si Kenji.

"Baba!" Utos niya pero di ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain ng bayabas.

Maka-baba naman akala mo pusa ako na di makababa.

"Gusto mo?!" Pasigaw na tanong ko at binato ko pababa ang isang bayabas na bagong pitas.

Nagulat siya sa ginawa ko pero nasalo naman niya yung bayabas. Tumingin ulit siya sakin ng masama.

"Get down!" Inirapan ko siya at kumain ng bayabas.

"Ate Peia! Laro tayo!" Aya sakin ni Bujing na kasama si Kaji.

"Tayo lang?!"

"Di po! Kasama yung mga kalaro namin!"

"Sige!" Sagot ko. Mabilisan kong inubos ang bayabas at nagpagpag ng kamay.

Niready ko na ang pagbaba ko ng puno.

"Don't worry Peia! I'm here, I'll catch you!" Sigaw ni Daiki na kahit di ko tignan, alam ko ang boses.

Dahil di ako damsel in distress, dahan-dahan akong bumaba sa puno na parang si spiderman at tumalon nung mababa nalang ang babagsakan.

Pagkatapos kong tumayo at magpagpag, tumingin ako sa mga bata.

"Tara!"




















Di ko alam paano ko napasali ang anim sa mga laro namin basta ang alam ko lang, mananalo kami.

"Tayain mo!" Hikayat ko sa batang kakampi namin na tayain si Daiki.

Nagpapatintero kami ngayon. Magkagrupo kami ni Mira, Sitty at ilang mga bata. Tas magkakagrupo silang apat, kakampi ang ibang mga bata.

"Taya!" Sabi ng batang kakampi ko pero nakalusot si Daiki kaya nagcheer ang mga kalaban namin sa pagkapanalo nila.

"Ice ice water change your foot, because your foot is dirrr...ty. Oh alis ka na" kaming dalawa nalang ni Kenji ang natitira.

"Ice ice water change your foot, because your foot is dirrr...ty. Oh, taya ka!" Sabi ko kay Kenji at nagsimula akong tumakbo palayo sa kanya habang ina-ice niya ang mga kagroup ko.

The Extra Protagonist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon