"Sen, pinapaabot po ng staff ni Atty. Leni."
Risa looked at her secretary whose hand was outstretched, handing her a pink envelope. At first, she didn't know how to act. A multitude of emotions washed over her as she thought of a million possibilities why she could be receiving this now.She ended her relationship with Leni exactly six months ago today. She has been avoiding the other woman for a month. Leaving her messages on read, and sometimes not even opening them. She told her staff not to bother her with anything related to Leni, but did not give them any explanation why. "Sige, thank you. Paki-lapag na lang sa table." She returned her attention back to the papers she was signing, refusing to acknowledge what seems to be a letter.
However, curiosity got the best of her when she saw Leni's familiar handwriting on the front, black ink a bit smudged. She put down her pen, contemplating whether or not to open the letter. Leni didn't give her any notice about this. In fact, Leni hasn't texted her at all today which was very unusual. She checked her phone again, maybe she had overlooked a message, but still, there was nothing.
With shaking hands, she reached for the envelope, heart pounding to no avail as her fingers grazed the paper. Of course, the envelope is pink. She smiled at the thought. Leni always has a way of making a statement. To make people remember her. Even in the smallest things. That's one of the things she loves about the lawyer.
Swallowing the lump in her throat, she flipped the flap over, slowly pulling out the paper. Contrary to what she originally thought, it only contained a piece of paper.
Risa,
Sinusulat ko itong liham na ito na may bigat at pait sa puso. Ayoko man gawin ito sa ganitong paraan, pero ito lang ang kaya ko. Masyadong magiging mahirap para sa'kin kung sasabihin ko ang lahat ng ito sa harap mo. Baka ang ending, hindi ko rin magawa. Alam mo naman na sa lahat ng bagay, ikaw lang ang kahinaan ko. Mapatawad mo sana ako kung pagiging duwag man ito.
Mahal na mahal kita, lagi mong tatandaan yan. Simula nung nawala si Jess, sigurado akong walang makakapantay sa pagmamahalan na pinagsaluhan naming dalawa, pero simula nung dumating ka sa buhay ko, lahat ng pananaw ko nagbago. At dahil doon, malaki ang dapat kong ipagpasalamat sa'yo. Dahil sa'yo, naranasan ko muli magmahal at mahalin ng lubos. Sumaya uli ako. Mas naging content sa buhay. Nagkaroon ng pag-asa na baka meron nga talagang 'forever' kasi ikaw na yung pinangrap kong makasama habang buhay. Sobrang cheesy ko na ba? Wala pa yan sa kalahati ng mga nararamdaman ko simula nung naging tayo. Sana 'di ka mapagod basahin 'to. 'Wag ka mag-alala, di naman 'to mala-SONA. These are just the things that I left unsaid but I think you deserve to know.
Mahal na mahal naman talaga kita. Seryoso din ako nung sinabi ko sa'yo na andito lang ako kung kelan mo gusto bumalik sa'kin. Wala naman nagbago sa pagtingin ko sa'yo. Ikaw pa rin yung babaeng muling nagpatibok ng puso ko simula pa lang nung una tayong magkakilala. Ikaw pa rin yung taong gusto kong makasama hanggang sa huling hininga ko.
Kaya lang, napapansin ko na simula nung naghiwalay tayo, maraming bagay na rin ang nagbago sa sarili ko. Doon ko napagtanto na siguro, masyado ako nagmahal, na wala nang natira para sa sarili ko. Kasi, Risa, handa akong gawin ang lahat para sa'yo. Hindi ko lang sigurado kung ganon ka rin para sa'kin. Alam ko naman na mahal mo ako, hindi nga lang siguro kapantay ng pagmamahal na nararamdaman ko para sa'yo.Wala namang mali do'n. Sadyang sa isang relasyon, meron talagang mas nagmamahal ng lubos at nagkataon na ako iyon. Hindi, ko minamaliit yung pagmamahal na binigay mo sa'kin. Nagpapasalamat nga ako, kasi natutunan ko na dapat ganyan din ako. Kasi, nasobrahan yung pagmamahal na binibigay ko, hindi ko napansin, wala na palang natira na para sa'kin naman. Ayon ang mali.
Sa ilang linggo na hindi ka nagpaparamdam sa'kin, marami akong narealize. Ngayon kasing wala na akong posisyon sa gobyerno, mas marami akong oras para sa sarili ko. Alam mo naman ano nangyayari pag ganon, isip lang ako ng isip. Kasabay non, napapabayaan ko na rin ang sarili ko. Dumating na sa point na kinailangan ako isugod sa ospital, katakot-takot na sermon ang natanggap ko mula sa mga anak ko. Pero okay naman na 'ko ngayon. Ito nga, nakakasulat na 'ko.
Para kong sinampal ng katotohanan dahil do'n. At sa pagkakasampal na yon, mas narealize ko kung ano dapat ang pinaprioritize ko ngayon. Hindi naman na tayo mga bata, lumalaki na rin mga anak natin. Kailangan ko alagaan ang sarili ko kung gusto ko pa makilala at makasama ng matagal ang lahat ng magiging apo ko. Alam mo naman, medyo mabagal kumilos ang mga anak ko. Parang sampung taon pa bago magpapakasal ang isa dito. Naiinip na nga ko eh.
Wag mo sana masamain itong sulat na 'to. Pasensya na rin, hindi ko naibigay ng personal sa'yo. Labag man sa kalooban ko, pero kailangan ko munang lumayo sa'yo. Kailangan ko munang putulin ang kahit anong contact ang meron sa'tin. Ayon din naman yung hiling mo sa'kin diba? Pero hindi ibig sabihin nito eh titigil na rin ako sa pagmamahal sa'yo. Hinding-hindi yon mawawala. Sa ngayon, kailangan ko lang muna unahin ang sarili ko kagaya ng mga sinabi mo sa'kin dati pa.
Tama ka nga. Siguro, tama na nga. Kailangan ko rin muna isipin ang sarili ko. Kailangan ko matutunan kung paano mahalin ang sarili ko ng tama, para hindi ako nauubos at napapagod ng lubos. Siguro, oras naman na ako yung magpapahinga.
Mahal na mahal kita, Risa. Lagi't-lagi.
Leni.