"Pwe-pwede kitang tawaging Ate?""Oo, at ituturing kitang nakababatang kapatid," nakangiting sabi ni Felicity at marahang hinaplos ang buhok ni Prisicilla.
Kaagad naman na nangilid ang luha niya at napatakip ng mukha gamit ang dalawa niyang kamay. Hindi niya rin kung bakit siya naiiyak kahit nakakaramdam naman siya ng saya.
"Oh, umiiyak ka na naman," natatawang sabi ni Felicity.
Suminghot siya at tinanggal ang kamay niya sa kaniyang mukha. Tiningnan niya si Felicity.
"Bakit ba ang bait mo sa 'kin?" nakanguso niyang tanong.
Mahina naman itong natawa.
"Bakit naman hindi ako magiging mabait sa 'yo? Mabait ka rin naman tapos masipag pa," sagot nito.
Tuluyan na siyang napaiyak dahil sa sinabi nito. Sa unang pagkakataon may isang tao na pumuri sa kaniya. Hinayaan lang siyang umiyak ni Felicity hanggang sa tumahan na siya. Ang gaan ng pakiramdam niya ngayon at para bang naging ilaw ang babae sa madilim niyang mundo.
"Hindi bagay sa 'yo ang umiyak," sabi nito sa kaniya.
Suminghot naman siya at tumango. Balak niya pa sana na makipag-usap sa kay Felicity pero napansin niya na madilim na ang kalangitan. Kinabahan siya at kaagad na kinuha ang basket na nasa lapag.
"Kailangan ko ng umuwi, Felicity. Baka pagalitan ako ni Mama," tarantang sabi niya kahit na alam niyang mapapagalitan talaga siya.
"Gano'n ba? Kung kukuha ka ulit ng halamang gamot, pumunta ka lang dito, ah? Baka nandito rin ako sa pagpunta mo," sabi nito at niyakap si Priscilla.
Nagulat siya sa pagyakap ni Felicity sa kaniya at kaagad din gumanti ng yakap. Gusto niya pa sanang magtagal sa bisig nito pero hindi pwede.
"Aalis na ako," sabi ni Priscilla at patakbong umalis.
"Mag-iingat ka, Priscilla!" sigaw ni Felicity.
Lumingon siya at kumaway. "Kayo rin po, Ate!" nakangiti niyang sigaw at nagpatuloy sa pagtakbo.
Pagdating sa tapat ng kanilang pinto ay naiyukom ni Priscilla ang kamay niya. Kinakabahan siya sa maaring gagawin ng magulang niya sa kaniya kaya naman huminga muna siya ng malalim bago binuksan ang pinto. Hindi pa siya nakakapasok, isang malakas na sampal na kaagad ang sumalubong sa kaniya.
Nabitawan niya ang basket kaya nagkalat ang ibang halaman at kabute sa lapag.
"Saan ka nagpunta‽" pasigaw na tanong ng kaniyang ama.
Pinigilan niyang hindi umiyak. "Ku-Kumuha po ako ng halamang gamot at kabute."
"Kumuha?! Tapos ginabi ka?! Ginagago mo ba ako?!"
Mariing napapikit si Prisicilla ng ambahan siya ng sampal ng kaniyang ama. Nagpapasalamat na lang siya dahil hindi iyon tinuloy.
"Lumandi ka siguro babae ka!" sigaw ng kaniyang ina na ngayon ay masama ang tingin sa kaniya.
Napayuko na lang siya at kaagad din napaangat ang tingin ng marahas siyang hatakin ng kaniyang ama papasok sa bahay. Nagsimula ng tumambol ang dibdib niya ng makitang tinatanggal nito sa sinturon sa kaniyang pantalon.
"Papa! Ayoko po, masakit," umiiyak na sabi niya kahit na hindi pa dumadampi ang sinturon sa kaniyang katawan.
"Masasaktan ka talaga dahil d'yan sa kalandian mo!" sigaw nito.
Napasigaw siya sa sakit ng ihambalos ng kaniyang ama sa kaniyang hita ang makapal na sinturon. Hindi alam ni Prisicilla kung ilang hataw pa ang tinanggap niya bago siya tigilan.
BINABASA MO ANG
Cold Blooded.
WerewolfKilala bilang isang taong lobo na may dugong Alpha, ang katotohanan sa likod ng katauhan ni Priscilla ay isa siyang dakip mula sa kalabang pack. Sa kamay ng mga ito ay walang katapusang hirap ang dadanasin niya at ang taong lubos akala niya'y mamaha...