Prologue

6.6K 137 0
                                    

Priscilla

'Bakit parang may galit saakin ang mundo?'

"Priscilla! Ano bang ginagawa mo?!"

"Ah!" daing ni Priscilla ng bigla ng matapunan siya ng kape galing sa dala niya tasa.

Tiniis niya ang hapdi na naramdaman at mabilis na tumabi para makadaan ang kanyang ina na tumabig sa kanya kanina.

"Ang bagal mo kumilos ano ba 'yan! Humaharang ka na sa daan!" sigaw nito sa kanya.

Sumasakit ang tainga ni Priscilla sa kasisigaw ng kanyang ina kaya naman ay binilisan na niya na lang ang pagkilos bago pa siya mabingi. Hindi na siya magtataka kung bigla-bigla na lang magbubunganga ang kanyang Ina kahit wala naman siyang ginagawang mali. Parang may galit ito sa mundo at sa kanya niya ibinubunton.

Pagkatapos maghanda ni Priscilla ng pagkain para sa kanila at dumiretso siya sa kwarto ng mga ito para maglinis. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi nila magawang maayos ang sarili nilang pinaghigaan gayong sobrang ayos naman palagi ng kanilang kwarto, hindi katulad niya na sa bodega natutulog.

Hindi niya pa rin alam kung bakit iba ang trato sa kaniya ng sarili niyang pamilya. Kahit na sinubukan niyang magtanong ay isinasagot lang nito ay pananakit.

Simula pagkabata ay iba na talaga ang trato sa kaniya kaya sa pagdaan ng araw ay nasasanay na lang siya. Hinihintay niya na lang na sumapit ang kaniyang ika-labing walong kaarawan para makita ang kanyang mate at wolf. Aalis siya sa pack na ito at mamumuhay sa ibang lugar kung saan makakaramdam siya ng kaligayahan. Hindi niya tuloy maiwasan ang makaramdam ng pagkasabik dahil ilang buwan na rin lang naman ang bibilangin.

Tinapos na ni Priscilla ang paglilinis sa kwarto at bumalik sa sala dahil alam niyang may ipag-uutos na naman ang kanyang ina.

"Pumitas ka ng halamang gamot, panigurado na may mga sugat ang mga 'yon pagdating," sabi nito sa kanya.

Tinutukoy ng kanyang ina ang niya papa at kuya na araw-araw na lumalabas para manghuli ng mga hayop na makakain nila. Hindi kasi nila kaya ang bumili ng karne sa pamilihan kaya sila na mismo ang humuhuli

"Opo, Ma," magalang na sagot niya at kinuha ang basket na nakalagay sa lamesa.

Ng makalabas siya ng bahay ay narinig niya ang pagsinghal ng kanyang ina at pagbulong nito ng kung ano-anong masasakit na salita tungkol sa kanya. Hindi niya na lang ito pinansin kahit na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa sinasabi nito.

'Dapat masanay na ako,' wika niya sa sarili.

Ilang minuto rin ang nilakad niya para makapunta sa border ng pack May mga nagbabantay na Delta doon ay nag-paalam muna siya bago malabas ng border. Hindi maiwasan ang kabahan ni Priscilla kasi madalas ay may mga mababangis na hayop na gumagala o maging Rouge na basta-basta ka na lang aatakihin.

Binilisan niya ang pagbunot ng mga halamang gamot ngunit natigil iyon ng makita ang isang baboy ramo na nakatingin sa kanya. Malaki ito at sigurado siya na hindi niya 'yon kayang labanan.

'Heto na nga ba ang sinasabi ko.'

Sa takot na sunggaban ng hayop, mabilis siyang tumalikod at tumakbo pabalik sa border ng pack. May kalayuan ang pinagkuhaan niya ng mga halaman kaya naman mas binilisan niya pa ang pagtakbo bago pa siya masakmal ng hayop na ngayon ay sumusunod sa kanya.

"Tulong!" sigaw niya ng makita ang isang Delta na diretsong nakatayo.

Imbis na tulungan siya nito at tumingin lang ito sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang makapasok sa border. Nadapa pa siya at nasugatan ang pisngi at binti niya sa pagdaplis ng bob wire sa katawan niya.

Napatay naman ng Delta ang baboy ramo bago suminghal. Hindi niya alam kung bakit hindi siya tinulungan nito kahit na isa siya sa mga pack warriors. Pinagsawalang bahala na lamang iyon ni Priscilla at tumingin sa basket niya.

Agad siyang nakaramdam ng pagkadismaya ng natapon ang ibang halamang gamot ng hindi niya napapansin. Kaunti na lang ang natira at panigurado siyang mayayari siya sa kaniyang ina pag-uwi niya. Pero kung babalik pansiya ro'n, baka mamatay siya ng maaga.

"Mama, nandito na po ako," sabi niya ng makauwi sa kanilang bahay.

Agad na tumingin sa basket ang kaniyang ina at mabilis na nangunot ang noo nito.

"Ano 'yan, Priscilla?!" pasigaw na tanong nito at ibinato sa lapag ang mga halamang gamot.

Agad naman siyang nakaramdam ng kaba at pinaglaruan ang mga daliri niya.

"Ang kaunti niyan! Tingin mo magkakasya 'yan sa Papa at Kuya mo?!"

Napaiwas siya ng ambahan siya ng sampal ng ina niya.

"Wala na p-po kasi akong mahanap. Ts-tsaka may baboy ramo pa ro'n," mahinang sabi niya at yumuko.

Alam ni Priscilla na masasaktan na naman siya kaya hinanda na niya ang kaniyang sarili. Kasalanan niya rin naman na hindi niya iningatan ang mga halamang gamot habang tumatakbo siya.

"Ha."

Napapikit na lang si Priscilla ng hawakan ng kanyang ina ang kaniyang kwelyo at ibinato siya sa ding-ding. Tahimik siyang dumaing dahil may kalakasan ang pagkakahagis sa kaniya ng kaniyang ina.

"Hindi ka talaga maasahan babae ka!" sigaw nito at mabilis na lumapit sa kaniya.

Kaagad niyang binaluktot ang kaniyang binti ang inilagay ang kamay sa kaniyang ulo pero hindi naging hadlang 'yon para hindi siya masabunutan ng kaniyang ina bago ilang beses na iuntog sa pader. Hindi niya mapigilan ang tahimik na umiyak.

"Mag-isip ka nga! Parang wala kang utak, ah! Baboy ramo lang 'yon!" Napangiwi pa si Prisicilla ng tadyakan pa siya nito bago iwan na namimilipit sa sakit.

Gusto man na bumoses ni Priscilla ay hindi niya magawa dahil sigurado siya na mas lalo lang siyang sasaktan ng kaniyang ina. Iisipin nito na nagdadahilan lang siya dahil hindi naman ito marunong makinig sa kaniya. Pero kapag ang kuya niya ang nagdadahilan ay paniwalang paniwalanang naman ito.

Tanggap na niya, ang kuya niya ang paborito ng kanyang ina.

Nahihilong tumayo si Priscilla at pumunta sa bodega na kwarto niya. Wala siyang magawa para ipagtanggol ang kanyang sarili kaya naman ay itutulog na lang niya ang sakit na nararamdaman niya.

'Pamilya ko ba talaga sila?' Isang tanong sa isip ni Priscilla bago siya makatulog.

Cold Blooded.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon