Chapter 10

2.2K 97 7
                                    


Malalim at tahimik na ang gabi. Halos tulog na ang lahat ng tao ngunit si Priscilla ay hindi pa rin mapakali. Hindi niya na mapigilan ang tumayo at pasikretong lumabas ng kaniyang kwarto para pumunta sa lugar kung saan kinukulong ang mga pinaparusahang taong lobo.

Maingat ang kaniyang pagkilos at natagpuan niya ang dalawang tulog na kawal. Ginaanan niya ang kaniyang paghakbang at pumasok sa loob.

Pagbaba niya ay bumungad sa kaniya ang mga nakahilerang kulungan. Tiningnan niya ang mga taong lobo, karamihan sa mga bihag ay mga rouge pero hindi iyon ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin.

'Baka nagkakamali lang ako,' usal ni Priscilla sa sarili. 'Imposibleng si Ate Felicity iyon.'

"K-Kah!"

Mabilis na napatakip ng bibig si Priscilla dahil sa gulat. Muntik na siyang mapasigaw. Sinilip niya ay pinakadulong kulungan at kaagad na nanlaki ang mata niya sa nakita.

"A-Ate?"

Nakita niya ang babaeng nakahiga sa lapag habang umuubo ng dugo. Halatang nanghihina na ito at natatabunan ang kaniyang mukha ng kaniyang pulang buhok.

"Ate!" Hinawakan niya ang rehas ngunit kaagad siyang napaso.

"Huwag," mahinang sabi ni Felicity ng makita si Priscilla. "B-Bakit ka nandito? Umalis ka na."

"Anong nangyari? B-Bakit ka kinulong?" naiiyak na tanong ni Priscilla.

Malungkot na ngumiti si Felicity at inilusot ang kamay sa pagitan ng rehas. Inabot niya ang pisngi ni Priscilla at marahan itong hinimas.

"Tumakas ka na."

"A-Ano bang sinasabi mo? Kakausapin ko ang mate ko, s-siya ang susunod na magiging Alpha." Hinawakan ni Priscilla ang kamay niya.

"Hindi mo naiintindihan, hindi mo rin siya kakampi."

Natigilan si Priscilla sa narinig.

"Umalis ka na, pakiusap. Iligtas mo nag sarili mo."

Napakagat ng ibabang labi si Priscilla at mariing hinawakan ang rehas na gawa sa pilak na ikinagulat ni Felicity.

"Anong ginagawa mo?!"

Pilit niyang binabaliko ang rehas. Pinipilit niyang hindi sumigaw sa sakit dahil baka may makarinig sa kanila sa labas. Ilang minuto pa ay matanggumpay niyang nabali iyon. Hinihingal niyang ibinaba ang kamay na nadurugo.

"Sa-Sabay tayong aalis dito, Ate," nakangiting sabi ni Priscilla kay Felicity.

Nangilid naman ang luha ni Felicity at umiiyak na tumango. Lumusot siya sa butas na ginawa ni Priscilla. Hindi siya masyadong makagalaw dahil sa panghihina pero binibigyan siya ng lakas ni batang nasa harap niya.

"Kaya mo po bang tumayo?"

"Kaya ko."

Iniligay ni Priscilla ang braso ni Felicity sa kaniyang batok at inalalayan itong maglakad. Mataggumpay rin nilang nalagpasan ang natutulog na kawal at para mapadali ang kanilang pagtakas ay naisip ni Priscilla na mag-anyong lobo at buhatin si Felicity.

Pero bago niya pa iyon nagawa ay naramdaman niya ang paghampas ng kung ano sa kaniyang batok.

"Priscilla!" rinig niyang sigaw ni Felicity bago siya mawalan ng malay.

NAGISING si Priscilla ng may bumuhos sa kaniya ng tubig. Nakita niya sa harap niya si Felicity kaya kaagad na nagising ang buong diwa niya.

"A-Ate!"

"I didn't know that you're brave enough to let a prisoner to escape."

Kaagad na nakaramdam ng takot si Priscilla ng makita sa kaniyang harapan ang Alpha. Nasa likod nito ang mga delta pati na rin si Calen at Stacy. Nagmamakaawang tiningnan niya ang kaniyang mate pero nananatiling blanko ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya.

Cold Blooded.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon