Chapter 3

25 5 0
                                    

The world is a cruel place to live. It gives you nothing but mere pain and suffering. On repeat. Just like listening to your favorite song over and over again. It’s a never-ending cycle. It's clichè to admit but it's true. Sometimes, all we need is to acknowledge that the world will never be in our favor. 

That’s why I always choose to run away. From them. From the world. From everything. I knew from the very start that I’m weak. A coward. I knew I can’t fight it alone. The voices are too strong. Too cruel. And every time the voices talked, they knew how to make me feel shit, how to make me feel unworthy, and sometimes, it always makes me want to kill myself. 

I'm tired of it. I'm tired of working to support myself. I'm tired of thinking about things that are way beyond my control. I'm tired of putting other people first. I'm tired of proving myself to deserve that scholarship. I'm tired of blaming myself. I'm tired of faking everything just to be accepted. 

I'm really, really, really tired. And it makes me think that suicide is always the correct choice— the precise solution to leave everything. The easiest way to escape, especially if you have nothing to lose and you realize that no one will save you. 

So, I search for different ways how to die. The easiest way possible. I told you I'm a coward. I don't have the courage to live but I am not brave enough to kill myself either.

And I'm fucking exhausted because of it. 

Napatigil ako sa pagsusulat sa itim na journal ko nang may biglang bumukas ng pinto sa kwarto ko. "Kanina pa kita tinatawag," naiinis na sabi ni Papa.

"Bakit po?" takang tanong ko at tinanggal ang nakakabit na earphones. Lalong kumunot ang kilay ni Papa sa narinig. 

"May bisita ka, si Mikey kanina pa naghihintay," mababakas mo talaga ang inis sa tono nito kaya tumayo na ako sa pagkakaupo. Ipinatong ko rin ang kamay ko sa kanyang balikat at umaktong pinakakalma siya. 

"Easy ka lang, Pa. Mababawasan ang pogi points mo niyan, bahala ka," mahinahon ngunit may halong pang-aasar na sambit ko sa kanya at hinawakan ang kalbong ulo niya. 

"Ikaw talagang bata ka, oo," natatawang sabi nito at binatukan ako bago tuluyang umalis. Tumawa naman ako at lumabas upang salubungin si Mikey, ang best friend ko. 

"Hellooo!" masigla ngunit mahinhing sabi nito nang makita ako.

"Oh, bakit nandito ka?" pagsusungit ko. Bigla namang kumunot ang kanyang kilay at ngumuso. 

"Sabi ko na hindi ka talaga nakikinig sa mga sinasabi ko eh," kunwaring pagtatampo nito. Tumawa lamang ako at sinapok siya sa ulo. "Bakit nga, tangi?"

"Aalis tayo ngayon, gaga ka, nakalimutan mo ba?" asik nito at umupo nang padabog sa maliit na sofa namin na gawa sa kahoy. Ako naman ngayon ang kumunot ang kilay.

"Saan naman tayo pupunta?" lalong lumukot ang mukha nito at halatang magtatampo na talaga. 

Ngayon ko lang din napansin na nakasuot siya ng itim na round-neck bodycon short sleeves dress na hindi aabot sa kanyang tuhod. Naka-light makeup din ito at nakakulot ang buhok. Mukha ngang may pupuntahan ito. 

"Halley naman eh, kinalimutan nga ampota. Diba ngayon yung announcement nung kasal nina Tito Kevin at Mama? Yung party na sinasabi ko sayo noong nakaraan. Sabi mo sasamahan mo ako!" nakabusangot na sabi nito.

Tinawanan ko lamang siya. "Eto naman hindi mabiro. Eto na nga at magbibihis na ako," sabi ko at pumasok muli sa kwarto ko. 

Sumunod naman siya sa'kin at doon kami namili sa kakaunting mga dress na mayroon ako. Buti nalang talaga at nakaligo na ako kanina pa dahil kung 'di, baka mas lalong nainis sa'kin itong babaeng ito. 

Look How The Stars ShineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon