Nothing.
That's the first word that came to my mind when I knocked at our front door, at 5 o'clock in the morning after they had brought me home and everyone in this fucking neighborhood is starting to live their fucking lives for the day.
I breathe heavily.
That party didn't change anything. I thought to myself as I lay down on my bed. I still want to die, really. Nothing has changed my mind.
This emptiness that I feel inside me makes me want to puke. I'm faking it all again. I'm a fucking fake — a fucking impostor. I know I'm faking all of it.
You don't deserve to be here, Halley.
Isinarado ko ang itim na journal ko at tinitigan ang sarili sa salamin. Ngumiti ako nang mapait.
Bakit ba hindi nalang ako mamatay? Ilang beses ko nang sinusubukan magpasagasa pero wala namang nangyayari. Para lang akong tanga.
Hindi ko naman magawang maglaslas muli sa palapulsuhan ko dahil ayokong mapansin ito nila Papa at Mikey. Ang alam nila ay tumigil na ako sa ganoon.
Habang nag-iisip kung paano ko papatayin ang sarili ay biglang umilaw ang aking selpon. May nagmessage sa'kin.
Sinilip ko ito at nakitang sinend lang ni Mikey ang mga litrato namin kagabi doon sa party. Nagreact lamang ako dito at saka tiningnan ang mga litratong sinend niya.
Kaming pito iyon, nagtatawanan. Ito yung oras na inilabas ni Vincent yung Pink Gin na dala niya. Napangiti ako nang maalala ang pangyayaring iyon.
Nang ilipat-lipat ko pa ay nakita ko ang litrato na kumpleto kaming pito na may malalaking ngiti habang mga komportableng nakaupo. Ang gaganda ng ngiti naming lahat dito. Pero alam ko sa sarili kong peke lamang yung akin kaya inilipat ko rin agad.
Nagtingin-tingin pa ako ng mga larawan kahit karaniwan lamang doon ay mga nakaupo at puro pagtatawanan ang mga ginagawa namin.
May isang litrato rin ang biglang pumukaw ng atensyon ko. Ito yung litrato namin kasama sila Tita at Tito sa may mini stage. Katabi ni Tito sa litrato si Phoenix kaya kitang-kita ko ang maganda niyang ngiti. Katabi naman ni Tita si Mikey na malawak din ang ngiti sa labi.
May kakaibang pakiramdam ang biglang pumasok sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang litrato niya.
"Nice to meet you, Halley."
Umiling ako nang maalala ang nangyari kagabi sa party. Wala naman talagang nangyari kung tutuusin pero ewan ko ba kung bakit hindi iyon mawala-wala sa utak ko.
Tumawa ako nang mahina. Ano na, Halley? Magtigil ka nga diyan sa naiisip mo at hindi bagay sa'yo.
Tandaan mo, hindi naman niyan mababago ang desisyon mo.
Tinitigan ko pa lalo ang litrato niya at napaisip. Maganda ang ngiti niya sa litrato pero malungkot ang mga mata niya.
Nagpapanggap lang din kaya siya?
Hindi ko alam kung ilang minuto akong natulala pagkatapos noon dahil bumalik lamang ako sa katinuan nang magpop-up na naman ang mukha ni Mikey. Tumatawag naman ito ngayon. Nang sagutin ko ito ay bigla itong nalipat sa videocall.
"Hi!" Malakas na bati nito kaya napalayo ako ng selpon sa tenga.
"Bakit? Ang aga-aga sumisigaw ka diyan!" Asik ko. Humagikgik naman ito bago sumagot. "Maaga ka diyan? Alas-singko na kaya ng hapon!" sabi nito na siyang ikinagulat ko.
Alas-singko? Kakauwi ko lang ah?
"Ha? Utot mo! Kakauwi ko lang kaya," matawa-tawang sabi ko. Bigla namang napalitan nang pagtataka ang mukha niya at tumingin sa orasan sa katabi niyang lamesa. Kinuha niya ito upang tingnan nang mabuti.
BINABASA MO ANG
Look How The Stars Shine
RomanceFive years have already passed since the sudden departure of Phoenix's beloved fiance, Halley. Yet he still cannot fathom the fact that she was completely gone. Long gone. With his heart falling into a black abyss full of pain, regrets, and grief...