"When a song starts to play,
the memories will follow."
Phoenix Marshal
Naranasan mo na bang mawalan ng minamahal?
Yung tipong kahit anong gawin mo, kahit anong yakap, halik, pakiusap, o kahit gaano pa kahigpit ang pagkapit mo, mawawala at mawawala pa rin siya sa piling mo.
Hindi dahil sa gusto niyang kumawala sa'yo ngunit dahil sa isang pangyayaring walang ni-isa sa inyo ang may gusto.
Siguro kung hindi nangielam ang tadhana at sinabi nang harap-harapan sa atin ang mga salitang "Wala na. Hindi kayo ang itinadhana para sa isa't isa" ay masaya na sana tayo ngayon.
Naglalakad sa parke, nakikipagtawanan sa barkada, sabay na kumakain ng paborito mong pagkain, sabay na kumakanta sa bawat liriko at tugtog ng paborito mong banda, at sabay na tinutupad ang mga pangarap na magkasabay nating binuo.
Siguro nga ay magkasama tayong namumuhay ngayon nang payapa. Baka nga may pamilya na tayo ngayon, diba? Katulad lang ng mga pangarap natin noon.
Kaso ano nga ba ang magagawa ko? Isang dakilang epal si tadhana at sapilitan ka niyang kinuha sa'min- sa akin. Ipinaglaban naman natin, hindi ba? Minahal naman natin ang isa't isa?
Maraming tanong pa rin ang bumabagabag sa akin, mahal ko. Marami pa ring katanungan sa isip ko ang nangangailangan ng mga kasagutang alam ko na ikaw lang ang makapagbibigay ng mga sagot.
Ikaw lang naman kasi talaga ang nag-iisang kasagutan sa buhay ko.
Ikaw lang. Umpisa pa lang, alam kong ikaw na. Alam kong ikaw na ang babaeng gusto kong makasama sa panghabang-buhay. Sigurado akong ikaw lang.
Kung 'di lang sana humadlang ang tadhana ay alam kong masaya sana tayo ngayon.
Kaso paano nga ba tayo umabot sa katapusan?
Paano nga ba nagsimulang maisulat sa mga pahina ang ating pinakatago-tagong istorya?
Paano at saan nga ba tayo nagsimula?
Paano tayo umabot sa ganito?
Sa totoo lang, mahal ko, natatakot na kong balikan at alalahanin pa ang bawat senaryo at bawat kuwentong nabuo natin para sa isa't isa. Pinipilit ko na ring talikuran ang bawat kabanatang isinulat natin gamit ang iisang tinta.
Lalo na't kahit anong pigil ko'y napupunta lamang iyon sa biglaang pagwawakas ng ating pinakamamahal na pahina. Ang masakit na pagtatapos nang pag-iibigan nating dalawa.
Napakadaya mo naman, mahal.
Sobrang daya.
"Phoenix, are you okay?" tila naibalik ako sa ulirat nang marinig ang tinig na iyon. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ang isang middle-age na babaeng nakasuot ng puting lab coat at nakaupo sa harapan ko.
Ibinalik din nito ang itim na journal na ibinigay ko sa kanya kanina na siya namang tinanggap ko at inilagay sa kanang parte ng bakanteng couch. Tapos na ata niyang basahin yung naisulat ko kinagabihan.
Inatasan kasi ako nitong magsulat bilang parte ng therapy niya. Ang sabi pa nga niya ay idaan ko raw sa pagsusulat ang lahat ng nararamdaman ko lalo na kung hindi ako komportableng bigyan ng boses ang lahat ng iyon. Lalo na yung mga pinagdadaanan ko noong nawala siya.
Isang taon na rin kasi siyang walang makuha sa'kin kaya ito yung naging paraan niya para makakuha ng impormasyon. Epektibo naman kung tutuusin. Kaso puro siya lang yung laman.
BINABASA MO ANG
Look How The Stars Shine
RomanceFive years have already passed since the sudden departure of Phoenix's beloved fiance, Halley. Yet he still cannot fathom the fact that she was completely gone. Long gone. With his heart falling into a black abyss full of pain, regrets, and grief...