--
"Hi Ganda!"
Slow motion akong lumingon. Syempre, joke lang yun.
Si ano pala, si Johann Monteverde. Binigyan ko lang siya ng isang malapad na ngiti. Ano akala niyo, kiss? Hahaha. Wag ganun, bata pa ako.
Binalik ko yung atensyon ko sa cellphone ko. Nagseselfie kasi ako nang patago, hirap nga pumose.
Nagulat ako dun sa nagsalita. "Oyst! Isa lang" sabi niya. Napakunot naman yung noo 'ko.
"Huh?"
"Ano, picture. Isa lang!" nahihiya niyang sabi. Lumapit naman siya sakin, syempre ako clinick ko yung camera. Nakakahiya kasi ang tangkad niya hindi ko abot. :3
Nagset na din ako ng timer. Ako yung humawak nung cellphone, :'( Walangya siya. Pahirapan daw ba ako? Huhuhu. T3T
"Ano ba! Ikaw na nga lang humawak. Tangkad mo e" maktol ko. Tumawa naman siya dun. Tapo clinick na niya.
4 shots yun. Yung parang ganun sa photo booth, kung ayaw mo ng photo booth yung ganun sa retrica.
"Say cheese" sabi niya.
Inabot niya sakin yung cellphone 'ko at Tumalikod na siya, "Salamat huh!" sarcastic kong sabi.
Lumingon naman siya sa akin, "Haha. Your welcome" Argggggh! Kainis. :3
Tiningnan ko na lang yung picture naming dalawa. Waaaah. Ang qtqt. Dun sa first pic, smile lang. Tapos dun sa second pic, nakadila siya ako naman nakalipbite. Sa third pic naman, nakatingin siya sakin tapos ako nakadila. Pero yung fourth pic, naka-akbay siya sakin tapos ako nakatingin sa kanya. Waaaaah! Para kaming mag-girlfriend at boyfriend. Mwehehehe. Oyst Yeon, child abuse yan. Hahaha.
"Oh! Picture taking!" sabi nino. Edi sino pa si Daddy. Takaw yan sa picture eh. Hahaha. Joke.
"Oh akin yung isang tali dyan sa banner para partner ko si muse" nagwink sa akin si Johann. Mukhang hindi naman pakinig nung ibang players kasi ang iingay nila.
Yumuko na lang ako. eh kasi naman eh. Kinikilig po ako, feeling ko namumula na ako. Yung singpula ng kamatis.
Pumwesto na ako. Pose here, pose there, pose everywhere. Tiningnan ko yung mga shots sa camera ni Daddy.
And oh wtf! Siya palagi ang nasa likuran ko. Waaaah bat ganito? Bat parang nahuhulog na ko...... sa bangin? Hahahahahaha. Joke. Nireveiw ko pa yumg ibang pictures, siya talaga ang nasa likod ko palagi.
Hindi ko namalayan na napatingin pala ako sa kanya at laking gulat ko ng nakatingin siya sakin. Pero bago niya ibaling yung tingin niya sa iba, kinindatan niya ako.
Hay nako! Ang hirap talaga maging maganda. -_____-
Nagpunta na kami sa event. May parade pa daw kasi. Kay daddy ako nakasakay, alangan naman dun sa players pa eh may sasakyan naman kami. :D Hahaha.
Nagsalpak ako ng earphone sa tenga. Hays, inaantok pa ako.
--
"Hoy! Gising na!" naramdaman kong may yumuyugyog sa akin.
"Gising na, nandito na tayo!" Sino ba kasi yung ginigising nila na yun at di pa magising. Sarap batukan nun, kitang ang ingay eh.
"Yeon gising na!" nagulat ako sa sigaw ni Daddy. Nakatulog pala ako.Haha. Eh ikaw ba naman kasi ang gumising ng alaskwatro ng madaling araw. Ewan ko lang kung di ka antukin.
Kinusot ko yung mata 'ko at bumaba. "Hay! Wala pa namang tao, excited kayo" maktol ko habang naglalakad.
Tiningnan ko yung oras sa cellphone ko, susko. Alas otso na pero wala pa rin, sabi nila 7 eh.
Doon muna kami sa may bench. Gusto ko sanang umupo kaso yung short ko na puti baka madumihan eh.
"Huy." napalingon naman ako. Ang gara naman kasi my pangalan ako tapos 'hoy' yung itatawag sayo. Sarap sapakin. :3
"Bakit?" mataray kong sabi.
"Sus. Eto naman, taray pa oh. Umupo ka. Mangangalay ka" sabi niya. Shems, bat ganun? Dapat galit ako. Pero bakit parang nawawala yung galit 'ko?
Shit Yeon! Wag kang assumera, malay mo concern lang.
"Ay huwag na. Baka madumihan, puti pa naman" sabi 'ko. Napa 'ah' na lang siya.
Mga 10 minutes din akong nakatayo.
Ang ngalay, huhu.
"Umupo ka na nga, ako ang nangangalay sayo eh" medyo iritado yung boses niya. Katakot naman 'to. Umupo na lang ako sa tabi niya. No choice eh, walang maupuan. T3T
Kinuha ko yung cellphone ko, hinihintay ko kasi yung chat ni besprind, wala kasi akong load eh. Hahaha.
"Bilis ng signal noh" asar na sabi niya tas tumawa. Nangiinis kasi, ang tagal mag connect nung facebook ko.
"He. Ewan ko sayo. Ang bagal nga" sabi 'ko.
"Don't worry, sa isip at puso ko mabilis ka" tapos umalis siya.
Ano raw!?
Sa puso't-isip niya mabilis ako? Teka.. kabayo ba 'ko? Walangya siya!
--
BINABASA MO ANG
Our Game Relationship
Fanfiction"Johann, diba sabi mo mahal mo 'ko!? Diba!?" "Sorry Yeon." lalo akong napahagulgol sa sinabi niya. "Mahal mo ko diba? Mahal mo 'ko. Tayo diba. Tayo Johann" mangiyak-ngiyak na sabi 'ko. Pero mas lalong nadurog ang aking puso sa salitang kanyang bi...