Strike 5

6 0 0
                                    

After 123456789 years nakalabas na ako sa kwarto. Oo, magaling na yung sugat 'ko. At manood ako ng game niya. Yup, siguro hindi niyo pa alam? Ay oo nga pala. Well eto sasabihin 'ko na.

F l a s h b a c k

Maghapon akong hindi lumabas sa kwarto 'ko. Nagiisip ako, hindi ko na kasi maintindihan kung anong gagawin ko. Merong part na parang crush ko siya pero merong part na parang hindi. So kinuha ko yung laptop ko at nag log in sa blogger. Isa akong blogger wannabe na nagbibigay ng payo sa mga kabataan. Sabi nga nila, isa daw akong inspirasyon sa mga kabataan. Isang topic lang naman ngayon ang nasa aking isip. Ito ay kung paano mo masasabing mahal mo ang isang tao. Malay mo malaman ko din dito kung ano yung dapat kong gawin. Dahil nga malawak ang aking imahinasyon, ginawa ko na ang dapat gawin. Nag-log in na ako sa tumblr.

Username: ThegirlbehindAlcantara

Password: *********

Loading..


Loading...


Loading....

Log In Succesfully


BLOG OF YEON ALCANTARS08

Start time: 8:30 am

End time: 9:45 am

Topic: Paano mo masasabing mahal mo ang isang tao?

Paano mo masasabing mahal mo ang isang tao?

Paano mo nga masasabi na mahal mo ang isang tao? Sa totoo, mahirap aminin sa ating sarili na mahal natin ang isang tao, babae man yan o lalaki, tomboy man yan o bakla. Tao pa rin yan, kahit baliktarin mo pa ang mundo tao pa rin 'yan.

Ang tanong na ito ay hindi mo basta-basta masasagot. Bakit? Kasi magulo ang isip ng tao. May nagawa lang siyang mali sasabihin mo "Ay hindi ko na pala siya mahal!" Iyan ang mahirap sa atin mga tao, wala tayong isang salita.

Sa blog ko na ito, malalaman mo at nating lahat kung mahal mo ba talaga ang isang tao.

Ito ang mga senyales kung paano mo masasabi kung mahal mo talaga ang isang tao.

Pag magkasama kayo, kahit wala kayong ginagawa, kahit hindi kayo nag-uusap, kahit magkatabi lang kayo, kontento ka na. Yung bang tipong katabi mo lang sya masasabing buo na yung araw mo o di kaya nama'y kapag nakita mo siya o kaya'y nakakasama masasabi mo lang "Ito na talaga. Buo na ang araw ko" hanggang sa paguwi mo sa bahay eh siya ang laman ng isip mo hanggang sa madala mo siya sa iyong panaginip.

O kaya naman ay pag kaya mong magtiis para sakanya? Yung lahat ng sakit titiisin mo kahit harap-harapan ka na niyang sinasaktan. Yung bang kahit kita mo sa dalawang mata mo na yun yung taong gusto niya pero ikaw ayun sige ka pa rin.

Yung lahat gagawin mo para sa kanya. Halimbawa may game siya, kahit hindi mo gusto yung game na yun para sa kanya manonood ka kahit pa bored na bored ka na. Yung bang kunwari iinom siya tapos ikaw pupunta dun sa inuman kunwaring iinom ka rin.

O di kaya naman kapag inaalala mo siya, gusto mo siyang makasama, gusto mo siya kausap palagi, gusto mo safe siya palagi, gusto mo walang mangyayaring masama sa kanya, gusto mo ayos lahat ng mangyayare pag kasama mo sya, gusto mo walang problema pag andiyan siya. Kapag GM ka ng GM na puro patama sa kanya pero sa kanya mo lang naman ise-send. Yung bang gusto mo siya laging katext at katawagan hanggang sa moment na paloadan mo na siya pero ang masaklap hindi siya nagtetext sa'yo kasi iba yung katext niya, yung taong mahal niya. Ouch. >___

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Game RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon