2 days na kong hindi nakakalabas sa kwarto, masyado kasing masakit yung sugat 'ko pero at the same time, hindi ko pa rin talaga makalimutan yung nadapa ako. At hanggang ngayon sariwang sariwa pa sa isipan ko.
F l a s h b a c k
"Huy ano ba Johann. Ibaba mo ako, nakakahiya." sabi 'ko. Binuhat nya kasi ako na yung parang pang-kasal eh kasi nga diba, nadapa ako. So ayun, nanghina yung tuhod 'ko.
"Wag kang mahiya. Sge pag binaba kita makakapaglakad ka ba?" sabi niya.
"Hindi."
"Eh yun naman pala eh. Hayaan mo sila, inggit lang yun." Binaba na ako ni Johann sa clinic. "Grabe ang bigat mo pala! Hahaha" asar niya. Inirapan ko na lang sya, kainis eh. -_-
Bigla namang dumating yung nurse.
"Oh. Anong nangyari?" tanong nya.
"Uhm. Nadapa po kasi sya." Tas tumawa si Johann, hindi lang pala tawa halakhak pa. :3 Bat ba kasi ang clumsy clumsy ko? :3:
"Ohhhhh. Hm. Wait, kuha lang ako ng gamot!" sabi nung nurse at umalis. Litsi -,-
-
"Oy. Anong mukha yan?" Sita sa akin ni Johann. Inirapan ko na lang sya, ts. Bahala sya sa buhay nya! Grrrrrrr.
"Talaga bang hindi mo ko papansinin?"
"......"
"Sorry na oh!"
"......"
"Yeon naman!"
"Uy!"
"Ano ba!?" sigaw ko. "Sorry na." Sabi nya.
"Bahala ka sa buhay mo."
"Eto naman, sorry na nga."
"Wag ka ngang magulo dyan." inis na sabi ko. Bahala talaga sya sa buhay nya. Kainis, badtrip sya. Kabadtrip >...
Naramdaman ko na lang na kinuha niya yung kamay ko at hinalikan. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko nun, magagalit ba ko kasi ginawa nya yun o kikiligin ba ako? Basta ang gula. Sobrang magulo, merong point na gusto ko yung ginagawa niya pero meron ding point na ayaw ko. >...< Ano ba ako, bat ganito? Lord please help me. -3-
Biglang bumukas yung pinto at dali dali kong kinuha yung kamay ko. Siguro naman hindi yun mahahalata nung nurse.
"Ay sorry natagalan ako. May pinagawa pa kasi sakin eh. " bungad nung nurse. Binigyan ko lang siya ng malapad na ngiti at binalik yung pag-iisip ko sa sugat 'ko.
At the same time, hindi pa rin mawala yung ginawa ni Johann. Bakit ganito? Bakit parang ugh! Mali tong nararamdaman ko, maling-mali.
Bigla na lang nabasag yung pag-iisip ko ng mag ring yung cellphone ni Johann.
Johann: Hello Brad!
Caller: San ka?
Johann: Dito sa clinic. Kasama si yeon.
Caller: Ganun ba. Magsisimula na yung game eh. Ikaw na lang kulang.
Johann: Pakisabi na di ako makakapaglaro.
Caller: Ha? Bakit naman? Ano ba yan brad! Kelangan ka dito. Uunahin mo pa ba yan!?
Johann: Brad si Yeon to, Y-E-O-N. Anong gusto mo iwanan ko ito? Aba hindi pwede. Kaya niyo yan. Sige na! Bye, godbless. Galingan nyo gag*!
(End Of Convo)
Niloudspeaker po kasi nya kaya pakinig ko.
"Hindi ka ba talaga maglalaro?"panimula ko.
Umiling lang siya at napa 'ahh' naman ako.
"Nagugutom ka na ba?" tanong niya.
"Nope."
"Maglaro ka na uy." sabi 'kong pa cute. Malay nyo naman tumalab.
"Ayaw ko." Sabi nya. Naman eh, bat ba ayaw maglaro nito?
"Eh kasi nga gusto ka nyan bantayan! Gaga!" sabi sa akin yan ng isip ko.
"Bakit naman ayaw mo maglaro?" tinignan niya lang ako ng diretso. "Gusto kitang bantayan at ayaw kitang iwan." sabi nya.
"Pero...." pinutol nya yung sasabihin ko.
"Wag kanang kumontra, ayaw kong iwan kita." sabi nya.
E N D O F F L A S H B A C K
Sino ba namang makakalimot kaagad diyan? -,- Oo na alam kong mababaw pero hanep naman po. Siguro kung ikaw ang nasa kalagayan ko ganyan din ang mararamdaman mo. Babae ako at hanep madali akong mahulog sa lalaki.
Biglang nagbeep yung cellphone ko. Ang dami na palang text, yung iba mga gm pero isang tao lang ang naagaw pansin ko.
Frm: Johann
Hey Yeon. Ano, ayos kana ba? Yung sugat mo magaling ka na ba? Hindi kana nanood ng game. :'( Ayan tuloy, wala akong inspirasyon. Oo corny na kung corny, keso na kung keso pero Yeon, totoo 'to. Totoo yung nararamdaman 'ko. Mag-ingat ka ha! Papakasalan pa kita. :* I love you sa English, Mahal Kita sa Tagalog, Ich Leibe Dich sa Deutch, Saranghae sa Korea, 143 sa numero, 5254 kung gusto mo. Basta mahal kita at yun ang totoo na di magbabago.
Received: 9:30 am April 2, 2015
Hindi ko maintindihan pero nung nabasa ko yung text napangiti ako. Alam kong bawal at mali pero bakit? Bakit ganun? Bakit hindi ko mapigilan? Tao lang din naman ako na nagmamahal at alam ko kung ano ang tama at mali. Mali ang mahulog ako sa kanya pero hindi ko mapigilan. I can't. Ang dating hyper at makulit na ako ay nawawala na, nawawala na kasi heto na naman ang tarantadong puso ko na nahuhulog naman. Lord, ayaw ko ng masaktan. Ayaw ko na pero bakit nahuhulog na ako sa kanya? Bakit parang di ko na mapigilan ang aking nararamdaman?
Sa tingin 'ko, tuluyan na akong nahuhulog.
BINABASA MO ANG
Our Game Relationship
Fanfiction"Johann, diba sabi mo mahal mo 'ko!? Diba!?" "Sorry Yeon." lalo akong napahagulgol sa sinabi niya. "Mahal mo ko diba? Mahal mo 'ko. Tayo diba. Tayo Johann" mangiyak-ngiyak na sabi 'ko. Pero mas lalong nadurog ang aking puso sa salitang kanyang bi...