8

6 0 0
                                    

'Gigolo'

Lance POV

Andito ako ngayon sa bahay, kumakain ng tanghalian. Biyernes ngayon pero hindi ako pumasok ng sa school dahil wala naman akong pamasahe, mabuti pang humanap ng raket para may panghapunan kami ni nanay mamaya.

Kami nalang ang magkasama ni nanay kase iniwan kami ng tatay. Malapit ko nang matapos ang kinakain ko nang marinig ko si nanay na sumusuka. Dali dali ko syang pinuntahan sa banyo para tingnan sya.

"Nay ayus ka lang?" tanong ko habang papalapit sa kanya ngunit laking gulat ko nang makitang walang malay si nanay.

"Nay? Nay anong nangyare? Gising nay!" tinapik tapik ko ang muka nya para magising sya ngunit walang nangyare.

Tumakbo ako palabas upang humingi ng tulong. Mabuti nalang at andito ngayon si Kai, pinsan ko. Dinala agad namin si nanay sa ospital.

"Kuya Lance kalma ka lang, andito na tayo sa ospital oh. Magiging okay din si tyang." sabi nya sakin nang makitang hindi ako mapakali.

"Pano kung may masamang mangyare kay nanay Kai? Hindi ko alam gagawin ko, si nanay nalang natitira sakin." maiiyak na sabi ko. Magsasalita pa sana sya nang lumabas ang doctor na nag asikaso kay nanay.

"Kamag anak ba kayo ng pasyente?" tanong nang doktor.

"O-opo doc. Kamag anak po kami, anak po nya ko. K-kamusta na po ang nanay ko?" nanginginig na tanong ko.

"Sa ngayon ay ayos na sya. Ngunit ijo, kailangan maoperahan ng nanay mo dahil may nakita kaming bukol sa tyan ng nanay mo. Cancerous 'to kaya kailangan naming matanggal to, kundi ay maari nya itong ikamatay." lalong lumakas ang kabong ng puso ko. 'Hindi pwede, hindi pwedeng mawala si nanay'.

"M-magkano po ang aabutin para maoperahan yung nanay ko?" naiiyak na tanong ko.

"Aabutin ito nang mahigit kalahating milyon ijo." lalo akong nanlumo sa narinig ko. Pangkain nga ay hirap kaming hanapin, kalahating milyon pa kaya?

"S-sige doc, hahanap ako ng paraan. Basta po iligtas nyo si nanay, gawin nyo po lahat para mabuhay sya." pagmamakaawa ko.

"Gagawin namin lahat ijo wag kang mag alala. Sige, mauna na ko at may iba pa akong pasyente." paalam nya at saka umalis.

Pumasok naman kami sa kwarto kung nasaan si nanay. Nasa public lang kami kaya may iba syang kasama dito. Umupo ako sa tabi ng kamang hinihigaan nya. Mahimbing lang syang natutulog.

"Kuya Lance saan mo kukunin ang ganong kalaking pera?" nag aalalang tanong ni Kai.

"Ako nang bahala." maikling sabi ko habang pinagmamasdan si nanay.

"Kai, pwede bang ikaw muna ang magbantay kay nanay? Kailangan ko nang mag umpisahang humanap ng paraan para makakuhan ng pera."

"Sige kuya, ipagpaalam mo nalang ako kay nanay kung uuwi ka saglit." tumango lang ako at saka umalis.

Hindi ko alam kung saan mag uumpisa. Hindi ko alam kung saan kukuha ng ganon kalaking halaga pero bahala na. Kahit anong trabaho papasukin ko para kay nanay.

Ginabi na ko sa paghahanap ng trabaho. Humingi na din ako ng tulong sa mga kamag anak at kaibigan ko ngunit kulang pa ang perang nalikom ko para sa pampaopera ni nanay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One ShotsWhere stories live. Discover now