5 years ago...
"Anong section mo Madz?" Pumunta ako sa website ng school namin para matingnan kung saan ako mapupuntang section. Nasa kwarto kami ngayon dahil wala na kaming ibang gagawin ngayong patapos na ang summer. Nag hahanda nalang kami ng mga gamit na kakailanganin sa pasukan.
"Deborah" pagkabasa ko sa screen ng cellphone ko at tiningnan kung sino-sino ang mga kaklase namin ngayong taon.
"Omg, magkaklase ulit tayo waah!" Ika ni Reign
"Nakakasawa na muka mo beh" pabiro ko at tumingin ito ng masama sa akin.
3rd year Highschool na kami ngayon. Magkasama na kami ni Reign nung bata pa kami dahil siya ang pinaka close ko sa mga pinsan ko sa side ni Mama. Kilalang kilala na namin isa't isa.
"Hindi na pala natin kaklase si Louis, balita ko nag palipat daw siya ng Section." bigla akong natigilan at napaisip.
Nakokonsensya ako.
Siya lang kasi yung nahiwalay sa tropa niya. Talagang umiiwas talaga siya. Wala naman masyadong nabago sa list na magiging kaklase namin ngayong taon. Mga kaklase pa din namin noong 2nd year at may mga kaunting nadagdag lang naman.
Bigla akong tinapik ni Rei "Ayan si overthink, bat mo naman kasi nireject! Green flag na bhie bulag ka ba?" pinapakonsensya ako lalo neto oh.
Biglang may kumatok sa pintuan. Narinig ko ang boses ni Mama at niyaya na kami bumaba. "Bumaba na kayo jan mag tatanghalian na tayo." Sinagot namin pabalik si Mama upang malaman niya na narinig namin ang kaniyang sinabi.
Pagkabukas namin ng pintuan ay umalingasaw ang niluto ni mama galing sa baba. Naamoy ko palang alam ko na kung ano ang niluto niya. Nag paunahan pa kami bumaba ni Reign sa hagdan dahil paborito namin parehas ang pagkain na iyon.
"Dahan- dahan naman sa pag baba at baka maaksidente kayo. Hindi naman kayo mauubusan ng ulam dahil 3 lang naman tayo nandito sa bahay." Sabay lapag ni Mama ng mga plato sa harapan namin.
Kami lang ni Mama ang magkasama sa bahay. Ang dalawa ko namang kapatid ay mayroon nang mga asawa at anak. 10 taon ang pagitan ko sakanila. Ang Papa namin ay iniwan na kami noong maliit palang kaya sanay na kami sa ganitong set up.
"Waah ang bango bango talaga ng adobo mo Tita Wena" ika ni Reign
Kumain na kami ng sabay-sabay at tinulungan si Mama gumawa ng gawaing bahay dahil wala naman na kaming ibang gagawin.
--------------------------------------------------------------
June 2015"Nasaan ka na?" Nasa Main gate na ako ng school namin dahil first day of class namin ngayon.
"Nasa bahay pa hehe." Pahiya nitong sabi.
"Isang oras nanaman ligo niya oh ano ba ginagawa mo nag riritwal ka ba?" Iritado kong pagkasabi. Hindi na nabago sa routine niya ang pagligo ng isang oras hindi ko ba alam jan kung ano ginagawa niya sa cr.
"Eto na nga eh lalabas na nang bahay namin" bigla ko na pinatayan ng tawag dahil sa inis.
Hindi pa naman kami malalate. Gusto ko lang na maaga kami para hindi na kami dagsain ng tao mamaya dahil first day ng school.
Pinagmasdan ko ang itsura ng paaralan.
Paaralang Herkules Sekondarya
Isa itong public school sa Laguna. Ito ang pinaka maganda at striktong paaralan at sa itsura nito ngayon. Ang mga kulay ng mga bakal at main gate ay halatang bagong pinta lamang ito. Sa loob ng 2 buwan na bakasyon namin ay marami na nabago. Maging ang uniporme namin ay nabago, mula sa pulang paldang hanggang tuhod ay naging hanggang bago mag tuhod nalamang at naging fitted na ito na tulad ng pencil cut. Hindi pa man nakakapasok sa loob ay kitang-kita na sa labas nito na maraming inayos at dinagdag.
