R-18 Sexual Harassment
Nananakit na ang kamay ko kakasulat. Ang malas ng araw ko dahil yung unang teacher pa talaga namin kanina ay yung pinaka malditang guro na nakilala ko.
"Ano ba kasi nangyari kanina? Ang tagal mo naman sa cr." inalok niya ako ng pagkain at sinubo ko iyon. Lunch time na namin ngayon at ako hindi naman makakain dahil kailangan ko lang naman magsulat ng Apology Letter 5 yellow pad magkabilaan pa.
"Wag mo nang tanungin baka masakal kita" gumamit na ako na pinagbabawal na teknik. 3 panulat ang ginamit ko para mabilis ko mapunuan ng sulat ang papel.
Ngumisi ito at patuloy na sinubuan ako ng baon niyang kanin at delata.
Sumunod na dumating sila Matthew at Althea. Galing sila sa canteen at nakangiti si Thea halatang nakajackpot ngayong araw dahil nilibre siya nito.
"Sabi na eh hindi moko matitiis Matt, malakas ako sayo eh pakiss nga." agad naman nilapit ni Matt ang kanyang pisngi.
"Sige nga kiss mo ako." Pang aasar nito, pilit na nilalapit ni Matthew ang kaniyang pisngi habang ang isa naman ay ilag na ilag.
"Akala mo hindi ko kaya ha" agad naman inilapit ng dalaga ang kanyang labi. Sa hindi inaasahan ay biglang dumaplis ang kaniyang labi sa pisngi ng binata.
"Omg--" Asal ni Reign
"Waah! Bakit mo dinikit yung pisngi mo?!" napagitla ito sa gulat at maski ako ay nagulat at agad na lumingon sa kanilang dalawa.
"Ano nangyari??" hindi ko nakita dahil nakafocus ako sa ginagawa ko.
"Nag kiss beh" bulong ni reign
"Ano naman kung nag kiss kayo? Cheeks lang eh parang hindi kayo magkaibigan." hindi parin nag babago ang ekspresyon ni Althea at si Matthew naman ay natulala sa pangyayari.
Sa huli tumabi sakin si Althea dahil nailang siya bigla kay Matthew. Ang binata naman ay hinayaan lang at umakto na parang wala lang nangyari.
Natapos ko na yung 5 papel at patungo ako sa Teacher's office ngayon para ipasa ito. Pupunta pa ako sa 4th Building dahil nandoon nakapwesto ang guro.
"Mandy" napalingon ako sa likuran ko at tumigil sa pagbabasa hagdan.
"Louis" napansin ko na may dala itong mga folder. "Ano yan?" hindi ito sumagot at nakatingin lamang ito sa akin.
"Saan punta mo?"
"Sa Teacher's office, ikaw?" naglakad ito sa gilid at pumantay sa akin. "sabay na tayo" aniya
At ganoon nga ang nangyari sabay kami pumunta at pinangunahan ako sa pintuan at siya ang nagbukas nito. Pagkapasok namin ay hinanap ko na ang pwesto ng guro. Walang tao dito dahil nagkaklase sila sa mga 4th year highschool ngayon. Mas maaga kami nag l-lunch kaysa sa kanila. Nang maipatong ko na ito sa lamesa ng guro ay mag papaalam na sana ako kay Louis nang bigla niya hawakan ang palapulsuhan ko. Hinila niya ako sa sulok at hinarangan niya ako ng kanyang sarili.
"Anong meron? bakit?" nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko at nag papanic
"Ano bang ginawa ko Mandy?" bigla itong umiyak sa harapan ko na parang nahihirapan na siya sa pangyayari. "Bakit hindi ka mawala sa sistema ko?" napaupo ito at yumuko nagulat ako sa inasal niya dahil hindi ko siya nakita na ganito manghina.
"Mandy, sorry dati kung naiilang ka sa ginagawa ko. Hindi ko naman intensyon na bastusin ka. Pwede mo naman akong sabihan kung hindi ka komportable sa inaakto ko. Bigyan mo pa ako ng isa pang chance." tumingin ito sa aking mga mata na puno ng luha halatang matagal niya na ito dinadamdam.
