A month passed...
I avoid going to schools for a month. I was traumatized sa lahat nangyari. Napaka hina ng loob ko kahit mukang nag tataray ako sa ibang tao. I hate it. Pakiramdam ko ang hina hina ng pakiramdam ko at hindi ko kayang protektahan ang sarili ko.
Paano nalang kung walang tumulong sa akin?
Paano kung wala yung mga tao para pakalmahin ako?
I was mad at myself. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa past life ko at ganito ang binibigay saking buhay ngayon.
I was biting my nails. Watching the sunrise on my window. Umaga nanaman at hindi nanaman ako nakatulog ng maayos. I saw my clock on my desk and its 5:30am. Plano ko na din pumasok ulit ng school. Dahil isang quarter na ang na-missed ko. Balita ko pa galing kay Reign na nasuspend si Louis dahil nag surrender siya sa principals office at hindi na nakipag tigasan ng ulo. He really admit his mistakes.
Someone knock on my door. "Mads, are you awake?" she said it softly. Ibang-iba kausapin si Reign pag alam niyang may problema. Alam niya ilugar ang joke at seryosong usapan.
Simula noong nangyari ang insidenteng iyon ay palagi niya ako kinakamusta mapa-text at madalas ay pumupunta siya rito sa bahay. May dalang kung ano- anong bagay para malibang. Minsan ay dito na din siya natutulog at doon siya sa baba dahil ayaw niya raw akong istorbohin kung gusto ko daw na mapag-isa.
Pinagbuksan ko siya ng pintuan at hindi nako nagulat dahil may dala itong isang balot na lalagyan.
"Bumili pala ako sa Convenience Store ng Breakfast natin. Wala kasi si Tita Wena at may aasikasuhin daw siya." Nagpasalamat ako sakaniya at binuklat ang supot ng plastik para kuhain ang laman nito. Dito na rin kami kumain sa higaan ko dahil tinatamad pa akong kumilos.
"Oo nga pala Mads, eto pala yung mga notes para kahit papano makasabay ka sa discussion." Hindi ko hiniling sakaniya ang mga ito. Sobrang naappreciate ko ang mga ginawa niyang tulong sa akin.
"Hindi ko na kailangan yan, papasok nako ngayon sabay na tayo." Lumaki ang mata niya, hindi niya kasi tinatanong kung kailan ako papasok.
"Parang tanga to oh bat ka naluluha jan!" Agad niya itong pinunasan ang mata at dinepensahan ang sarili "Napuwing ako! Tingnan mo kasi yang electric fan mo may alikabok na!" Ngumisi nalang ako sa pag papanggap niya.
Mataray si Reign pero gaya ko softhearted rin siya. Mas malakas ang loob niya kaysa sa akin. Kaya minsan magmumuka siyang gangster para mapagtanggol lang niya ako palagi sa lahat nang aaway sa akin. Itinuring niya na talaga akong kapatid kahit may 3 itong kapatid. Mas ako raw ang itinuturing niyang kapatid kaysa sa mga yon. Hindi niya raw kasundo. Bata palang kami ay hindi na kami mapag hiwalay. Ni hindi nga din nag sasawa sa pagmumuka ko dahil sa pag punta nito nang madalas sa bahay dahil naiiwan ako mag isa noon, nag tatrabaho kasi ang Mama ko para maipangtustos sa akin at sa mga kapatid ko.
Niyakap ako ng mahigpit nang makita nila ako na kasama si Reign. Lunch Break ngayon at nasa canteen kami nakapila.
"How are you?" Aniya
"Okay na ako, Thea wag ka na mag alala" Okay naman na ako pero hindi pa totally okay. Gusto ko lang madistract at kalimutan ulit gaya noon.
"Asan pala si Matt?" Tanong ni Reign
"Ano ioorder niyo?" Pag iiba niya ng topic at nag kunwaring hindi narinig. Ayaw niya siguro pag-usapan. Pinagmasdan na lamang ni Reign ang ekspresyon ni Althea at hindi na lamang ulit tinanong.
Marami akong na-missed na activity kaya marami akong hahabulin. Pinagbigyan naman ako ng mga ibang teacher dahil sa balita na kanilang nalaman.
"Ilang buwan ka nawala, mag cocompute nako ng grades. Masyado ka atang nag pakasarap sa buhay, Ms. Tiamson." Alam kong tatarayan ako nito pero masakit pa din sa pakiramdam dahil hindi niya alam ang nararamdaman ko at hindi naman ako kasing lakas niya.