Prologue

23 5 0
                                    

The first love is memorable, yung tipong maya't maya mo siya aalalahanin dahil sa kilig. First love makes us happy at the same time it gives us pain and the worst, trauma.

What if hindi pala kayo mag work?

What if dadaan lang pala siya sa buhay mo?

Ang daming what ifs minsan nagiging negative ka sa sarili mo because of your flaws. Kahit anong pag cheer up nila sayo parang hindi pa din matanggap ng sarili natin yung mali sa katawan natin.

In short napaka baba ng confidence natin.

First love never dies sabi sakin yan ng ate ko. Sobrang sakit daw talaga pag iniwan ka ng first love mo. Akala mo kasi sa taong iyon siya na yung tao na binigay at pinagdasal mo kay Lord. Yun pala tuturuan ka lang pala, sasaktan ka lang pala para sa susunod, malakas ka na, hindi ka na basta masasaktan at iiyak.


It's was my first time to fell inlove.



--------------------------------------------------------------

"Uwi na tayo Rei" nahihilo na ako dahil nakailang bote nako ininom ko din kasi yung alak ni Reign dahil mahina ang alcohol tolerance niya.

Hindi ako pinansin ng babaeng to dahil biglang tumayo ito at pumunta sa stage para mag party. Naiwan akong mag isa dito at nahihilo na talaga ako. Pinilit ko tumayo ng deretso at umaktong hindi nahihilo. Mahirap na at baka mapagtripan ako.

Pagkatayo ko biglang nandilim paningin ko saglit at bumalik naman ito sa normal.

"Uy shot pa Mandy" biglang sulpot sa harapan ko na si Theo. Inakbayan ako nito at inabot sakin ang isang shot glass

"Sira ayoko na Theo nahihilo nako gago, cr muna ako." sigaw ko rito dahil sa biglaang paglakas ng tunog sa stage. Nakakarindi! Natawa na lamang ito at hindi na ako kinulit pa.

Nagtungo na ako sa cr bigla ako nakaramdam na masusuka ako kaya binilisan ko ang paglakad ko at buti hindi ako nakapag kalat dahil nakakahiya yun!

Paglabas ko sa cr ay nakita ko si Cearah, Kyla at Sophia. Ang mga kaklase kong chismosa.

"Oh, Mandy are you okay? you look so miserable" ika ni Kyla. Kailangan bang nakahilera sila sa harapan ko.

Tinanguan ko nalamang ito at bigla akong pinigilan ni Sophia. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko. "Sandali, nagmamadali ka naman masyado, inaantay ka nga namin dito sa labas eh". Bigla ako nainis dahil eto nanaman yung utak bata nila at eeksena pa ngayong gabi pa. Ngayong wala na ako sa mood at inaantok na.

"Bakit nanaman ba?" Iritado kong sagot.

Lumapit si Cearah sakin at nilapit niya ang muka niya sa akin. "Grabe ka din no? Pati si Theo hinaharot mo, pagkatapos mong lokohin si Shaun yung tropa naman niya yung sunod mo? Crazy." Napaka nonsense ng mga sinasabi nila ngayon dahil lahat nalang ata na nakakatabi ko iniissue-han nila ako.

FYI, hindi ko niloko si Shaun.

"Ang dami mong napapansin no? Wala ka bang mapagtripan? 20 ka na Cearah pero yung kilos at utak mo parang 16 years old. Paki improve po ang character development please?" hahakbang na sana ako paalis ngunit hinawakan ako ng dalawang kuto na to sa magkabilaang braso ko. Biglang may isang dumamping kamay at malakas na tunong sa muka ko na nagmula kay Cearah.

"Bagay lang talaga na nag break kayo ni Shaun dahil sa ugali mong yan." Ika nito. Akmang sasampalin pa ko nito ngunit may isang shot glass ang lumipad sa ere patungo sa noo ng babaeng sumampal sa akin.

"Ay sorry, deserve." Ngisi ni Rei at lumuwag ang pagkakahawak sakin ng dalawa at I banged my head on their heads. Namilipit sila parehas sa sakit at naglakad na kami palabas ng cr,  hinayaan ang tatlong kuto na yun. Sumakit tuloy lalo ulo ko.

"Sabi ko naman kasi sayo umuwi na tayo, nag party ka pa talaga sa stage."

"Sinulit ko lang eh minsan lang tayo mag bar, sorry na madz" biglang yapos naman nito sa akin bilang paglalambing. "Ano nanaman mga trip ng mga yun? Lagi ka nalang pinag iinitan ng tatlong yun" biglang pagtanong niya patungkol kanina

"Nilalandi ko daw si Theo parang mga tanga. Bat ko lalandiin ang jowa mo beh?" Oo, mag jowa si Reign pero lowkey lang sila. Private but never denied.

"Bat mo din lalandiin jowa ko? Hindi ka pa nga din nakakamove on kay Shaun eh" bigla ko nalang siya kinurot dahil baka may makarinig pa. Nandito yun for sure dahil mag tropa sila ni Theo at Hans. Kaya naparami rin ang inom ko dahil ang balita ko kasama ni Shaun yung bago niyang Girlfriend na si Mona. Kaya uwing uwi rin ako dahil ayoko pa makita ang scenario na iyon.

Nag tungo kami ni Rei sa table ni Hans upang mag paalam na uuwi na kami. Nasa kabilang side ng stage yung table nila. Debut ni Hans kaya naisipan niya mag bar party. Marami rin siyang bisita dahil popular ito sa School namin.

Nang malapit na kami sa table nila, may isang pamilyar na pabango ang dumaan sa akin. Natigilan ako saglit ngunit nag patuloy  pa rin ako sa paglalakad. Kumaway ako kay Hans at bumeso sakaniya. Lumapit na rin si Rie at bumati.

"Happy birthday, Hans! Oh! Regalo ko baka umiyak ka hindi ka nakatanggap sa maganda mong bff charot" sabay pag abot ko ng isang maliit na kahon na naglalaman ng pabango. "Siya nga pala, una na kami anong oras na din kasi may quiz pa kami bukas" bigla naman ako hinila ni Hans sa tabi niya at pinaupo biglang nag tatantrums.

"Mamaya na onti! Picture muna tayo bago ka umalis wait muna din natin ung iba kong kasama sa table wala pa kaming picture dito eh." Pag papaliwanag naman nito. Umupo na rin si Rei at nagulat akong katabi na niya agad si Theo sa gilid.

Pahaba ang lamesa at tiningnan ko ang mga taong nakaupo dito. Pamilyar lahat sila sa paningin ko dahil ito ang mga tao na nakikita ko na kasama ni Hans, sa basketball at sa pag bike. Nakampante ako dahil hindi ko siya nakita dito.

"Umuwi na yon" aniya sabay tingin ko kay Hans parang alam niya ang takbo ng utak ko. Sinabihan ko nalang siya ng baliw at nakinig na lamang sa kwentuhan sa kanang banda ng lamesa.

Dumating na ang ibang tao at umupo sa mga bakanteng upuan sa harap ko. Saktong padaan na din ang photographer dito. Sinenyasan ni Hans at lumapit ang photographer.

"Okay na? 1 2--"

Biglang may sumulpot sa likod. "Kayo nag pipicture kayo na wala ako!" Sabay siksik nito sa tabi namin ni Hans. Hindi alintana ni Shaun na katabi niya ako. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko hindi ako nakangiti sa picture!

Tumingin ako sa gawi niya at pinagmasdan ang pag ngiti niya sa camera. Bigla rin ito tumingin sa gawi ko, ang kaniyang ngiti sa labi ay naglaho. Nablangko na lamang ang muka niya.

Biglang nag flash ang camera na nagpapahiwatig na nakuhanan ng litrato.

Bigla na lamang ako tumayo at hindi na lumingon pa. Naninikip na ang dibdib ko at nawala ang tama ng alak. Hindi na ako mapakali at hinanap ang susi na siyang naalala ko na kay Rie iyon dahil baka mawala ko pag ako ang humawak dahil sa kaburaraan ko.

Nag tago na lamang ako sa likod ng sasakyan namin at yumuko.

Ansakit mo parin palang makita.

Pagkabangon ko sa pagkakaupo ay naamoy ko ang isang pabango may isang tao na nakatayo sa harapan ko. Nakatingin lamang ito sa akin at pinagmamasdan ako maiigi.

"Anong iniiyak mo jan? Hindi ba dapat masaya ka na?" he sounds bitterly lumingon ako sa kaniya nang mayroong sama ng tingin

"Ano ba ginagawa mo dito? Ano ba pakialam mo kung umiyak ako dito?"

"Sana naalala mo 3 yrs ago, karma mo yan." Aniya sa inis ko at walang magawa ay napaluha na lamang ako ulit. Pinipigilan ko ang pagbagsak ng mga luha at hinarap siya.

"Umalis ka nalang." Iniwan ko na lamang siya doon at balak na lamang mag abang ng jeep sa daan.

Hindi mo alam kung gaano kasakit at sana madali lahat sabihin.

Love Of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon