CHAPTER 1

136 8 0
                                    

❣ Cinderella?❣

•Samantha's Yaz Salvatore’s POV•


Nandito ako ngayon sa birthday party dahil inimbitahan ako ng ka-shareholder sa kumpanya. Wala naman talaga akong balak pumunta, pero dahil hiningi nila ang pahintulot ng Chairman which is my dad ay wala na akong choice kundi dumalo sa napakaboring na kasiyahan na ito.

Who cares about parties, anyway? Besides, alam ko naman na gusto lang nila akong maging kaplastikan ng nag-iisang anak nila dahil isa rin itong tagapagmana gaya ko. The difference between us and them here ay hindi hamak na mas mayaman ako sa lahat ng mga tagapagmana na nandito.

Argh! How I wish that clock strikes at 12 already para makauwi na.

“Why sitting alone here, gorgeous?” A guy who approached me asked.

I sighed at PokerFace ko syang hinarap. Pinasadahan ko na rin ng tingin ang kabuuan niya mula ulo hanggang paa.

I can say that he looks somewhat decent, and for sure, for other women, he's already a jaw-dropping Adonis. But not for me. Ignored him at tinuloy ko na lang ang pag-inom mag-isa dito sa pwesto ko habang nakikinig ng solemn na musika na pinapatugtog ng orchestra.

Honestly speaking, mas gugustuhin ko pang makarinig ng pinapatugtog ng DJ kaysa dito dahil para na akong papanawan ng ulirat.

“Can I seat next to you?” He asked kaya natigilan ako sandali sa pag-inom ng wine. I didn’t look at him kundi nakatingin lang ako sa harapan hanggang sa tinuloy ko na muli ang pag-inom.

Naramdaman kong nag-hatak siya ng upuan papalapit sa akin. I thought na makiki-upo lang talaga siya sa tabi hanggang sa umakto na siya na para bang magkakilala talaga kami dahil nakaakbay na siya sa balikat ko kaya natigilan ako at tuluyan na siyang nilingon.

He smiled at me, I glared at him.

“I won't stop you from sitting next to me, but I didn't say you could just put your nasty hands on me," I said in a warning tone.

Agad siyang napataas bahagya ng kamay na para bang sumusuko habang natatawa.

“So ahh, what's your name?” He asked habang nakatitig pa rin sa akin na nainom lang ulit.

“Cinderella..” Bored kong sagot at tumawa naman siya ng mahina.

“So does that mean that you need to go and run away when the clock strikes at 12?”

“Yea, you can say that.” I plainly answered dahil nababagot na ako at tinatamad rin akong makipag-usap.

Kung wala nga lang ako sa party na ito ay baka nasapak ko na siya kanina pa. Unfortunately, I can't do that here. Sa oras kasi na malaman nila dad na may ginawa ako ay malalagot talaga ako.

“It's not 12 yet, wanna dance?” He asked.

Nagbingi-bingihan ako dahil kanina pa maraming nagtatanong sa akin niyan matapos nilang malaman na isa akong Salvatore na siyang nag-iisang tagapagmana.

Napagpasyahan kong tumayo na lang at iwanan na siya.

Mas mabuti pang maglakad-lakad na lang at baka sakaling mawala man lang ang antok ko. Unfortunately, kahit gusto kong umuwi ay masesermonan naman ako ni Dad at sasabihin, ‘You need to learn to socialize with other people, Samantha, whether you like it or not, because that's how our world works and don't ruin our family's reputation!' At para itong isang sirang plaka na paulit-ulit na lang sa utak ko kaya aantayin ko na lang na matapos itong napakaboring na party na ito.

The RunAway HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon