"Rhona bakit ganun? Masama ba ko? Bakit kaylangan masaktan sila dahil sa akin?" Iyak lang ako ng iyak habang akap akap ako ni Rhona at si Rhizza naman hinahaplos ang likod ko.
"Tahan na"
"Ayoko na. Ayoko na! Hindi ko na alam!" Tumayo na ako at nag simulang maglakad sa ulanan pero na pahinto ako sa sinabi ni Rhizza
"Pwede kang mamili. Mamili ka sa kanilang tatlo. Ano nalang ang gagawin mo sasaktan mo silang lahat. Bakit kapag nag sasagot kaba ng multiple choice nilalaktawan mo ang part na iyon? Bakit sa palagay mo ba papasa ka sa test na yun kung di mo sasagutan ang part na yun?"
"Alam mo Liyana. Makaka alis kalang sa problemang yan kapag nakapili kana alam kong may mahal ka sa kanilang tatlo" at yun umalis na sila.
Sunod sunod nag patakan ang luha ko. At may narealize ako, hindi sa lahat ng pagkakataon makakaalis ka sa pagpili mahirap man iyon at ngayon buo na ang desisyon ko.
- - -
~ Utang na loob ko sa kanya ang buhay ko pero di ko alam kung bakit ko sya minahal. Alam kong talo ako sa huli pero handa akong makipag sapalaran mahalin lang rin nya ako pabalik~ ang kababata.~Matagal akong nagtiis at nagtago ng nararamdaman ko noong hiniwalayan sya ng ex nya. Pero ngayong nakaamin na ako pagpapatuloy ko na ito at haharapin kung ano man ang posibleng mangyare sa laban na ito
~ ang bestfriend~Kaaway ko sya. Pero mahal ko sya. Silang dalawa pinaglalaban sya, ako, hindi ko magawa pero mahal ko sya handa akong palayain sya kahit kapalit noon pagwasak ng puso kong bato na naging mamon dahil sa kanya at sya lang ang makakapag bukas uli nito kung sakali dahil nasa kanya ang susi~ Ang kaaway
- - -"Importante kayong lahat sa akin. Ayokong nakikita kayong nasasaktan pero ayokong hindi mamili sa inyong tatlo. Aaminin ko may mahal ako sa inyong tatlo ____________ mahal kita.
Kayo sino ang pipiliin nyo o mamimili ba kayo?
****A/N
Hi guys actually ito po talaga ang first story ko pero ngayon ko lang sya pinublish nasa notebook ko lang po kase sya pero dahil sa dakila akong tamad na magsulat dahil bakasyon eto po pinublished ko na hehe. Sana po maenjoy nyo.~honeybieee♡♡♡
BINABASA MO ANG
Three Prince for One Princess
Fiksi RemajaIsang prinsesa na minahal ng tatlong prinsipe. Subaybayan natin kung sino ang pipiliin nya ang niligtas nya, ang bestfriend o ang kaaway nya. Isa pang tanong mamimili ba sya kung dalawa ang masasaktan at lahat sila ay importante sa buhay nya?