Riche's pov
Matapos ma aksidente si lili ay agad naman akong tumawag ng ambulance, mabuti at mabilis silang makarating. Natataranta na ako. Bat ba kase hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya?!
Nandito ako ngayon sa labas ng hospital room ni lili, nag aantay habang ini-examine nila si lili. Tinawagan ko narin sila tito at tita at sinabi ang nangyare sa kanila.
Ilang sandali lamang ay nakita ko na si tita at tito na paparating sa kinatatayuan ko.
"R-richelle...." Yun lang yung sabi ni tita at hindi niya napigilang umiyak dahil nakita niya ang dugo sa damit ko.
"Richelle, is our daughter okay?" Si tito ang nag patuloy, kahit na he isn't showing his emotions makikita mo talaga sa mata niya ang pag aalala.
Timing naman at lumabas na ang doctor sa silid. Mukhang tapos na ata, kinakabahan ako para kay lili.
"Are you the family of the patient?" Tanong ng doctor.
"Yes doc kami ang parents ng pasyente" Sabi naman ni tito.
"Good, she's stable now. Mabuti nalang at napapreno yung driver kung hindi baka mas malala pa ang nangyare sa kanya. Kailangan niyang mag pahinga for a few days here at the hospital" Paliwanag ng doctod at lumuwag naman ang dibdib ko dahil okay na siya.
"Maraming salamat doc" Sabi naman ito ni tita. Mukhang okay na siya dahil sa karinig niya.
"But we still have to monitor her though. Her brain is in the state of shock" Nakita ko na nanlaki naman ang mga mata nila tito at tita sa sabi ng doctor. I don't want to pry kaya hindi na ako nag tanong.
"W-what do you mean doc?" Napautal na tanong ni tita.
"I think you might want to talk to your daughter for you to know. Siya lang ang makakasagot niyan" Ngumiti ang doctor at umalis na.
"Amm tita, tito, pwede po ba muna akong umalis? Ipapaalam ko lang sana sa dean kung ano yung nangyare para ma excuse si lili" Sambit ko.
"Sige iha, i excuse mo narin yung sarili mo. Hindi kami makakatagal dito, may inaasikaso kasi kami sa states at nagmadali lang kami na pumunta rito" Sambit ni tito at tumango naman ako.
"Okay po"
* * *
The dean allowed me and lili and handed me an excuse letter to hand it to our professors. Shempre pati narin kay bebeloves ko, ehe.
Nahihingal na ako ng makatapos. Pano namang hindi e magka ibang building kame? Tsk!
Right now I'm packing my clothes, dun kase muna ako matutulog sa hospital para naman hindi maging lonely si beshiwaps ko.
Swerte niya diba? May best friend siya na maganda.
Lumabas na ako ng dorm at nag umpisang mag drive papunta da hospital.
Pag ka rating ko sa hospital ay pumunta ako sa pagkainan at kumuha ng pagkain pagkatapos ay dumiretso agad ako sa kwarto ni lili.
Kumatok naman ako. Shempre bad manners kaya yung biglaan ka nalang pumasok.
"Tita, tito nandito na ako" Sabi ko at pumasok na.
Nakita ko na gising na pala si Lili pero tulog sila tito at tita sa bakanteng higaan.
"O gising ka na pala, anong pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya.
Hindi ito umimik at parang malalim yung iniisip.
"Hey! Are you okay? Bat natutulala ka jan? May masakit pa ba?" Kunot noo kong tanong.
"I— I remember" Napakunot noo ako. Huh?
BINABASA MO ANG
When The Ice Melts - (profxstud)
Romance"Love doesn't mean you will always agree, see eye to eye, or never have an argument, it means despite all the bad days, you still can't see yourself without that person" WARNING!! Typographical and grammatical errors might occur throughout the whole...