⚠️
Time Check 9:24 am oh may ghadd.
Natapos din.Umabot ako ng tatlong oras sa pag pi-paint ng portrait ni Miss Granade. Ewan ko ba bored ako eh. Linggo ngayon at wala naman akong magawa dito sa villa at isa pa tinatamad akong lumabas. Tsk baka makita ako ng mga bruha mag papalibre naman yung mga yun.
Nasa private villa ko kase ako ngayon. Aviora Villa Of The Heir ganon daw ang pangalan sabi ni lolo at lola. Binigay nila to sakin as a gift on my 18th birthday.
Dito ako nag si-stay pag ayaw kong makisalamuha ng mga tao. And since it's private ako lang ang mga makakapasok dito. As of now, that is. Kahit si mom and dad walang ka-alam alam rito haha. Si riche lang talaga ang may alam sa villa nato kase nawalan ng gas yung sasakyan niya at may bagyo pang paparating kaya no choice pumunta kami rito.
Perks of being an heir naks. Lakas mo talaga Ylliana. I have a twin sister her name is Antaneia Quel Funtamuerte, she's 1 hour younger than me and we're unidentical twins. Some people even ask if we really are twins because we look nothing alike. I am blessed with glowing morena skin, chinita eyes, luscious lips, long black hair, and long caramel looking legs. Marami narin yung nag offer sakin na modeling agency pero ayaw ko. Focus talaga ako sa pag aaral na maging artist.
Habang yung kambal ko naman, she's blessed with a white creamy looking skin, big black eyes, raven black hair, cherry lips, and an angel smile. Tsk angel daw sabi ni mom eh sinunog niya nga yung buhok ng barbie ko hmp!
If you're wondering bakit magkalayo yung kulay namin it's because na mana ng kambal ko yung american genes ni dad. Mom is pure filipina while dad is fil-am.
Nakatingin ako ngayon sa ginagawa kong portrait na nakangiti. Ito na ata ang pinaka magandang masterpiece na nagawa ko.
Inilagay ko ito sa may araw para mas madali ang process ng pag dry nito. Balak ko sanang ibigay to kay Miss Granade as a thank you dahil pinatuloy niya ako sa bahay niya. Pero sobrang na gusto ko eh tapos ang ganda ganda pa ng pag gawa ko kaya akin nalang to mwhehe. Ilalagay ko to sa hall of portraits dun sa underground room.
Pagkatapos kong mag ligpit ay bumalik na ako sa kwarto ko. Nakahiga lang ako at pa scroll scroll sa facebook ng may nahagip akong post.
It was a photo of McDonald's chicken nuggets, spaghetti and fries.
Tangina bigla akong nag crave putek! Favorite ko pa naman ang nuggets:((
Shinare ko ito with caption *sanaol mcdo* atsaka pi-nost.
Nakakatakam huhu!
Ilang minuto ang nakalipas ng biglang tumawag ang guard ng villa.
"Hello lili?" Saad niya sa kabilang linya.
"Oh kuya Joshua bat napatawag ka?" Kunot noo kong saad.
"Eh may delivery dito eh, para sayo daw" Sambit nito na ikinatataka ko.
"Huh anong delivery?" Sino namang magpapadeliver sakin dito? Si riche lang naman yung nakaka-alam ng villa ko, oh at yung grandparents ko rin pala.
By the way sa mother's side yung grandparents na tinutukoy ko. Yung sa kay dad naman ay nasa america ganon din yung kambal ko.
"Kuya ano po yan?" Rinig kong tanong niya sa nagdeliver.
"Lili pagkain daw" Sagot ni kuya Joshua.
"Oh siya sige papasukin mo" Saad ko. Si riche siguro yung nagpadala neto. Naks ano kayang pumasok sa kukote non?
"Sige lili— kuya pasok ka na daw. Nasa pinakamalaking lote yung bahay ha" Saad naman ni kuya Joshua.
![](https://img.wattpad.com/cover/311496350-288-k740441.jpg)
BINABASA MO ANG
When The Ice Melts - (profxstud)
Roman d'amour"Love doesn't mean you will always agree, see eye to eye, or never have an argument, it means despite all the bad days, you still can't see yourself without that person" WARNING!! Typographical and grammatical errors might occur throughout the whole...