Chapter 15

14.4K 418 141
                                    

"Girl i heard na pupunta kayo ni Miss Granade sa london this week totoo ba??" Tanong ni Brian sakin as soon as i took my seat next to him.

"Mhm, hindi pa nga sana ako papayag eh, kaso sabi niya malaki daw expectations ng dean sakin" Nakasimangot kong saad.

"Oh bat ka naman naka simangot? Once in a lifetime opportunity na yan eh" He retorted.

"Hays, basta!"

"Ikaw vebs ha, baka takot ka lang, ako din matatakot, pero lulubusin ko na yun, london eh" Paloko nitong sambit.

"Oh edi ikaw dun!" Aniya kong naiinis.

"Ay ayaw ko nga! Nakakatakot kaya si Miss Granade" Mabilis naman itong tumanggi.

"Ayaw mo naman pala eh, manahimik ka jan!" Inirapan ko siya at tyakto naman na dumating sa loob ng classroom si Miss Granade.

"Good morning everyone, open your textbooks and answer page 56-58" Tipid nitong saad.

Nakita ko naman na maraming nagulat sa mga kaklase ko isa na don si Brian. Hindi naman sila maka complain kase alam na nila yung i-reresponse ni ma'am.

Nauna akong nakatapos mag answer kaya nag doodle muna ako sa notebook ko. Doodling is one of my hobbies, natutunan ko ito dahil kay Mavis, she's my friend back from USA, she's also my classmate when i transferred back there. Hay namiss ko siya tuloy.

"Miss Funtamuerte if you're already finish then hand me your paper" Nagulat ako kase nakita ko siyang nakatayo sa harap ng desk ko. Since when siya nakarating dito?!

I handed her my paper, and she returned back to her seat. Hindi ako nakapag salita, yung titig niya kase nakakawalang tapang.

"To anyone who is already finished pass your works and return to your seats" Sambit ni Miss Granade.

Ilang segundo ang lumipas pero wala ni isang tumayo.

"Seriously? None?" Kahit hindi ako tumitingin sa kanya alam ko na galit ito.

"Pass your papers. I don't care if hindi pa kayo tapos, time is precious you all should know that" Napakacold nitong saad parang nasa Antarctica na ako.

Tumayo namn isa isa ang mga kaklase ko at isa isang linapat ang kanilang papers sa lamesa ni ma'am. Matapos niyang i check lahat ay binalik niya ang mga parang lasers na tingin niya saamin.

"All of you failed....." Saad nito at kinabahan naman ako. Fail? I have never failed my entire school life!

"....except for Miss Funtamuerte and Miss Lacsamana" Pahabol ni ma'am. I heaved a sigh of relief. Impossible naman na ma fail ako. I read every sulok ng book na pinag-quiz-an niya.

"All of you except those who passed, this is our first ever lesson, it's so easy! Yet hindi manlang kayo maka 50+! Nag-aaral ba kayo ng mabuti? If you think my class is lame and not worth your 'precious' time, then leave, bukas ang pinto! Wala akong oras magturo sa mga hindi nagseseryoso!" Lecture nito sa amin— well sa mga classmates pala namin ni Clarrisse. Yes Clarisse Lacsamana siya ang isa pang nakapasa.

"And you Miss Lacsamana, you knew you were done early too, why didn't you pass your paper when i said you could?" Tanong nito kay Clarisse. Sinulyapan ko naman siya at nakita ko na nanginginig ang kamay.

"I-im s-sorry M-miss Granade" Nauutal nitong sambit na nakayuko.

"Miss Lacsamana i know you're a scholar of this school at alam ko din na you have high grades. But that isn't enough" She spat on Clarisse and shifted her gaze.

"Class dismissed" Saad nito at dali dali naman akong umalis. Kahit hindi ako yung pinagalitan niya kanina grabe parin talaga yung epekto niya sakin gosh!

When The Ice Melts - (profxstud)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon