Zaharah Azriel Montenero
"May bago daw tayong professor temporary nga lang" akbay na sabi ni Kailyn while her one arm is on Zack. Bigla namang ngumisi si Zack at napatingin kay Kailyn.
"Maganda ba?"
Umagang umaga, ang ingay nanaman ni Kailyn at ni Zack while itong isa namang nasa gilid ko tahimik na naglalakad habang may binabasang libro.
"Oo naman, balita ko magaling rin daw yun magturo and graduate ng masters degree of legal study as summa cum laude" pagpupuri ni Kailyn kaya't napa taas ng kilay si Zack, "Ikaw ah, sumbong kita kay Ma'am Fr-"
"J4MB0 H4TD0G-- k4y4 m0 b4 t0h, k4y4 m0 b4 t0h" biglang putol ni Kailyn kay Zack sabay tingin sa babaeng papunta sa direction namin.
"Good morning, Professor Echavez" sabay na bati naming apat nung nasa tapat na namin ang isa sa mga professors rito sa university.
Professor Francine Jael Echavez, isa sa mga magandang professors sa university kaya't hindi na nakakapagtaka na maraming mga estudyanteng nagkakagusto sa kanya, one of them is Kailyn.
"Morning" malaming na bati niya bago nag patuloy sa paglalakad, while Kailyn's eyes is following her not until Zack smack her head.
"Enough looking at her, dude. We need to hurry to class."
Soon enough naghiwalay rin kaming apat since magkakaiba kami ng classroom, si Claire kasama ko while magkasama naman ung dalawa.
Hindi naman gaano magkalayo ang room namin kaya't saba'y sabay na kaming umakyat.
"Good morning, Azriel, Claire" bati ni Amanda, isa sa mga co-officers namin sa section. Class president kasi si Claire while ako ung vice.
Bago ako makapagsalita biglang nag bukas ung pintuan, isang magandang babae and pumasok. She have a beautiful wavy burnette hair, ocean blue eyes and she's atleast around 5'6 if she wasn't wearing a high heels.
"Azriel-"
She looks like a goddess, ngayon ko lang siya nakita, transferee kaya siya?
"Aray!" bigla akong nakaramdam ng isang masakit na kurot dahilan ng pagbigla kong sigaw, "What was that for?" tanong ko kay Claire ngunit paglingon ko ay nakaupo na ito sa furthest seat in the back by the window.
Someone chuckled, "Are you done daydreaming-" napatingin ako sa babaeng pinag-mamasdan ko kanina, nasa harapan ko na ngayon, hindi ko man na pansin, "-Ms. Montenero"
shit ang ganda niya
YOU ARE READING
S.E.T - Querencia
RomanceSERIES #1 GXG TAGLISH "Why did you stay?" "Because I love her" Querencia means "a place where one draws inspiration or strength from," or "the place where one feels most comfortable and true." In other words, she is my Querencia, my home and my...