CHAPTER ONE

229 7 0
                                    

Zaharah Azriel Montenero


"Wala kang kwentang anak!" malakas na sabi ni dad pagtapos niya akong sampalin.


If going back when I was younger, I would start to cry but no, tinignan ko lang si Dad ng walang emotion. Sanay naman na ako eh, every time something didn't go according to plan, he would put the blame on me.


"That's enough, Luke!" sigaw ni mama, as if naman may magagawa siya, kahit isang beses hindi niya ako napagtangol kay dad.


Ever since I was a child ganito na pakikitungo nila sa akin, no. Ever since namatay si kuya ganito na ang pakikitungo nila sa akin. Pilit nila akong maging katulad ni kuya, the perfect golden child, their favotrite.



"You will take the lawyer's degree, that's final. Whether you like it or not."

Lawyer....That's the course that brother was supposed to take before he died...even his death, father blamed it to me. He even said that it should have been me, instead of him. Pero ayoko mag lawyer...gusto kong maging engineer yun ang gusto ko.


Alam ni mama yun pero....eto siya ngayon walang imik, tahimik na nakatingin sa akin na may luha sa mga mata.

Pagalis ni papa, madaling pumunta sa akin si mom, habang na iyak.

"I'm sorry anak." mahinang sabi niya sa akin na ikinatango ko lang at pumunta na sa kwarto ko, habang naiwang umiiyak si mama.


Anong pake ko lagi namang ganito, magagalit si papa, ibubuhos niya sa akin ang galit niya tapos magwawalk out siya then mom will come to me crying, apologizing. Lagi namang ganon, walang pinagbago.

Ilang oras na ang lumipas, wala parin akong gana lumabas ng room ko, nung biglang tumunog ang phone ko.


'Claire Fernandez calling....' nakaflash sa screen, agad ko namang sinagot ang tawag nito. 


"Riel, tara club" mahinang sabi nito, alam kong may problema nanaman siya dahil hindi naman ito magyaya pag wala, hindi na sana ako papayag pero nung maalala ang nangyari kanina, napabugtong hininga na lang ako bago mag-oo at patayin yung call.


Nagquick shower ako tas lumabas sa bintana pagtapos ko kunin ang susi ng car ko, ayoko munang makita si mama at papa. Hindi din naman nilang mapapansin na wala na ako sa bahay.

Naalala ko pa nga nung grade 5 ako, naiwan nila ako sa mall. Buti na lang binalikan ako nung driver namin, pagtapos niyang ihatid sa bahay sila papa. Ang sabi niya nga sa akin noon, nagtaka daw siya bakit hindi ako kasama nila mama nung pauwi na sila. 


Ilang minutong lumipas ay nakarating din ako sa club, normally need mo ng membership card bago makapasok sa club na ito pero dahil tropa ko naman ang may ari at lagi kaming nandito, kaya't agad na akong pinapasok at tinuro kung asaan sila.


Pagdating ko sa table nila, hindi na ako na-surprise na may kahalikan ng babae si Kailyn habang tahimik na niluluklok ni Claire ang sarili niya sa alak, while si Zackariaz naman ay nakatingin lang sa mga babae na sumasayaw sa dance floor.


Umiling na lang ako bago umupo sa tabi ni Zack, "Hoy babae, kulang na lang maglaway ka jan kakatingin mo sa kanila." sabi ko na nagulat naman siya nung namalayan niyang nasa tabi niya na ako.

Yes, babae si Zack nakakatuwa nga, hindi halata sa pangalan niya, siya din ang may ari ng club na ito. Kaya't libre lahat kapag nagiinuman kami.


"Hindi ko naman yun false, I mean look at them, Azriel. Piece of art. I'm telling you" she exclaimed, dramatically. Napangiti na lang ako bago tignan si Claire na halos mukhang lasing na lasing na.


"LETSHE!" sigaw nito, nanakaw ang atensyon nila Kailyn kaya't napatigil ito sa paglaplap sa babae nakaupo sa tabi nito.



"Bakit ganon?!? ha! bat hindi nalang ako! bat sa mukhang siyokoy na yun pa siya nagkagusto!?" lasing na pagrereklamo niya, itong si Claire kasi may gusto sa kaibigan ng kapatid niya ngunit meron itong gustong iba.


Hindi nalang ako nagsalita at uminom na din ng alcohol, habang patuloy na nag rereklamo at sumisigaw siya, comfirmed lasing na talaga.



Pagtapos ng ilang glass ng alcohol, naramdaman ko na din ang epekto nito sa katawaan ko. Tatayo na sana ako para makaalis at umuwi na nung hinila ako pababa ni Kailyn.


"Saan ka pupunta, Riel?" tanong nito habang naglalagay pa ng alak sa baso ko at inabot ito sa akin, "Wag ka munang umalis at uubusin pa natin ito" nakaturo sa isang pang bote ng alak.


Ininom ko na lang ang binigay niya, wala din naman akong magagawa kahit tangihan ko ito dahil pipilipilit pa din nito ako, bahala bukas.


S.E.T - QuerenciaWhere stories live. Discover now