- Mary's POV -
"Una na ko ha! Bye!"
"Sige!" sabi ko kay Charmaine.
"Ako rin, Mary." sabi sakin ni Betty.
"Pati ikaw? Kawawa naman ang lola niyo."
"Toyo! Ang laking bulas mo na, Mary eh. Alis na ko ha. Babooooo."
"Pag iniwan mo ko may utang ka saking 500pesos." sabi ko.
"Sige. Ilista mo na lang yung utang ko! Bye!"
"May tubo yung utang mo! Piso sa isang araw! Sige ka!"
"Okay! Bye!"
Deadma? Taray ha? Umalis na siya.
-_________-
Di man lang nasindak sa utang niyang 500pesos with tubo of 1peso.
Kala niya. -_____-
Si Charmaine, may natanggap lang na text umalis na agad. Si Betty naman, nagugutom na raw kaya umuwi na. Ang siba talaga.
"Maka uwi na nga." sabi ko sa sarili ko.
Sumakay lang ako sa jeep.
Nakakainis lang yung driver. Ang bilis magpa takbo. Halos mahiwalay na yata yung utak ko sa ulo ko.
At eto pa ang malala. Hindi binalik yung sukli ko.
Piso rin yun no! Walang 10pesos, 20pesos, 50pesos, 100pesos at isang milyon kung walang piso. Okay?!
Nahi-highblood naman ako. Mabalita pa ko sa TV na natigok dahil sa hindi ako sinuklian ng mamang driver ng piso.
Nasa tapat na ko ng bahay.
"Arp! Arp! Arp!"
"Browny, kamusta? Tagal na ktang 'di napapasyal ha." sabi ko sa aso ko.
"Arp!"
Odivaaaah? Nagkaintindihan kami. Haha.
"Sige, pag may time ako, papasyal tayo ha. Chillax ka lang."
Iniwan ko na siya at pumasok na sa loob ng bahay.
"Oh! Mary! Naka uwi kana pala." salubong sakin ni mamu.
"Mamu, kain na po tayo."
"Sige! Favorite mo ulam natin."
Umupo na ko. Pati rin si Mamu.
"Ano ba yang ulam natin? Chicken? Hotdog? O Meatloaf?" tanong ko.
"Itlog."
-_______-
Ano? Itlog?
"Mamu naman. Di pa nga ako nakaka recover sa pigsa ko nun eh. Tapos itlog nanaman?"
"Hay. Ang arte. Itlog o walang kain?"
"Sabi ko nga. Masarap ang itlog. Buti na lang 'di pa ko nagiging itik nito."
Kumuha at kumain na lang ako ng itlog.
"May sasabihin pala ako sayo."
sabi ni mamu.
"Ano po 'yun? Na bukas ulam ko uli Itlog?"
"HIndi! Aalis ako. Pupunta ako Vigan. Sasama ko kumare ko."
"Vigan?! Alam mo namang matagal ko nang gusto pumunta dyan diba? Tapos kumare mo isasama mo." sabi ko.
"Hayaan mo. Papasalubungan kita ng kabayo. Minsan lang naman ako mag enjoy kasama mga kaibigan ko eh. Pupunta akong Vigan ha."
-_________- Sinong kasama ko? Si Chuva chuchu. Yung unanan? Banaman! Wrong timing. At kung sakaling pumunta nga si mamu dun. Papasalubungan niya dapat ako ng kabayo.
----------
A/N:
VOTE> COMMENT> BE FAN. :))
![](https://img.wattpad.com/cover/3331033-288-k15083.jpg)