Chapter 17

98 13 2
                                    

"Masakit?"

"Ha?"

"Yung ano..." pabitin nya.

"Yung?"

"Anoooo... yung..."

"Isa pa, Betty. Babatukan na kita. Yung ano ba?" tanong ko.

"Nung nalaman mo na. Nililigawan ni Nasty si Charmaine?"

"Hindi." mabilis kong sagot.

Oo, di kayo may katarata, duling, puwing o ano mang dumi sa mata nyo. Nililigawan ni Nasty si Charmaine.

"Weh?"

"Manahimik ka nga, Betty. Di ka nakakatuwa." sabi ko sa kanya.

Lunch time namin ngayon. At syempre, ano ba ginagawa sa tanghalian? Syempre, ang lumafang!

"Handali lang ah. Bibili lang ako ng pagkain natin. Ano gusto mo?" tanong ni Betty.

"Basta yung medyo matamis. Ayoko ng matabang."

"Bitter ka kasi kaya gusto mo ng matamis." tapos tumawa sya ng malakas na hindi naka bukas ang bibig. Oh, kaya nyo yun? xD.

"Hindi ako bitter. Bumili ka na nga. Bilis na." sabi ko na may pataboy effect.

"Makapag utos 'to. Eto na nga. Gogora na. Tss." at tuluyan ng umalis ang kakambal na madaldal ni Dora.

Lilinawin ko lang. HINDI AKO BITTER. -___-

"Ano ba yan! Masyadong mapait yang ampalaya ni Ate Sosing! Ayoko na. Di na ko kakain." sigaw nung babae sa isang table na malapit samin.

"Tange nere. What do you expect sa ampalaya?! Matamis?! Manahimik ka na. Kumain ka nalang. Palibhasa kasi ni-reject ka nung papa sa village nyo!" sigaw ng mahinahon nyang kaibigan.

Ako yung natamaan oh? Di naman ako ni-reject eh. Babae ako. Dapat di kami nire-reject pasalamat kayo may nagkakagusto sa inyo! Nako!

Eh? May pinaghuhugutan?

Di ako makapaniwala. As in. Nililigawan ni Papa Nas--- ni *ehem* Nasty si bespren. Medyo masakit. Pero medyo lang!

Nung umakbay si Nasty kay Char...

ANLA! SIGE! INAAMIN KO NA! AKO NA ANG BITTER! Ayan na. Inamin ko na... sa sarili ko lang syempre.

Yumuko na lang ako. Basta nakayuko lang.

"Oy..."

Tss. Sino ba yun? Masyado akong bitter para tingnan ang mukha nya.

"OY! ANO BA?!"

Napatingin naman agad ako dun sa walang modong sumigaw sa kin.

O___O ---> Expect nyo na reaction ko.

-____- ---> Ang tunay na reaction ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Wala lang. Gusto lang kitang sigawan."

Ay! Anak ng tokneneng na lalaking to! Sinigawan ako dahil gusto nya! Aba!

"Hoy, lalaki!" tumayo ako. "Ano bang trip mo sa buhay mo ah?!" dinuro duro ko sya. "Wala kang magawa noh?! HAH! Magbilang ka ng buhok mo! Kawawa ka naman! Umalis ka na nga!" sabay upo.

Aba. Anong akala nya? Papatalo ako sakanya? Isa pang sigawan nya ko, lalagyan ko ng isang dosenang packange tape sa bunganga nya!

"Alam mo, ang sarap mong inisin." at tumawa ng wagas ang loko.

Smile Again [REVISING AND EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon