- Betty's POV -
Nakauwi naman ako ng ligtas at buo ang katawan. Thank God.
Papasok palang ako nang bahay ng nagvibrate yung phone ko.
*Bzzt Bzzt*
From: 09123456789
Hello. Kilala mo 'ko? *insert an emoticon na wagas ngumiti.*
--end of msg.--
Wow ah? Ganda naman nito. Ako pa tinanong kung kilala ko sya? Ay, magaling! Nasan utak nya? Nasa binti, on the way sa talampakan nya!
Di ko nalang pinansin yung text na 'yun. Masyado pa 'kong gulat sa nangyari kanina.
"Psst. Ate." tawag ng 10 y.o kong kapatid.
"Psst ka din."
"Saan ka nanggaling ah?" tanong nya.
"Wala..." tapos umakyat na 'ko ng hagdan ng biglang ---
"Mamaaaaaaaaaa! Si Ate oh! Late na umuwi! Pumunta yata sa inuman! Amoy juice sya eh! Lasing syaa! Mamaaa! Paluin nyo oh! Nanlalaki yan! Bayaran na si Ate! Mamaaa! Biliiis! Grounded dapat sya ng 4years! Ma---"
Tinakpan ko nalang bibig nya. Masyado syang madaming alam! Aba, ginawa ba naman akong babaeng bayaran! Di naman ako ganun noh! Kahit kelan talaga 'to! Wala lang 'yan masabi. >____<
"Daldal mo! At isa pa, nagmall ako. Okay?" inis kong sabi.
Ang sigaw nya talaga, tsk. Pag nagising si mama. Patay ako neto. From mama nagiging mamaw yun.
"Ano ba 'yan ah?!!!" sigaw ni ma--- mamaw.
Hay... magsesermon nanaman 'to. Daig pa nito pari.
"Wala naman po. Nag---"
"At saan ka namin nanggaling abeeer?!! 10pm na!! Ano?! Explain your answer!"
Tss. May paexplain explain your answer pa. Mama talaga. -__-
"Patapusin nyo mu---"
"Sige! At bilisan mo! Ako'y matutulog pa!"
Huminga ako ng malalim,
"Nagmall lang po kami. Iyun lang. Pasensya na kung---"
Di nanaman ako pinatapos! =__=
"Sa susunod wag ka nang magmamall ah! Tagal nyo ah. Parang binili nyo lahat pwedeng bilin! Nakoo," sabay pingot sa tainga ko. "isa pang magpagabi ka. Mapepektusan na kita."
Malaki nanaman ako ah! Di na ko baby.
"Opo. Sorry po." yan nalang na-say 'ko. Paghumirit pa 'ko 'di pa matatapos.
Umakyat na si mama para matulog.
Tumingin naman ako sa kapatid ko. At aba, abo't uli ang ngiti.
Edi sya na ang nagwagi! Ganyan 'yan eh. Buti nalang kadugo ko 'tong isang ito.
"At ikaw?" sabay pamewang "bakit di ka pa natutulog? 10.13pm na oh!"
"Wala lang, ate." sabay tawa.
Wala lang mo 'yang mukha mo. -___-
"Ewan ko sayo. Dahil naman sayo nasermonan nanaman ako. Tulog ka na ah!" sabi ko.
"Ay. Ate, wait! May tatanong ako."
"Ano?"
"Pwede bang mag boypren? Hihihi."
Ang arte. 10 y.o palang 'yan ah! Kaya BAWAL --- Pero,
"Pwede naman. Pero wag mong seryosohin ah. Bata ka pa. Kaya lang..."
![](https://img.wattpad.com/cover/3331033-288-k15083.jpg)